CHAPTER 18

1.7K 42 0
                                    

Ngayon ay nandito na kami sa school kung saan kami ilalaban ng Math Quiz Bee.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi kabahan lalo pa at magagaling ang makakalaban namin. Halos manginig at manlamig nga ako sa kaba eh.

"Kacy, are you okay?" Alalang tanong sa akin ni Yunho.

"Oo okay lang ako." Pag sisinungaling ko.

"Yung totoo?"

"I'm nervous."

"Kacy wag kang kabahan. Bakit ka naman kakabahan eh ang galing galing mo?"

"Syempre magagaling makakalaban natin eh.

"Alam ko naman yun at magaling ka rin, kaya I'm sure kaya mo silang talunin." Sabi ni Yunho na nakapagpa-ngiti sa akin.

"Talaga?"

"Yup, Iuuwi nating tatlo ang kampyonato. Tayo ang mananalo sa paligsahang ito. Huwag ka mag-alala Kacy, nasa likod natin ang ating bansa."

Kaya naman masaya ko siyang tinanguhan at ganun din ang ginawa niya.

...

Ngayon ay nandito na kami nina Ma'am Jane sa awarding room habang inaantay pa ang ibang mga kalahok.

Natapos na kasi ang pagsasagot namin sa quiz bee. Hindi naman ako gaanong nahirapan pero hindi ako sigurado kung tama ba ang mga sinagot ko, pero umaasa ako.

Maya-maya pa lamang ay nag sidatingan na ang iba pang mga kalahok hanggang sa napuno na ang awarding room. Pumunta na sa gitna ng stage si Lee Ji Sung, ang presidente ng Math Club dito sa Korea.

"Good morning to all mathematicians here." Nakangiting bati nito sa aming lahat.

"Good morning Ma'am." Bati naman namin.

"So now, I am here infront of all of you to announce the top 3 Mathematicians that won on our Math Quiz Bee that is held here in South Korea. But first, I want to thank all those people that comes from afar, from other countries just to attend and join our Math Quiz Bee. I appreciate it, thank you!" Masayang sabi nito at nagpalak-pakan kaming lahat.

Nang tumigil na kami sa pagpalak-pak ay muli siyang nagsalita.

"And now, let me announce the top 3..."

Nagsimula na naman akong kabahan. Yung tipong parang naririnig ko na ang kabog ng aking dibdib. Kaya naman nagulat ako ng hawakan ni Yunho ang kamay habang nakangiting nakatingin sa akin and I smiled back.

"3RD PLACER.....Jamaica Reid from Australia."

*clap *clap *clap

"2ND PLACER.....Yunho La Tore from Philippines." Sabi ni Ms. Ji Sung na ikinagulat namin nina Ma'am Jane lalong-lalo na si Yunho. Halos hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Abot tenga ang aking ngiti dahil sa tagumpay na kaniyang nakamit.

Ang galing mo Yunho. I'm so proud of you...

"Yunho!" Sigaw ni Katherine habang naka-buka ang mga kamay na mukhang yayakap pero bigla akong napatawa ng tapikin lang ni Yunho ang balikat nito. Napasimangot na umupo na lang si Katherine. Nakakatawa siya hehe.

Maya-maya pa lamang ay muli na naman akong kinabahan kasi napakaliit na ng pag-asa na manalo ako kasi 1st place na lang ang natitira. Napaka-imposible naman na ako ang manalo dun. Hindi naman ako ganun katalino para sa pwestong iyon kaya naman niyakag ko na sina Ma'am Jane na bumalik na sa Hotel kung saan kami tumutuloy pero biglang hinawakan ni Yunho ang aking kamay.

"Kacy naman."

"Bakit?"

"Hindi pa tapos yung awarding oh."

"Eh wala na naman tayong hinihintay diba? Nanalo kana at napaka-imposible namang makuha pa natin ang 1st plac--"

"Kacy ano ka ba? Malay mo naman diba? Don't lose hope." Nakangiting sabi ni Yunho habang nakangiti na sinang-ayunan ni Ma'am Jane at Katherine.

"Oo nga naman Kacy! Wait ka lang, maririnig mo yung pangalan ko kapag tinawag na ang 1st place. Sure yan!" Taas noong sabi ni Katherine na ikinamangha ko.

"Congrats in advance." Sabi ko na ikinatawa niya.

"Tss. Thanks." Mataray na sabi nito na ikina-iling ni Ma'am Jane na medyo natatawa pa.

"Hay naku, tumahimik na nga muna kayo at ia-announce na ata ang 1st Place. Makinig kayo." Sabi ni Ma'am Jane.

"Weyt lang ka--"

"Katherine!"

"Yes Ma'am, sorry po..."

"1ST PLACER.....

.....Kacy Smith from Philippines, again."

Ano??

Ako??

Sure??

OMG!

"Kacy!" Masayang sigaw ni Yunho tapos bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Sabi ko naman sayo eh, Ikaw yun!"

"Ako talaga yun eh!" Inis na sabi ni Katherine na ikinatawa ni Ma'am Jane.

"Tanggapin ang pagkatalo Katherine."
Sabi ni Ma'am Jane.

"Sorry po."

"TO ALL THOSE TOP 3, PLEASE COME HERE ON STAGE FOR YOUR AWARDS."

Sabay kaming umakyat ng stage ni Yunho habang hawak-hawak ang aking kamay.

Masayang inabot sa amin ni Ms. Ji Sung ang mga trophy at medal namin. Bronze medal kay Jamaica, Silver medal kay Yunho at Gold medal sa akin.

Hindi ko maikubli ang saya na aking nadarama. Halos hindi mapawi ang aking ngiti sa aking labi hanggang sa makabalik na kami sa aming hotel na tinutuluyan dito sa Korea.

"Congrats sa inyong dalawa, Yunho at Kacy." Masayang bati sa amin ni Ma'am Jane.

"Thank you po Ma'am."

"Nga pala, pwede kayong mag gala pero huwag ng masyadong lalayo, mahirap na baka maligaw pa kayo. Basta maaga kayong babalik dito sa hotel para makapag pahinga kayo at maaga ang flight natin pabalik sa Pilipinas bukas.

"Okay po Ma'am, thank you po." Masayang sabi namin.

Maya-maya pa lamang ay pumunta na nga sa kwarto si Ma'am Jane kaya naman naiwan na kaming tatlo dito sa labas ng hotel.

"So...saan tayo pupunta?" Nakangiting tanong ko.

"Ikaw Katherine, saan mo gustong pumunta tayo?" Tanong ni Yunho na ikinatawa ni Katherine.

"Tss, tinatanong mo ako kung saan ko gustong pumunta?? Ang tanong sasama ba ako?!"

"Bakit hindi ba?"

"Kung ikaw lang ang kasama, oo sasama ako. Pero kung kasama yang babaeng yan, Hindi!"

"Katherine, hindi naman pwedeng tayo lang dalawa eh. Paano si Kacy? Kasama natin siya."

"Oh edi magsama kayo!" Sigaw ni Katherine sabay padabog na pumasok sa hotel.

"Kacy pasensya kana kay Katherine ha.."

"Okay lang sanay na hehe."

"Hayss halika na nga, dun tayo sa Mall."

"Hahaha tara."

??? POV------------------------------------------------

I am here at the mall where Yunho and Kacy are in. Sinundan ko sila syempre, ako pa ba?!

Aba aba! May payakap na naman!HSHS
Akala niyo ha! Akala niyo maiisahan niyo ako?! Never!
Sige magpakasaya kayo. Tingnan na lang natin pag nakarating 'to sa mga jowa niyo HAHAHA!

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon