Chapter 25

35 7 3
                                    

<Archer Alcantara>

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at hinawakan ang sugat sa bewang ko. Natuyo na ito makalipas ang isang linggo.

Flashback

Paglabas namin sa front door agad na nahagip ng mata ko ang isang lalaki, parehas ang mata namin, ang ilong, at labi.

Napakunot ang noo ko dahil pati siya ay tinutukan ng baril si Silver.

It looks like my family knows about this maliban sa mga kapatid ko, it looks like aware sila na may kakambal ako pero ako kaming magkakapatid ay hindi namin alam. Silver doesn't look surprised either.

"Silver Della Valle, mamili ka. Kulong o Kasal?" Pagbabanta ni kuya Burn.

Akala ba nila nagtanan kami?

Napasikwat ako dahil humapdi ang tagiliran ko.

"Archer!" Sigaw ni Silver at agad na inalalayan ako para mapaupo sa isa sa mga hood ng sasakyan.

Maya maya ay dumating na ang ibang mga men in black na nanghabol sa amin.

Agad na naging alerto ang mga kapatid ko pati si Silver. Nanatiling kalmado yung lalaking kamukha ko.

Kinapa ko yung tagiliran ko at naramdaman ko ang likido.

"Nakunan ka ba?" Tanong ni Delta.

Nakunan?!

"Tanga, sa keps dapat yung dugo kung nakunan siya!" Singhal ni kuya Clarisse.

Keps?!

"Eh bakit dumudugo yung bewang niya?" Tanong ni Burn.

"Nadaplisan ata siya ng isa sa mga tauhan natin." Sagot nung lalaki na kamukha ko.

Nabato si Silver na tinutulungan si Clarisse sa paggamot sa akin. Lahat kami ay nag-iwas ng tingin ngunit yung kakambal ko ay nakangiti kay Silver ng malawak.

"I told you, I'm her twin brother." Niyakap ako ni Arrow.

Umatras si Silver at tiningnan ako ng puno ng lungkot at panghihinayang.

He walked away without saying a word to me.

"Si-"

"You don't need him; we are coming home." I was cut-off by my twin.

End of Flashback

Napabuntong hininga ako, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. May luha na kumawala na agad ko namang pinunasan. Sa isang iglap naisiwalat ang sikreto na itinatago ko kay Silver.

Kinuha ko ang susi ng motor ko at bumaba na sa living room.

"Good morning kambal." Lumapit sa akin si Arrow at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti ako at niyakap ko siya, "Kambal magrereport ako sa office."

Tumango naman siya sa akin at nagsimula na ako lumabas sa bagong mansyon namin.

"Don't forget that mom wants you to get the box she was asking for." Habol ni Arrow sa akin.

I just motioned my thumb to indicate that I won't forget it.

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon