Chapter 24

44 7 6
                                    

<Archer Alcantara>

I heard sobs of a man who is crying na naging dahilan ng paggising ko. I opened my eyes at sandali na lumabo ang paningin ko ngunit luminaw rin dahil sa pagtama ng sinag ng araw.

Silver is beside me with his head down, asleep and he is crying. Narito kami sa isang kwarto, nakahiga ako sa isang kama at may nakakabit sa aking mga aparato.

Hindi ko alam kung bakit parang pagod na pagod ako kahit alam ko na kakagising ko lang.

Silver is sleeping with tears falling down his cheeks.

I placed my hand on top of his head without waking him up. Agad na tumigil ang pag-iyak niya at tila ba nakaramdam siya ng ginhawa.

Napangiti ako, "I love you Silver."

It occured to me, ngayon ko lang nasabi ang mga kataga na iyon.

Natawa ako, sinabi ko nga pero hindi naman niya narinig dahil tulog siya.

Pinagmasdan ko pa ang mukha niya habang natutulog.

Why so perfect my love?

Ilang sandali pa ay bumigat ang talukap ng aking mata at hinila ako nito sa isang mahimbing na tulog.

<Silver Della Valle>

Tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko, naramdaman ko ang isang kamay na nakapatong sa ulo ko. Dahan dahan kong ini-angat ito at nagtaka ako dahil hindi naman ganito ang posisyon niya kanina. Isang linggo na siya hindi gumigising at ako lang ang nagtatagilid at nagbabanat ng buto niya.

Nagising kaya siya?

"Good morning Chief. Gising ka na ba?"

I was answered back by her soft snores. It was as if she is sleeping peacefully. Napangiti ako sa sarili ko dahil ligtas ang lagay niya.

Muling nag-ring ang cellphone ko at iritable ko itong kinuha sa bulsa at naglakad palabas ng kwarto.

"Silver, where is my twin sister?"

Tila ba naging bato ako sa kinakatayuan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya.

Bumigat ang paghinga ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Excuse me, hindi ko siya type. Nababanas lang ako at kinakabahan.

"Gago! Walang kapatid na kriminal si Archer!" Sigaw ko sa kanya.

Tumawa siya, "I'm Arrow, her twin brother."

Sa sobrang inis ko, ibinato ko ang cellphone ni Archer sa dingding.

Shuta.

Paano ko tatawagan si Diamond at Rainier para mag-imbestiga at hingian muli ng tulong?

Tanga.

Naglakad ako pabalik sa kwarto at hinawakan ang kamay ni Archer na mahimbing pa rin na natutulog.

"I don't want to lose you." Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.

Even if you are a part of the family that killed my mom, even if you are a Dela Vega. Don't leave me Archer, just kill me if you want, but don't leave me.

May isang traydor na luha ang kumawala sa mata ko at agad na pinunasan ko ito.

Pinagmamasdan ko pa si Archer, trying to memorize her face. Hanggang sa nakarinig ako ng ingay sa labas. Sumilip ako sa likod ng bahay kung nasaan ang kwarto namin na nasa second floor.

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon