Chapter 23

38 7 7
                                    

<Silver Della Valle>

Dumilat ang mata ko sa isang kwarto na mayroon lamang iisang ilaw sa gitna. Inilibot ko ang paningin ko rito at nakita ko ang isang babae na nakatali sa harapan ko.

"Chief." Kinakabahan na pagtawag ko sa kanya.

She's still unconscious and her head is down habang nakatali ng lubid ang katawan niya. This is absurd.

Sinubukan kong pumiglas ngunit pati ako ay nakakadena sa upuan.

Aso ba ako?

Shuta.

"Chief!" Malakas na pagtawag ko sa kanya, I need her to wake up so we can escape this.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki, "I see that you are awake, Silver."

Nagitla ako sa nakita ko dahil ang pumasok na lalaki ay kapareho ng mga mata, ilong, labi, hugis ng kanyang mukha.

Paano?

Kumurap kurap pa ako dahil baka nagkamali ang paningin ko ngunit parang isang malakas na sampal sa akin ang katotohanan na parehas at iisa ang mukha nila ng babaeng mahal ko.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya na may halong pagkamangha.

He laughed evilly and went near Archer. He placed his hand on her shoulder at nakita ko kaagad ang singsing na ahas.

Dela Vega.

"Huwag mo sasaktan si Archer!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi ako sigurado kung sino ka ngunit poprotektahan ko siya laban sayo sa abot ng makakaya ko.

Nakakadena nga pala ako.

Shuta.

Iniangat niya ng dahan dahan ang ulo ni Archer at idinikit niya ang pisngi niya sa mukha ni Chief na para bang sinasabi niya na magkamukhang magkamukha sila.

Malakas ang tibok ng puso ko, naguguluhan ako sa nangyayari. Is this a trap?

Is Archer a family member of the enemy? May alam ba siya rito?

Sa nakikita ko, kambal sila ngunit ang kaharap ko ngayon ay isang lalaking version ni Archer.

Iwinaksi ko ang pagdududa sa isip ko at itinuon ito sa pag-iisip kung paano kami makaaalis ni Archer sa lugar na ito.

"Sa nakikita mo, I am Archer's twin brother. My name is Arrow Dela Vega Alcantara." Pagpapakilala niya at inilahad ang kamay sa akin.

Tumango ako bilang sagot.

Shunga ka ba? Nakakadena ako paano kita kakamayan?

"Twin Brother? You're part of Dela Vega Mafia." Nagtatakang sinabi ko sa kanya.

Nagbuntong-hininga siya, "Wala kang karapatan alamin ang mga lihim ng pamilya namin Silver."

I was dumbfounded at hindi ako makapaniwala. Ang babaeng mahal ko ay miyembro ng grupo na naging dahilan ng pagkamatay ng mom ko.

Senior Inspector Archer Alcantara is Archer Dela Vega.

Maling mali ba na minahal kita? Parang binuhusan ako ng timba na puno ng yelo at dinurog ang puso ko ng paulit-ulit.

How in the hell?!

Kung hindi ako nakakadena ngayon, malamang kanina pa lumipad itong lalaki na ito sa sapak.

Nakita ko na hinalikan niya sa pisngi si Archer.

Sinubukan kong pumiglas sa kadena ngunit matibay ito na nakalock.

Operation: Arrest the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon