CHAPTER 20

1.7K 46 0
                                    

KACY'S POV------------------------------------------

Ngayon ay nandito na ako sa favorite place ko dito sa campus.

LIBRARY

Masasabi kong ito ang paborito ko kasi sa  lahat ng lugar dito sa campus, dito lang ako nakakapag relax. Ito rin ang pinaka tahimik na lugar dito.

Pagka recess, dito agad ang punta ko. Kumbaga, ito na ang nagsisilbing tambayan ko. Minsan sinasamahan ako ni Nick pero minsan hindi. Hindi kasi yun mahilig sa mga libro kaya kadalasan nabo-bored lang siya pag sinasama ko siya dito. Pero mas madalas na kasama ko siya kasi sabi niya, gusto niya daw akong bantayan. Baka daw kasi biglang may mam-bastos sakin. Naa-appreciate ko naman ang care niya sakin at nagpapasalamat ako para dun.

Pagkapasok ko pa lang sa favorite place kong ito ay naaamoy ko na agad ang mga libro. Napakasarap sa ilong. Ganito daw talaga kapag book lover hehe.

Napansin ko na wala ang aming librarian. Magtatanong kasi sana ako kung may mga bagong libro na ba na dumating.

Habang naghahanap ako ng aking babasahin ay biglang may sumulpot na babae sa harap ko.

"Hi" bati nito.

Si Alliana pala...

"Uy Alliana! Kamusta ka? Ngayon na lang ulit kita nakita ah."

"Haha ito..medyo mainit ang ulo."

"Bakit naman?"

"May nabalitaan kasi ako about sa boyfriend ko."

"Ahh...pwede ko bang malaman?" Tanong ko. Syempre concern ako kay Yunho eh. Baka kasi nag-away sila, edi ta-try kong makatulong.

"Hmmm..pede naman." Nakangiting sabi nito sabay haplos sa buhok ko and I found it weird. "Pero hindi ako ang mag sasabi." Pagdudugtong niya.

"Sino?"

"Come here!" Sabi nito habang lampasang nakatingin sa akin.

Huh? Sinong  tinitingnan nun??

Dahil sa aking pagtataka ay lumingon ako sa aking likuran.

"Katherine??"

"Hi Kacy." Bati nito habang may nakakalokong ngiti.

Feeling ko may ginawa 'tong hindi maganda. Teka, magkakilala pala sila ni Katherine? Diba may gusto si Katherine kay Yunho at girlfriend ni Yunho si Alliana? Imposible namang magkaibigan sila.

"Go Katherine, tell her." Sabi ni Alliana na nasa likod ko.

"Okay I will." Sagot naman ni Katherine sabay baling ng tingin sa  akin. "Diba kasama ka namin nung nagpunta kaming Korea?"

"Oo bakit?"

"Nakita mo ba yung time na may nangharot kay Yunho?"

Huh? Nangharot?

"Wala naman. Meron ba?"

"Meron Kacy, meron."

"Kilala ko ba?"

"Kilalang-kilala"

"Sino? Bakit hindi ko nakita?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi mo talaga makikita. Ikaw yun eh."

"Huh--" hindi na ako natuloy sa pagsasalita ng biglang hanggin ni Alliana ang buhok ko mula sa likuran. "Aray!"

"Don't you get it?? Ikaw yung nanghaharot b*b*!" Sigaw nito sa tenga ko habang hawak ng maigting ang buhok ko.

"Aray! A-anong sabi niyo? Ako?? T-teka, bakit ako??"

"Diba nagyakapan kayo ni Yunho dun sa may awarding room? Tapos magkahawak kamay pa kayong umakyat sa stage at hindi pa kayo nakuntento, nung nasa mall kayo. Sinundan ko kayo nun at nagyakapan na naman kayo! Oh anong tawag dun? Hindi ba't panghaharot?!" Galit na sabi ni Katherine.

"Teka lang ha, lilinawin ko sa inyo na hin-di-ko-hi-na-ha-rot-si-Yun-ho."

"Wow! At gagawin mo pa akong sinungaling sa harap ni Alliana?!"

"Nagsasabi ako ng totoo Katherine!"

"Sige nga, sabihin mo kung anong tawag mo sa mga ginawa mo!"

"Unang-una, niyakap ako ni Yunho sa may awarding room as a sign of congratulating. Pangalawa, yung hawak-kamay. Hinawakan ni Yunho ang kamay ko para alalayan ako sa pag-akyat sa stage."

"Wow! Ang galing magpalusot ah! Napaka-husay! Sige nga, eh anong palusot mo dun sa yakapang naganap sa mall??"

"Hayaan mo na Katherine. Hindi ko naman kailangan ng paliwanag niya! Tsaka kung totoo man ang mga palusot niya, alam kong ginusto niya rin yun! Alam kong may gusto ka sa boyfriend ko!" Galit na galit na sigaw ni Alliana sabay sampal ng malakas sa kanang bahagi ng aking pisngi. Hindi pa siya nakuntento, sinabunutan niya pa ako ng paulit-ulit. Dahil sa sakit na aking natatamo ay patuloy ang aking pag iyak habang sumisigaw ng tama na.

"Tama na!"

*slapped

"Tama na!"

*Sabunot

"Tama na!"

"Alliana paki-usap, tama na!"

"Anong sabi mo?? Paki-usap?? Wow ha! Pagkatapos mong landiin ang boyfriend ko? Tama na?? Kulang pa yan sayo!" Akmang ibinuwelo niya ang kaniyang palad na nagpapahiwatig na sasampalin ako nito. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na alam ang aking gagawin. Kaya naman napa yapos na lang ako sa aking tuhod at inintay na lumapat ang kaniyang kamay sa aking ulo.

Ilang segundo ang lumipas ay hindi parin lumalapat ang kaniyang mga palad sa akin at naramdaman ko rin na biglang tumahimik ang paligid. Kaya naman unti-unti kong iniangat ang aking ulo at nilingon si Alliana.

Nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko ito inaasahan. Pigil-pigil niya ang kamay ni Alliana.

"Katherine anong ginagawa mo??"

"Tama na."

"Ano? Naririnig mo ba ang sinasabi mo??"

"Ako ng bahalang kuma-usap sa kaniya Alliana." Mahinahong sabi ni Katherine.

Dahil sa pagka-inis ni Alliana ay padabog niyang ibinaba ang kanyang kamay.

Hindi ko inaasahang pipigilan niya si Alliana na sampalin ako. Iniligtas niya ako, iniligtas niya ako.

"S-salamat" mahina kong sabi pero sapat para marinig niya. Pagkasabi ko nun ay agad niya akong nilingon at nilapitan.

Unti-unti niya akong inalalayan hanggang sa ako'y makatayo.

*slapped

Muli akong napa-upo sa sahig ng ako'y muling samapalin ngunit sa pagkakataong ito ay si Katherine naman. Dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin ay napahiyaw ako." Ah!"

"Ang t*nga mo talaga eh noh? Akala mo tutulungan kita? Wews! Pagkatapos mong agawin ang lahat sa akin? Asa ka p--"

"Anong ginagawa niyo sa girlfriend ko?!"

Napalingon kaming apat sa may pintuan ng biglang may sumigaw.

Si Nick...

"Kacy! Bakit ganyan ang itsura mo? Anong nangyari sayo?" Alalang tanong nito habang inaalalayan ako patayo.

"Kayo!" Galit na sabi nito sabay turo sa tatlo na nakatungo. "Kayo ba ang may gawa nito sa girlfriend ko?!" Tanong nito ngunit walang nagtangkang sumagot. "Umamin kayo! Kayo ba?"

"Nick magpapaliwan--"

"Kung kayo nga?!"

"Pasalamat kayo babae kayo. Palalampasin ko ito sa ngayon. Pero sa oras na ulitin niyo pa ito sa girlfriend ko, hindi ako magdadalawang isip na gantihan kayo! Tabe!" Galit na sabi nito sabay maingat na inalalayan ako palabas ng library.

Habang naglalakad kami palabas ay biglang tumulo ang aking luha at alam kong napansin iyon ni Nick.

"Kacy tahan na. Sorry nahuli ako. Dapat mas maagap pa akong nagpunta doon para di na nangyari sayo to. Sorry, sorry--"

"Okay lang."

"Ano bang nangyari?"

Hindi ako nakasagot sa kaniya ng biglang makasalubong ko ang dahilan ng lahat.

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon