CHAPTER 14

1.7K 52 0
                                    

"May paki alam ako kasi Ayaw ko lang naman mapahamak ang Girlfriend ko."

KACY'S POV------------------------------------------

"Hoy Nick! Pwede bang wag kang mag biro , kasi hindi nakakatawa.Tsaka wag masyadong tataasan ang pangarap ha , kasi NEVER akong ipagpapalit ni Kacy sa isang tulad mo.", galit na sabi ni Yunho kay Nick.

"Yunho, FYI lang ha. Hindi ako nagbibiro.Kung ayaw mong maniwala , bahala ka diyan.", seryosong sabi ni Nick.

"Tss.halika ka na nga Kacy.",sabi ni Yunho sabay hawak sa kamay ko pero pinigilan siya ni Nick kaya napa bitaw ito.

"Nick ano ba?!", galit na sabi ni Yunho.

"Wala kang karapatang hawakan ang kamay ng Girlfriend ko."

"Girlfriend mong mukha mo!"

"Napipikon na talag---"

Napahinto sa pag sasalita si Nick ng pigilan ko siya.

"Nick tama na.Ako ng bahala dito.Umuna ka na sa room , susunod ako.", sabi ko kaya pumunta na siya sa room.

Kaya naman naiwan kaming dalawa dito ni Yunho.

"Kacy , ano bang pinag sasasabi ng Nick na yun?Hindi naman totoo ang mga sinasabi niya diba?",nakangiting tanong nito pero di ako sumagot.

"Kacy, hindi mo naman ako ipagpapalit diba?.Ako lang diba?Kacy sumagot ka.", muling tanong nito sabay hawak sa kamay ko kaya naman napatulo ang aking luha.

"Yunho...sorry"

"B-bakit ka nag so-sorry? "

"Yunho , totoo ang sinasabi niya.",malungkot kong sabi sabay tulo ng aking luha na ikinagulat niya kaya napa bitaw siya sa aking kamay.

"Kacy diba nangako ka?",tanong ni Yunho habang pilit na nakangiti.

"Yunh--"

"Nangako ka diba?!",muling tanong niya pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakangiti.Malungkot na ito sabay tulo ng luha.

"Yunho sorry."

"Kacy akala ko ba , ako lang? Akala ko ba , hindi mo ako ipagpapalit? Diba nangako tayo? Nangako ka."

Sobrang naaawa na ako kay Yunho.Ayaw kong nakikita siyang ganito.Ayaw kong nakikita siyang umiiyak.Ayaw ko siyang makitang nasasaktan.Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko , kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Kacy! Ano to?!"

Napakalas ako sa yakap ng biglang may nagsalita sa likuran ko na ikinagulat ko ng husto.Kaya naman nilingon ko ito.

"Kacy, sino yang lalaking yan ha?!"

Dahil sa pagkabigla ko ay hindi ako nakasagot.

"Kacy anak , halika nga dito.Nasaan ba si Nick?", muling tanong nito.

Lumapit ako kay Dad gaya ng utos niya.

"Dad"

"Nasaan si Nick ? Bakit hindi kayo magkasama?"

"Nasa classroom po.Pina-una ko na siya doon."

"At bakit??"

"Kakausapin ko lang po sana si Yunho."

"Yunho? Sino yun??siya ba?", tanong ni Dad sabay turo kay Yunho na walang imik at tumango naman ako as my response."Sabi mo kakausapin mo?"

"Opo Dad"

"Eh bakit naabutan kong nakayakap ka sa lalaking 'to??"

"Gin--",di na ako natuloy sa pagsasalita ng biglang nagsalita si Yunho."Ako po ang yumakap sa kaniya Mr.Smith."

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon