Chapter 20

52 10 4
                                    

<Silver Della Valle>

Pinagmamasdan ko si Archer sa tabi ko. I kissed her shoulder at napalingon siya sa akin, tinitigan niya ako ng masama at pinitik niya ang ilong ko.

Sadista talaga.

"Boss Silver, hinahanap ka ni Tito Adrien." Tumingin sa akin si Rainier ng may kahuluhan.

Oh no.

Bumalik na ba sila?

Napalunok ako sa kaba dahil kung bumalik na nga sila, isa itong malaking gulo at isang hadlang para sa amin ni Archer.

Tumango ako bilang sagot at hindi na nagsalita pa. Hinawakan ko ang kamay ni Archer ng mahigpit.

Sabay sabay tayo manalangin.

Forgive me Father for I have sinned.

"Saan pala tayo unang didiretso?" Tanong ni Archer.

Hindi sumagot si Rainier kaya naman ako ang hinihintay nila magdesisyon.

"Sa bahay niyo Chief." Sagot ko.

Umiling siya sa akin, "Sa ospital na lang sa dad mo, Rainier pakihatid na lang ako sa bahay pagkatapos natin sa ospital."

Napalunok muli ako sa tensyon na nararamdaman ko.

"Bakit pinagpapawisan ka?" Tanong ni Archer sa akin at pinunasan ang pawis sa noo ko.

'W-wala Chief. S-sa bahay mo muna t-tayo baka pagod ka na kasi." Nauutal na sagot ko sa kanya.

Hindi mo muna dapat malaman yung tungkol doon.

<Archer Alcantara>

Napakunot ang noo ko sa ikinikilos ni Silver, ano bang problema nitong taong ito?

May itinatago ka nanaman ba sa akin?

"Sa ospital muna tayo." Sagot ko.

"S-sa inyo muna."

Lumipad ang kamay ko sa likod ng ulo niya, "Ospital muna." Madiin na utos ko sa kanya.

Alam kong may itinatago ka nanaman, amoy na amoy ko ang kalokohan mo!

Pagkarating namin sa ospital agad na sumalubong sa amin si Diamond.

Nakangiti siya ng makita si Silver at napalitan ng kabadong ngiti pagdating sa akin.

Ano ang meron?

Napatingin ako sa labas ng Emergency Room at nakita ang sandamakmak na mga kalalakihan na may mga baril.

Adrien Della Valle sure has a lot of securities setted up for him. I can't blame him, after what happened kahit ako mapapraning.

Biglang may lumabas sa Emergency Room, isang babae, sexy, maganda, matangkad.

Tila ba masaya siya, at mas lalong lumawak ang ngiti ng makita si Silver.

Tumakbo siya at yumakap sa kasama ko, "Silver, how are you Honey?"

Honey? Bakit ka nakayakap ka kay Boss ko?

"H-hey Bee" Sagot naman ni Silver at napalunok ng makita ang nakamamatay na titig ko sa kanila.

Honey? Bee? OH LORD!

"Kamusta ka na? I missed you! You know what Honey, my throat hurts, dahil ata sa klima ng Pinas." She said habang nakaangkla sa braso ni Silver.

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon