CHAPTER 23

1.8K 47 0
                                    

KACY'S POV------------------------------------------

Math class na namin pero wala parin ang katabi ko, si Nick. Hindi ko naman siya hinahanap, napansin ko lang talaga na wala pa pala siya. Second period na kasi, imposible namang late yun eh tanghali na. Hays yae na nga.

"Good morning class." Nakangiting bati ni Ma'am Jane.

"Good morning Ma'am." Bati naman namin.

"First of all, let's congratulate our winners on the math quiz bee that was held in Korea. Kacy and Yunho, please come here infront."

Pag punta ko sa unahan ay nagtaka ako kasi bakit hindi pumupunta sa unahan si Yunho?...

"Ms. Secretary, where is Mr. La Tore?"

"Ma'am wala pa po si Yunho, siguro po absent."

"May letter?"

"Wala po."

"Hmmm..."

Bigla akong nag-alala sa nalaman ko. Bakit wala pa si Yunho? Imposible namang may sakit siya, tsaka kung meron man...may papadala yun ng excuse letter.

Ang weird lang kasi pati si Nick wala pa.

Hala! Hindi kaya, may masama ng nangyari sa dalawa?? Nooooo!

"Ma'am Jane good morning, sorry I'm late."

Napatingin kaming lahat sa may pintuan ng may nagsalita.

"Mr. La Tore, why are you late?"

"Ma'am sorry, naiwan ko po kasi sa  bahay yung mga reviewers ko kaya binalikan ko po. Pasensya na po."

"Ahh ganun ba? Okay lang yun Mr. La Tore. Halika tabihan mo dito si Kacy sa unahan at ico-congratulate kayo ng classmates niyo." Utos ni Ma'am Jane na agad  naman niyang sinunod.

Buti nalang mali ang mga hinala ko kanina. Thank God.

...

"Mr. La Tore and Ms. Smith."

"Yes Ma'am?" "Yes Ma'am?"

"Kailangan niyo nang magreview ulit."

"Bakit Ma'am lalaban pa po ba kami?" Curious kong tanong.

"Sa ngayon hindi pa alam, pero mabuti na yung handa. Mr. La Tore, dun ka muna umupo sa  tabi ni Ms. Smith. Total wala rin naman siyang katabi ngayon, mas mabuti nang magtabi kayo para mas makapagreview kayo ng maayos." Utos ni Ma'am na sinunod naman ni Yunho.

Ma'am naman ehhh huhuhu.

Halos hindi ako umiimik nung tumabi na sa akin si Yunho. Naiilang na naman kasi ako sa kaniya. Syempre sino ba namang hindi maiilang sa mga nagyari kahapon. Isa  pa, hanggat maaari ayaw ko muna siyang kausapin para iwas gulo. Lalo pa't may mata si Alliana dito sa room namin...si Katherine.

Ilang minuto ang lumipas ay paingay na ng paingay ang mga kaklase sa paligid namin. Aaminin ko, wala na akong maintindihan sa mga nirereview ko dahil sa ingay nila. Napapansin ko rin na napapakamot na si Yunho kasi nga wala din siyang maintindihan gaya ko.

"Class, wag kayong maingay. Kita niyo naman na may nagrereview sa likod oh tsaka may pinapagawa ako sa inyo diba? Go gawin niyo, saka kayo magdaldalan kapag tapos na kayo sa pinapagawa ko." Seryosong sabi ni Ma'am Jane. Buti na lang napansin niya. "Ms. Smith and Mr. La Tore, dun na lang kayo sa library mag review. Doon tahimik at doon mas makakapag focus kayo sulong." Pagdudugtong niya na ikinagulat ko.

Nako naman...baka ma-issue na naman kami nito.

Maya-maya pa lamang ay nakarating na kami ni Yunho dito sa may library.

Harapan kaming naka-upo at nasa pagitan namin ang mesang pinagpapatungan ng mga reviewers namin.

Grabe naiilang talaga ako sa sitwasyon namin. Halos hindi na nga mawala sa reviewer ko ang aking tingin. Hindi rin ako maka-focus. Grabe! Ano bang nangyayari sakin??

Makalipat na nga lang ng upuan.

Biglang napatingin sakin si Yunho nung ako'y tumayo kaya naman agad na akong lumipat ng upuan.

Pakiramdam ko nakatingin siya sakin. Hindi naman sa pag a-assume pero yun talaga ang ramdam ko. Kaya naman para ako'y makasiguro, pasimple ko siyang tiningnan at naka tingin nga siya sakin kaya mabilis na ibinaling ko na ulit ang aking tingin sa reviewers ko. Grabe nakakahiya!

"Kacy iniiwasan--"

"Ay pucha!"

Bigla akong napasigaw sa gulat ng magsalita si Yunho. Nasa harapan ko na naman pala siya naka-upo.

"Bakit andito ka na naman sa harap ko? Diba lumipat na nga ak--"

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya na naging dahilan ng muling pag-iwas ko ng tingin, napatungo ako. "Kacy tumingin ka nga sakin, please."

"Oh ano?"

Pataray tayo ng konti para naman di niya mahalata na naiilang ako hehe.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Ako? Hindi noh, tsaka bakit naman kita iiwasan?"

"Kacy naman, hayss di bale na nga. Gusto ko nga palang humingi ng pasensya."

"Para saan?"

"Dun sa kahapon, yung...tungkol dun sa mga sinabi ko."

"Ahh yun ba? Okay lang pero sana hindi mo naman sinabi yun sa harap ng maraming tao."

"Pasensya na talaga. Hindi ko na napigilan ang sarili ko eh tsaka matagal ko na rin yung gustong sabihin kay Alliana."

"Yunho pano mo nagawa ang mga bagay na yun? Paano mo nagawang manggamit?"

"Kacy hindi naman ako nanggamit, hindi naman ako ganung klase ng tao."

"Eh anong ginawa mo kay Alliana? Hindi ba't panggagamit yun?"

"Kacy, unang-una sinubukan kong mahalin siya ulit. Pangalawa, nirespeto ko siya gaya ng respetong binibigay ng isang boyfriend sa girlfriend niya. Pangatlo, I never faked my care on her."

"Yun naman pala eh."

"Yun na nga. Ginawa ko nang lahat pero di parin sapat eh. Hindi parin sapat para maibalik ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya siguro ganun na lang ang nangyari kahapon, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko  na sabihin ang totoo."

"Totoo?"

"Oo Kacy, ang totoo. Pagod na pagod na kasi ang puso ko. Pagod na pagod na 'tong magmahal ng taong di naman niya mahal. Kasi sa bawat araw na lumilipas, unti-unting namamatay ang puso ko kasi ikaw talaga. Hindi ko alam bakit ba ako ganito sayo. Na kahit alam kong masaya ka na sa iba, gusto parin kitang pasayahin. Gusto akin ka, pero anong magagawa ko? Hawak ka na ng iba. Kacy alam mo ba, na sa bawat araw na kasama ko siya, ikaw ang sinisigaw ng puso ko. Sa tuwing niyayakap niya ako, yakap mo ang hinahanap ko. Sa tuwing nalulungkot ako, larawan mo lang nais ko. Kacy alam kong di kapani-paniwala tong mga sinasabi ko pero ito talaga ang totoo."

"Yunh--"

"Kacy mula noon hanggang ngayon, hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sayo. Ikaw parin ang mahal ko at ang tanging mamahalin nito."

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon