CHAPTER 4

3.1K 107 2
                                    

Maya-maya pa lamang ay nag -uwian na din kami. Kaya naman agad kaming lumabas ni Yunho ng campus.
Nung nasa labas na kami ay nakita ko na iniintay na ako ng sundo ko.

Teka hindi pa ako pwedeng umuwi. Hindi ko pa naiibili si Yunho ng prize niya.

Kaya labag man sa kalooban ko, Tinakasan ko ang sundo ko.
Tumakbo kami ni Yunho pero sa kasamaang palad nakita kami nito at hinabol kami.
Laking gulat ko ng biglang hinawakan ni Yunho ang kamay ko sabay tango.
Kaya mas binilisan pa namin ang pagtakbo.

Nung hindi na kami naabutan nung driver namin ay agad na kaming dumiretso sa mall.

"Hayss nakakapagod." hingal na hingal kong sabi.

"Oo nga eh. Nakakapagod teka, bakit mo ba tinakasan yung lalaki?pinagtatangkaan ba niya ang buhay mo?? Bakit di mo sinabi ag---" di na siya natuloy sa pagsasalita ng bigla akong nagsalita.

"Sundo ko yun."

"Huh? Eh bakit mo tinakbuhan?"

"Syempre may bibilhin pa tayo diba?"

"Alin? Yung prize ko?"

"Oo"

"Wow! Ang bait naman ni Kacy haha. Talagang ililibre mo ako ha."

"Syempre naman! Kasunduan yun eh pero kung nagkataong ako ang nanalo kanina tapos di mo ko nilibre, papatayin kita!"

"Wag naman. Papatayin mo na agad ako? eii mamahalin pa kita!"

"Sira! Sige na Ano bang gusto mo?"

"Actually wala naman akong gusto eh, ikaw lang sapat na."

"Sabog ka ba! Haha. Lakas rin ng tama mo eh noh? Bilisan mo na sabihin mo na kung anong gusto mo para mabili na natin at para makauwi na tayo."

"Hmm.. wala parin akong maisip eh."

"Luhh, di pede yun."

"What if...kumain na lang tau sa restaurant?"

"Sounds good!"

Kaya agad kaming nagtungo sa isang restaurant dito sa mall.

Lumipas ang mahigit 20 mins ay natapos na din kami sa pagkain.

"So pano? Uwi na ako?" tanong ko.

YUNHO'S POV---------------------------------------

"Ang bilis naman." malungkot kong sabi.

"Haha! Sige na uwi na ako."

Paalis na sana siya pero bigla kong hinawakan ang kamay niya.

"Kacy, thanks."

"Your welcome."

And with that ...she leave.

TIME SKIP--------------------------------------------

ngayon ay nakahiga na ako dito sa kwarto ko sa bahay.

Hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Sana hindi nalang natapos yun para makasama ko pa siya ng mas mahabang oras.

Kasi aaminin ko...may nararamdaman na ako para sa kanya.

KACY'S POV------------------------------------------

So ngayon ay nandito na ako sa labas ng gate namin. Hindi ko alam kung kaya ko bang pumasok kasi tinakbuhan ko ang driver namin kanina at baka isinumbong na nun ako kay Mommy.

Wag naman sana.

Ilang sandali pa lang ay naka pasok na din ako sa bahay at dahan-dahang umakyat papunta sa kwarto ko.

Pero pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko ng makita si Mommy na seryosong nakatingin sa akin.

"Pumasok ka at isara mo ang pinto, pag-uusap tayo." seryosong sabi nito na agad kong sinunod.

Kinakabahan na ako.

"B-bakit po Mommy?"

"Kacy , bakit mo tinakasan ang sundo mo kanina?At sino daw yung lalaking kasama mo?"

"Momm----"

"At mag kahawak daw kayo ng kamay habang tumatakbo? at sinundan kayo ng driver natin hanggang sa makarating kayo sa mall at nakita niya lahat ng nagyari. Actually may video pa nga. Sino yun Kacy ha?Boyfriend mo?!"

"Mommy hindi po. Hindi ko po siya Boyfriend."

"Eh ano?"

"Classmate ko po siya Mommy and kaya kami andun sa mall para ilibre siya..kasi we have a deal, natalo ako sa race namin."

"Kacy, papalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod na maulit pa ito. Isusumbong na kita sa Daddy mo." sabi ni Mommy sabay labas ng kwarto ko.


KINABUKASAN...

??? POV------------------------------------------------

Hang naglalakad ako papuntang room namin ay nakita kong magkasama nanaman sina Kacy at crush kong si Yunho.

Nakakainis talaga ang babaeng yan. Napakalandi!
Nilalandi niya ang crush koo.
Alam ko namang wala akong karapatan sa crush ko eh , pero alam ko naman kasi na balang-araw, kami din sa huli.

KACY'S POV------------------------------------------

Ilang sandali palang ay nagsimula na din ang klase.

"Class, sad to say but we have to change our sitting arrangement."  malungkot na sabi ni Ma'am Anne.

Bakas sa mga mukha namin ang pagkagulat at pagkalungkot sa sinabi ni Ma'am Anne.

Teka, bakit ba ako nalukungkot ??

"Kacy..." bulong sakin ni Yunho.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ayaw kong mapalipat."

"Hindi ka naman mapapalipat."

"Pano mo nasabi?"

"Tiwala lang."

Pero honestly, ayaw ko ding mapalipat. Ayaw ko ding malayo kay Yunho. Ooppxxx





HI GUYS💖
THANK YOU FOR READING MY STORY😍😘💞
THIS UPDATE IS DEDICATED TO JoyceAnnDeJesus6💕

-GOLDENARMY💜💜

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon