Chapter 14

53 12 0
                                    

<Archer Alcantara>

Pagkagising ko, agad na ginawa ko ang morning rituals ko at nagpunta ng opisina upang magreport.

"Look what we have here, case stealer!" Pagpaparinig niya sa akin.

Agad na nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Smile. Ang ganda ganda ng umaga ko, sisirain nitong babae na ito!

"Kung di sana nabubulok yung kaso sa desk mo, hindi sana ibibigay ni Chief sakin 'yan. Minsan kasi ayusin mo trabaho mo." Pabalang na sagot ko.

Halata na hindi niya nagustuhan dahil namula agad ang mukha niya. Parang may usok na lumabas sa tenga at ilong niya.

Nagmukha siyang PNR ahahaha!

"Hindi mo alam kung anong pinasok mo!" Banta niya at naglakad na paalis.

Ano nga ba ang meron sa iyo Smile at kung makapagbabala ka ay ganyan ganyan na lang?

Napailing na lamang ako at dumiretso sa opisina ni Chief.

Pagkatok ko, pumasok ako at sumaludo sa kanya.

Gumanti siya ng saludo at pinaupo ako, "Senior Inspector Alcantara, any updates?"

Umiling ako, "Wala pa po akong pianghihinalaan dahil hindi pa rin po nagsasalita si Silver Della Valle."

Tumango tango si Chief sa akin.

"Well, gusto ko manmanan mo itong bahay na ito dahil sabi nila may mga kahinahinala daw na aktibidad dito base sa mga residente na nakatira." Iniabot sakin ni chief ang address at kumunot ang noo ko.

"Malapit ito sa Della Valle Mansion chief!" Sagot ko sa kanya.

"Hindi pa malinaw kung anong grupo iyan at kung ano ang mga kahinahinalang aktibidad nila." Nakangiting tugon ni Chief Luciano sa akin.

Maaaring kalaban ni Silver o kaya naman sila Silver mismo ito.

Isa lang ang paraan para malaman ko.

Maya maya pa ay narating ko na ang kuta ng kalaban at gaya ng pinag-usapan ng Manila Police District ay naka-undercover ako.

"Hi sir! I am Eve Legaspi, your saleslady for today! I have your items here sir!" Nakangiting sambit ko sa bantay sa gate.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tsaka pinapasok sa gate, inihatid niya ako sa loob ng bahay.

"Kuya, magsalita ka naman." Ani ko sa kanya dahil hindi man lamang siya nagtanong.

"Senior Inspector Alcantara, ano na ang nangyayari diyan." Tanong ni Chief Luciano sa intercomm.

"Kuya, nasa sala na ba tayo papunta sa office ni sir?" Tanong ko at pasimpleng pagsagot sa tanong ni chief.

Patuloy pa kami naglakad sa living room kung saan makikita mo na napakasimple lamang dito at hindi sana kahinahinala kung hindi armado ang mga tauhan nila.

Kumatok si kuya na hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita. Maya maya ay may nagbukas ng pinto galing sa loob.

Nakangiti akong pumasok sa opisina ng isang lalaki na hindi ko kailanman nakikita pa.

"Pakilagay na lamang sa lamesa at akin na ang pipirmahan ko." Utos niya sa akin.

Kung titignan, medyo magkasing-edad lamang kami. Hindi maitatanggi na makisig siya at matipuno.

Sinunod ko ang utos niya at papalabas na sana ako ng kwarto ng bigla siyang nagsalita, "Sandali."

Napahinto ako at nagsimula tumulo ang mga pawis ko.

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon