CHAPTER 15

1.7K 43 0
                                    

"Ikaw"

Pareho kaming natigilan dahil sa sinabi ko.Hindi ko alam pero bigla nalang iyong lumabas sa bibig ko.

------FLASHBACK-----

"Yan na napa-away kana naman.Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na wag ka nang makikipag-away kay Franz?," galit na tanong sa akin ni Yana habang ginagamot ang sugat ko sa pisngi.

"Sorry na . Wag ka nang magalit. Nagawa ko lang naman yun kasi palagi niya na lang sinasabi na aagawin ka daw niya sakin.Ayaw kong mangyari yun Yana."

"Hay naku! Naniwala ka naman sa kaniya? Bakit naniniwala ka ba na maaagaw niya ako sayo?"

"Hindi at hinding-hindi mangyayari yun."

"Yun naman pala eh. Hindi mo na kailangan maki-pag away pa."

"Thanks Yana. I'm so happy that you're my girlfriend."

"You're welcome my Yunho. Mabuti pa ay turuan na lang kitang gamutin ang sugat mo."

"Bakit mo pa ako tuturuan , eh lagi ka namang nandiyan para gamutin ako?"

"Hindi pang habang buhay Yunho na nasa tabi mo ako."

"Huh? Anong pinagsasabi mo?"

"Yunho , I'm leaving."

-----END OF FLASHBACK-----

"Naalala mo pa yun?," nakangiting tanong sa akin ni Yana at tumango naman ako as my response."Yunho , pwede ba nating ibalik yun?Yung dating TAYO"

"Wag na Yana. Okay na ako. Naka-move on na ako. Masaya na ak--"

"Masaya?? Talaga ba Yunho? Masaya ka na ? Sige nga sabihin mo sakin , bakit ka umiiyak kanina?"

"Wala--"

"Tell me."

"Wala ng--"

"Yunho , please tell me."

"Fine. Nasaktan ako."

"Ano??"

"Nasaktan ako."

"Ibig sabihin ba nito , may iba ka ng gusto?," malungkot niyang tanong.

"Oo Yana. May iba na akong gusto. Kaya humanap kana lang ng ibang lalaki na magmamahal sayo."

"Yunho! Ikaw ang gusto ko."

"Yana , please---"

"Yunho bakit ba ayaw mo na sa akin?? Mas maganda ba ang babaeng yun kesa sakin??"

"Nagbabago ang lahat Yana."

"Sabihin mo nga sa akin , sino ba yang babaeng yun ha??"

"Hindi mo na kailangan malaman. Salamat nga pala sa pag gamot sa kamay ko." Seryoso kong sabi sabay labas ng clinic.

ALLIANA'S POV------------------------------------

Iniwan niya ako.
Iniwan niya akong mag-isa dito sa clinic.

Sino ba yung babaeng tinutukoy niya??
Kailangan kong malaman kong sino yun??
Lagot yung babaeng yun sakin!
Sa oras na malaman ko kung sino siya , humanda siya sa akin!
Wala siyang karapatang agawin sa akin si Yunho.
Akin lang si Yunho! AKIN!!

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon