Chapter 21

44 7 4
                                    

<Archer Alcantara>

You should've known better than to fall in love with the enemy.

Look at you now Archer, you're senselessly crying over that prick!

Isinusumpa ko! Matitikman niyo ang ganti ng isang api! Char! Miss Powers lang?

I wiped my tears that can't seem to stop falling. Hindi ko maintindihan kung bakit parang sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Mahal ko na nga ba siya?

Oh come on, Archer, alam mo na sagot diyan. It wasn't the need to put him defeat, it was the need to see him. To ALWAYS see him.

Pulis ako, Mafia Boss siya. Paano ko siya nagustuhan?

Na-curious ka kung bakit siya ganun, you were allured by the dangers that came with loving him. You were mystified on how he keeps escaping his fate.

Pero di ba dapat galit ako sa kanya? Ngunit hindi ko maramdaman ang galit.

Simply because your anger is being clouded by your feelings for him. Simply because he is Silver Della Valle, a dangerous criminal, but a loving brother and son to his family. The man you love.

Sige lang, lagi ka namang komplikado. Pinili mo yung ganyang sitwasyon tapos ngayon iiyak iyak ka.

Ang hirap, sarili ko na nga lang kausap ko nagtatalo pa kami.

Natawa ako.

Nababaliw na ba ako?

Char!

Nakarinig ako ng komosyon sa baba, isang putok ng baril at nabasag na gamit.

Mabilis kong kinuha ang baril sa secret compartment sa pintuan ko at tumakbo palabas, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

I was shocked to see my brothers aiming a gun at the man who broke my heart and possibly damaged my brain.

Shookt ako ate.

"Anong ginagawa mo dito Mr. Silver Della Valle?"

Tinutukan ko siya ng baril habang nasa second floor ako.

Agad na namutla siya pagkakita sa baril ko. I smirked while aiming my Ruger American Pistol directly at him. I went down the stairs not moving my gun away from him.

"F-flowers for y-you." Nakatulala at nanginginig ang kamay na iniabot sakin ang mga bulaklak.

Ang ganda kaso hindi okay yung nagbigay. Kumunot ang noo ko at nakita ko yung bitbit niyang alak. Mas gusto ko yun.

Pero flowers yung binigay niya, eh di okay!

Ibinaba ko ang baril ko at padabog na kinuha yung bulaklak. Sinenyasan ko ang dad at mga kapatid ko na ibaba ang mga baril nila.

Pagkasunod nila, tumalikod ako sa kay Silver at umupo sa sofa namin. Nasa likuran ko ang tatlo kong kuya, nasa magkabilang gilid naman ang pwesto ng lola at dad ko.

"Speak." I demanded.

Sinabi ko na, lalabas ang pagiging sadista ko. Parang mas mukha pa akong Mafia Boss ngayon kaysa sa kanya.

He looked at me with sincere eyes, "Lianne is just a friend Chief."

Tinignan ko siya ng masama, "Fiancé ka daw niya, how did she arrive at that conclusion?"

Nagpalipat lipat ang tingin sa amin ng mga kapatid, dad at lola ko. Pati si mom ay hindi makapaniwala sa nasasaksihan nila.

"She's a friend and a business partner." Giit ni Silver sa akin at ibinaba ang dala niyang alak sa lamesa.

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon