CHAPTER 22

1.7K 44 0
                                    

ALLIANA'S POV------------------------------------

Bigla akong nakarinig ng lalaking sumisigaw sa labas ng classroom  namin. At ang ipanagtataka ko, bakit pangalan ko ang isinisigaw nito. Agad nagsilabasan ang mga kaklase ko kaya naman lumabas na rin ako. Sino kaya yun? Anong problema nun?

"Sino ba y--" hindi na ako natuloy sa pagsasalita ng makita ko kung sino yun.

Si Yunho pala...

Kaya naman agad ko siyang nilapitan at niyakap pero bigla niya akong itinulak palayo. "Babe?"

"Sabihin mo, anong ginawa mo kay Kacy?!" Tanong na ikinagulat ko.

Paano niya nalaman??

"Ano bang sinasab--"

"Tinatanong kita Alliana! Anong ginawa mo kay Kacy?!"

"Wala akong ginagawa."

"Wala? Ahh kaya pala umiyak siya kanina. Wag mo kong yayabangin Alliana!" Galit na sigaw nito sa akin sabay hawak sa braso ko ng mahigpit.

Nakaramdam ako ng takot sa inasal niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon lang...

"Yunho tama na."

Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa may likuran ni Yunho.

Ahh nandito pala siya.

"Bakit mo kasama ang haliparot na yan?!" Galit kong tanong.

"Sagutin mo ang tanong ko Alliana!"

"Siya ba ang nagsabi sayo? Nagsumbong ba sayo yang babaeng yan?? Ay talagang maharot ah! Talagang isinumbong mo pa ako sa boyfriend ko?! Napaka walanghiya mo!" Sigaw ko sabay sabunot sa buhok ni Kacy pero bago pa man lumapat ang mga kamay ko sa ulo niya ay muling hinawakan ni Yunho ang braso ko.

"Kinakausap kita!" Sigaw nito sa mukha ko at napapikit ako dahil dun.

Unti-unti akong nilamon ng galit ko. Lalo pa at maraming tao ang nakakakita sa amin. Ayoko ng napapahiya ako.

Tinanggal ko ang pagkakahigpit ng hawak ni Yunho sa braso ko.

"Gusto mong malaman kung anong ginawa ko sa haliparot na yan? Sinabunutan ko at pinagsasampal!"

"At bakit? Wala kang karapatang saktan si Kacy!"

"Anong wala?? Yunho, hinaharot ka niya para maagaw ka niya sa akin!"

"Hinaharot? At san mo naman nakuha yan ha?"

"Oo akala mo ba hindi ko malalaman ang mga pinag gagagawa niyo sa Korea?? May payakap-yakap pa kayo! May pahawak kamay pa! Mag jowa, mag jowa??"

"Para yun lang? Pagseselosan mo??"

"Anong para yun lang?? Yunho, hindi yun gawain ng karaniwang magkakilala lang! Ang sabihin mo, may namamagitan sa inyo!"

"Alam mo ikaw? Hindi na kita maintindihan eh. Hindi na kita kilala. Simula nung nag-aral ka sa France, nagbago kana."

"Yunho, masisisi mo ba ako?? Ganun kita kamahal! Handa akong manakit, wag ka lang maagaw sa akin."

"Kung ganun ay mabuti pang maghiwalay na tayo! Total hindi na naman kita mahal. Teka hindi naman talaga kita minahal."

"Babe--"

"Sorry Alliana pero kailangan mo ng malaman ang totoo. Sinubukan ko naman eh, sinubukan kong mahalin ka ulit gaya ng dati pero wala eh. Hindi na talaga ikaw. Isa lang ang natitiyak ko at yun ay isa lang talaga ang mahal ko. Yun ay si Kacy at hindi ikaw."

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon