CHAPTER 17

1.7K 45 0
                                    

Hindi ako maka-focus sa pinag me-meetingan namin nina Ma'am Jane. Iniisip ko parin kasi yung nangyari kanina. Grabe! Nakakahiya! Bakit kasi basta-basta akong pumasok eh? Ayan tuloy, napahiya ako! Hayss..

"Kacy, are you with us?" Tanong ni Ma'am Jane na ikinakaba ko. Wala pala ako sa sarili. Napansin kong nakatingin sakin yung dalawa, si Katherine at Yunho. Myghad!
"Kacy?!"

"O-opo." Nauutal kong sagot na ikinatawa ni Yunho.

"Kacy kanina pa kitang napapansin ha. Parang wala ka sa sarili mo. Ano bang iniisip mo? May bumabagabag ba sayo?"

"W-wala po Ma--" hindi na ako natuloy sa pag sasalita ng biglang sumingit sa usapan si Yunho.

"Kacy wag mo ng isipin yung nangyari kanina, kalimutan mo na yun."

"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong ni Ma'am Jane. Sasagot na sana si Yunho ng biglang sumingit si Katherine.

"Si Kacy po kas--"

"Katherine!" Napatingin kaming lahat kay Yunho ng bigla itong sumigaw.

"Yunho? Bakit ka sumisigaw??" Taas kilay na tanong ni Ma'am Jane.

"S-sorry po Ma'am di ko po sinasadya." Nakatungo nitong sagot.

"Ay siya, mabuti pa ay magpahinga na muna tayong lahat at alam kong kayo ay pagod na. Sulong na sa inyong mga kwarto."

YUNHO'S POV---------------------------------------

Pagka-sabi ni Ma'am Jane na pumunta na kami sa aming mga kwarto ay agad umakyat sa taas si Kacy kaya naman sinundan ko siya. Nag-aalala ako sa kaniya alam kong hindi siya okay.

"Kacy, Kacy." Pagtawag ko habang sinusundan siya sa paglalakad.

"Y-yunho, ikaw pala. B-bakit?"

"Okay ka lang ba?"

"O-oo okay lang ako, bakit?"

"Ahh wala, gusto ko lang makasigurado na okay ka, mukha kasing hindi eh."

"Huh? Bakit naman?"

"Dahil sa...dun sa kanina??"

"Ayy oo nga pala, sorry ha."

"Sorry saan??"

"Kasi bigla-bigla akong pumasok, di ko sinasadya. Pasensya na talaga."

"Okay lang yun, no need to be sorry."

"S-salamat..."

"Ammm...kamusta na pala kayo ni Nick?"

"Okay naman, kayo?"

"Kami??"

"Oo kayo, diba may jowa ka? Si Alliana??"

"Oo girlfriend ko sya."

Bigla siyang natahimik sa di ko malamang dahilan.

"Amm Kacy..." nahihiya kong pagtawag sa kaniya kaya naman nilingon niya ako.

"Hmm?"

"Mag papahinga ka na ba?"

"Hindi pa, mamaya pa."

"May gagawin ka ba?"

"Wala naman, b-bakit mo natanong?"

"Magpapatulong sana ako eh.."

"Magpapatulong saan?"

"Nahulog ko kasi kanina yung flash drive ko sa kwarto ko. Nagmamadali kasi ako kanina eh kaya hindi ko na nahanap. Pwede bang tulungan mo akong hanapin yun?"

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon