Chapter 18

45 9 1
                                    

<Archer Alcantara>

Agad kong tinakpan ang mukha at ulo ko ng braso para maghanda sa impact. Silver enclosed me in a hug para protektahan ako.

Our car hit the bottom of the river dahil sa lakas ng pwersa. Agad kami lumangoy palayo ni Silver dahil pinauulanan ng bala ng kalaban ang lugar kung saan kami bumagsak. We are doing our best to dodge the bullets.

Nauubusan na ako ng hininga, Silver swam to the top to get some air then dived back in the water.

Ipinasa niya sa akin ang hangin through our mouth.

Maya maya ay sumilip ulit siya sa itaas at ng makita niyang wala na ang mga kalaban, sinenyasan niya ako na lumangot papunta sa pampang.

Lamig na lamig kaming dalawa at wala kaming mahingian ng tulong dahil lahat ng gamit namin ay basa. Lumutang ang cash namin sa ilog at hindi na namin nakuha.

In other words, no phone, no cash, no guns and no car. How are we going to survive at obviously hindi namin alam kung nasaan kami.

Mind you, I am still wearing the daring, sexy police outfit.

Sobrang init ng ulo ko ngayon, kahit kailan hindi pa ako nalagay sa ganitong sitwasyon.

Pinagmasdan ko si Silver na naglalakad at nag-iisip. Nagkamali ako na siya ang sinama ko sa misyon ko.

"Archer?"

Hindi ko siya pinansin.

"Archer?"

Ano kaya yun? Tunog ata ng hayop na may gustong sabihin.

Lumingon ako at binato ko siya ng heels sapul sa mukha niya.

"Ouch! What was that for?!" He asked while touching the part of his face na natamaan ng heels ko.

"I. Never. Failed. A. Single. Assignment." May diin na sagot ko sa kanya at ibinato pa ang isa kong sapatos sa kanya.

"How is it my fault?!"

Ano nga ba ang kasalanan niya dito? Ewan ko, basta kasalanan niya! I am stuck with the feeling of loving him and constang liking na sakalin siya sa sobrang galit ko sa kanya.

"Hindi ako kahit kailan nalagay sa ganito kaalanganing sitwasyon, my missions always go perfectly." I am practically shouting at him with my fists closed in anger.

Totoo naman! Buong buhay ko dedicated sa pagkukulong sa mga kriminal. Hindi ako kailanman pumalpak sa pagbibigay ng hustisya.

"If your missions went perfect everytime, eh di dapat nakakulong na ako!" He said in a very calm voice.

Hindi ko na napigilan at sinugod ko siya, "Kung hindi ka distracted kanina hindi mangyayari ito!"

I tackled him to the ground and punched him na naiwasan naman niya. He rolled over at ako na ang nasa ilalim niya, laking gulat ko ng buhatin niya ako ng parang sako.

"Come on, I'll carry you."

Nagpumiglas ako pero hindi siya nagpatinag. Sinuntok ko ang likod niya pero wala siyang reaction na tila ba hindi siya nasasaktan.

Ako na mismo ang napagod sa ginagawa ko.

"Hindi ka na ba tino-toyo?" Tanong niya sa akin.

Pinalo ko ang likod ng ulo niya gamit ang kamay ko.

Hindi pa mawawala ang galit ko sayo! Pagbalik natin sa realidad, maghihiwalay na tayo ng landas! Bibitawan ko na ang kaso mo!

"Okay, hindi pa." Sagot niya.

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon