CHAPTER 16

1.6K 47 0
                                    

(Habang nasa eroplano...)

Halos hindi na ako makapag pigil ng tawa habang pinapanood ko sina Yunho at Katherine na naka-upo sa harap ko. Kinukulit kasi ni Katherine si Yunho na mag picture sila pero ayaw naman ni Yunho.

"Hey Yunho! Bat ba ayaw mo? Isang pic lang naman eh!" Nakasimangot na sabi ni Katherine na nanghahaba pa ang nguso.

"Ayoko nga." Pang aasar pa ni Yunho.

"Eh bakita ba?"

"Basta ayoko."

"Alaaaa. Sige naaa."

"Ayoko nga."

"Damot naman eh! Isa lang naman. Tsaka wala naman dito ang jowa mo eh!"

"Kahit na! Nandito man siya o wala, still ayoko parin."

"Wow ha! Napaka loyal mo naman."

"Ganun talaga. Dapat loyal ka sa jowa mo nakatingin man siya o hindi, diba Kacy?"

Biglang nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ko na nanggaling mismo sa bibig ni Yunho. Bakit ako?? Bakit bigla akong napasali??at dahil hindi ko alam ang isasagot ko , umoo nalang ako.

"O-oo" nauutal kong sabi. Tapos biglang napatingin ako sa mata ni Yunho na nakita kong nakatingin rin sa akin. Nakatingin siya sa akin ng may ngiti sa kaniyang mga labi. Biglang nanlamig at nanginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin pero feeling ko naninibago lang ako kasi ngayon ko na lang ulit nakita si Yunho na nakangiti habang nakatingin sa akin.

Makalipas ang ilang sandali ay nabalot na kami ng katahimikan. Kaya gumawa ako ng paraan para umingay ulit. Kailangan kong mag isip ng topic.... isip isip.........AYUN! may naisip nako!

Pero bago ko pa man masabi yung naisip ko ay biglang nag salita si Ma'am Jane, "Guys bakit kayo nanahimik?" Natatawa nitong tanong kaya napatawa nalang din kami.

"Eh Ma'am wala na po kaming maisip na topic eh." Sabi ni Yunho sabay kamot sa kaniyang batok.

"May naisip akong topic eh." Nakangiting sabi ni Ma'am.

"Ano po yun Ma'am?" Tanong ni Katherine.

"About.... LOVELIFE"

"Ayy haha! Ma'am lugi ako." Sigaw ni Katherine.

"Bakit naman?"

"Eh Ma'am wala naman ako nun eh!" Sagot ni Katherine na ikinatawa ni Yunho. "Oh bakit moko tinatawanan??"

"Haha naku! Walang lovelife , WAWA naman hahaha" pang aasar ni Yunho na ikinatawa naming lahat maliban kay Katherine.

"Ikaw Yunho, kamusta lovelife mo?" Tanong ni Ma'am Jane.

"Ahmm okay naman po Ma'am."

"Eh ang sayo Kacy? Kamusta?"

"Okay lang din naman po Ma'am."

"Eh kung ganon , congrats sa inyo at nahanap niyo na ang forever niyo. Sana kayo na hanggang dulo." Nakangiting sabi ni Ma'am.

"Sana nga po."

Napatingin ako kay Yunho ng bigla niyang sinabi yun. Sana daw. So umaasa na pala siya na sila na ni Yana hanggang dulo......Teka! Bakit ba parang nalulungkot ako?? Dzuhh don't be! Be happy for Yunho!

YUNHO'S POV---------------------------------------

"Sana nga po."

Binitawan ko ang mga salitang iyan ng walang pag aalinlangan. Wala akong pakealam kung marinig man yan ni Kacy. Hindi naman siya masasaktan or malulungkot eh. Bakit naman siya malulungkot diba? Masaya na siya sa iba.

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon