Chapter 13

59 13 1
                                    

<Silver Alcantara>

"Kuya Silver, do you like Archer?" Tanong ni Diamond sa akin habang kausap ko siya sa cellphone.

Nagbibihis ako sa kwarto ko para masundan si Archer.

Bagsak ang balikat akong tumingin salamin at hindi nagsalita.

I heard a giggle coming from her line, "Sabi ko na nga ba eh, kuya I really like ate Archer for you. She's strong, intelligent and courageous."

"The problem is; she is a police woman. We are technically outlaws. Para siyang buwan at ako araw." Malungkot na saad ko.

Napaisip siya sa sinabi ko, "Ang buwan at araw, magkalayo at magkaibang oras nagpapakita sa kalangitan pero buong mundo ang tumitigil kapag nagtagpo ang landas nila. Kaya nga may eclipse kuya para mapatunayan na kahit gaano pa kaimposible magtagpo ang magkaibang mundo mangayayari pa din."

Natulala ako sa sinabi niya, so boto talaga siya kay Archer. Pakasalan ko na kaya yung babaeng yun?

"Alam mo na pagsisisihan mo kapag hindi mo siya ipaglalaban." Dagdag pa niya.

I smiled and went outside to follow Archer, sabi kasi ng magulang ko follow your heart. Kinuha niya kasi eh.

Wink.

Naabutan ko si Archer ngunit delikado ang lagay niya, sa galaw palamang ng tatlong motor alam ko na na mga tauhan ng Dela Vega ang mga ito.

Binilisan ko ang takbo ng motor ko ngunit pinanatili ko ang distansya ko kay Archer para makagalaw siya ng maayos.

Kumanan siya, sinundan namin.

Kumaliwa siya at ganun din ang ginawa namin.

Nagulat ako ng makita ko na tumalon siya sa isang putol na tulay sakay ng motor niya.

What the fuck?!

Hanep ah, dati Shutangina lang nasasabi ko ngayon may what the fuck what the fuck na ako.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob at tinawag ko ang lahat ng santo para humingi ng tulong.

Pagdating ko sa kabilang bahagi ng tulay kung nasaan si Archer, agad na pinaulanan siya ng bala ng mga kalaban.

Pinabilis niya ang takbo ng motor niya at umikot, ngunit kinuha ko ang pagkakataon na ito para gumanti ng putok sa Dela Vega.

Nagitla ako ng may makitang motor sa likod ni Archer, mukhang may iba pang pumuprotekta sa kanya bukod sa akin.

Sino ka?

Bumunot si Archer ng baril at pagtingin niya, natumba na ang tatlong kalaban.

Tinutukan niya ako ng baril, "Speak!" She commanded me with a voice filled with authority.

Pinigil ko ang hinga ko dahil sa paghanga sa kanya,"Wala man lang bang thank you?" Inalis ko ang helmet ko.

The way she held the air of authority is really admirable and I always liked that about her.

Recognition registered on her face at ibinaba ang baril niya, "S-salamat."

Paano kung napahamak ka Archer? Nag-iisip ka ba?

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon