Prologue

172 19 2
                                    

<Silver Della Valle>

Tiningnan ko ang kabuuan ng lugar kung nasaan ang opisina ko sa tuktok ng gusali namin.

Della Valle Mining Corporation.

Sumilip ako sa salamin na dingding ng aking silid at nagmasid sa kapaligiran, sa ibaba.

I feel like a God whenever I do this, sabagay, ang legal na negosyo ng pamilya namin ay pagmimina at paggawa ng alahas. Ang pamilya namin ang pinakamayaman sa bansang Pilipinas.

I took over when I graduated Masters in Business Administration sa University of Pennsylvania. My family and clan made sure that I will be receiving the best in everything that life can offer.

Pinanganak ako ng may nakasubong Diamanté na kutsara sa bibig, kung sa iba ginto sakin Diamanté.

Nakarinig ako ng katok sa pinto ng opisina ko at nagbukas ang pinto. Pumasok ang tauhan ko at nag-bow sa akin.

"Mr. Della Valle, everything is prepared." Sambit niya at humarap ako sa kanya.

"Let's go." I uttered and went out of my office.

Apat na tauhan ko ang sumundo sa akin, I ordered the two to take the stairs and the other two accompanied me to the elevator.

Ipinikit ko ang mata ko dahil sa gigil. Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sobrang tahimik ng lugar, wala ang mga gwardiya na mas lalong ikinabahala ko.

Lumabas kami ng gusali at nagtungo sa parking lot.

I wasn't surprised to see them pero hindi ako nagpahalata.

"Silver Della Valle." Bungad ng leader ng isang sindikato na ang pangunahing transaksyon ay droga.

Kamakailan lang ay nakalaban namin sila sa isang engkwentro dahil sa hindi pagkakasundo. Ang Della Valle Mafia ay ang nagpapalaganap ng illegal na armas at kami rin ang nagsusupply nito sa iba't ibang sindikato at Mafia.

Nakatuktok ang mga baril nila sa amin, anim na lalaki kasama ang pinuno nila sa bilang na nasa harapan namin.

Napabuntong hininga ako. I knew this was coming.

"Masyadong malalim naman ata ang pinaghuhugutan niyan Silver." Natatawang puna sa akin ng pinuno nila.

Ngumisi ako at bahagyang natawa sa sinabi at sa sitwasyon namin na naging dahilan ng pagkunot ng noo nila.

"Masyado kang maraming napupuna." Sagot ko sa kanya.

Ginantihan niya ako ng ngisi at sasagot sana siya ng sipain ko ang baril niya.

Agad na pumwesto ang dalawa kong tauhan sa aking gilid upang proteksyunan ako at makalaban din sila ng maayos.

Nagkanya-kanya kami, nagpalitan kami ng suntok at ibinaba ko ang katawan ko. Inextend ko ang paa ko upang masipa ang kalaban na ikinatumba naman nila.

Umikot ako at tinapakan ko ang dibdib niya at tinadyakan iyon ng malakas. Nakarinig ako ng daing ng sakit kaya nilingon ko ang mga tauhan ko at ang kalaban.

Nadisarmahan namin ang apat sa kanila ngunit ang dalawang kalaban ay binaril ang dalawa kong tauhan sa hita kaya naman napaluhod sila sa sakit.

Napabuntong hininga ako ng mapagtanto ko na sa akin na nakatuon ang atensyon at baril nila.

Weak

Sabi ko sa isip isip ko.

Tumawa ang pinuno nila, "Yan ang napapala ng mayabang."

Sinipa niya ang likod ng hita ko na naging dahilan ng pagluhod ko. Ini-angat niya ang ulo ko gamit ang buhok ko.

Kailan ako nagyabang?

"Alam mo ba kung bakit ako mayabang?" Tanong ko sa kanya ng nakangisi.

Napailing naman siya at bahagyang tumawa, "Nasa bingit ka na nga ng kamatayan, nagagawa mo pang maging hambog. Bakit nga ba?"

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya, "Dahil palagi akong may ipagyayabang."

His blood sprayed all over my face.

Shuta.

"You couldn't wait for me to pull out a little bit from him?!" Inis na sigaw ko sa kanila.

Nagkamot naman sa ulo na lumabas ang dalawang tauhan ko sa pinagtataguan nila.

"S-sorry boss Silver." Paghingi nila ng tawad.

I motioned for them to get out of my way. Sumakay ako sasasakyan ko na Sweptail by Rolls Royce at iniwan sila roon para magligpit ng ebidensya at kalat.

<Archer Alcantara>

"Looks like this body was just dumped here."

Iiling-iling na sabi ng forensic expert and field partner kong si Lucas Santillan.

Napabuntong hininga ako, looks like we have zero clue kung sino ang pumatay sa biktima.

"Senior Inspector Archer Alcantara, kailangan maresolve ang kaso na ito." Utos ni Chief Inspector Luciano.

Tumango ako bilang sagot ngunit kung walang ebidensya ay wala ring kaso.

Hindi magiging madali hanapin ang kriminal dahil sa kawalan ng ebidenysa at identity ng biktima.

Tumingin ako sa paligid at nagmatiyag para sa mga kahinahinalang tao na maaaring naging instrumento sa pagkamatay ng biktima.

Muli kong pinagtuunan ng atensyon ang bangkay at napansin ako ng isang singsing. Para itong ahas na nakapulupot sa daliri, hindi mo malalaman na insignia ito kung hindi ka aware sa Underground Government.

"Partner, sa tingin ko may kinalaman ang singsing na ito." Itinuro ko kay Inspector Lucas

It's them, again.

This victim is a member of the Dela Vega Mafia, and their rival might've be responsible for killing him.

Pero kung walang ebidensya, wala ring kaming pwede ituro o ikulong.

Nanglaki ang mata niya at naging bakas ang takot sa kanyang mukha.

"It's the Della Valle Mafia's doing!" Sigaw niya sa akin.

I smiled at him, "We need to interview Silver Della Valle, see if we can get anything out from him."

"Pero Archer, hindi ka ba natatakot?" Tanong niya sa akin na puno ng pag-aalala.

I just shrugged my shoulders and reported to Chief Inspector Luciano.

"A job well done Senior Inspector Archer Alcantara. I want you to treat this case as if it's just a regular case." Papuri niya sa akin.

Kitang kita ko pa rin ang kaba kay Lucas at tumingin siya sa akin ng puno ng pagtataka.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at sumaludo kay Chief Inspector Luciano bilang pagpapalam para makauwi.

Sinundan ako ni Lucas, "Bakit ba parang hindi ka natatakot? Mafia ang makakalaban natin Archer, kung ako ang masusunod ayoko tanggapin ang kaso na ito."

"Pasensya na Senior Inspector Santillan dahil hindi tayo ang masusunod. Bakit ako matatakot kung nasa panig natin ang batas? Don't you remember that no one is above the law?" Sumakay ako sa pinakamamahal kong 2019 Electra Glide Ultra Classic Motorcycle at nagmaneho na pauwi.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°
Author's Note:

Photo is not mine.

IU as Archer Alcantara on the media

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon