CHAPTER 5

2.8K 104 2
                                    

Lumipas ang mahigit 30 mins at natapos na din ang pagsisitting arrangement.

At sa kasamaang palad, nagkalayo na kami ni Yunho. Nasa  Row 1 ako at nasa Row 3 naman siya.

Natapos ang klase na ako ay nakasimangot. I don't know why...

TIME SKIP -------------------------------------------

Recess time...

"Kacy, parito ka." sabi ni Yunho na nasa upuan niya.

Lalapitan ko na sana siya , pero bigla akong nilapitan ni Katherine.

"Kacy" sabi nito.

"Ow Katherine , why?" Tanong ko.

"Umm..If you don't mind , pwede bang sabay na tayo mag recess today? Yung tayong dalawa lang."

"Ahh pwede naman. Pero paano si Yun--" di na ako natuloy sa pagsasalita ng bigla niya akong hilahin palabas.

"Umm..Katherine , I'm just curious. Bakit gusto mo ako makasabay mag recess?"

"Wala. Gusto ko lang makasama ka."

Tumango na lang ako kahit parang na wi-weirduhan ako sa kanya. Ngayon niya lang kasi ako niyaya na magrecess ng sabay kami.

"Amm Kacy, kayo na ba ni Yunho?" tanong nito.

"Ayy haha! Hindi noh. Bakit mo naman natanong?"

"Ah wala naman, Curious lang ako kasi para kasing kayo na eh. Lagi kasi kayong magkasama. Pero alam mo ba Kacy, Last Year ganyan din kami ni Yunho. Super sweet namin. kulang na lang eii langgamin na kami."

Wow! Kailangan talaga ikuwento niya sakin? HUWAW!

"Ahh ganun ba? So it means naging kayo?" Tanong ko.

"Ahmmm..honestly, yes." Sagot niya na ikinagulat ko.

HUWAT? Akala ko ba hindi naging sila ni Yunho??
Pero ano tong sinasabi ni Katherine? na naging sila daw?

"Ahh ganon ba? naging kayo pala." malungkot kong sambit.

"Oh...bakit parang lumungkot ka ?" tanong niya.

"Ako? Lumungkot ? Di noh!" I lied.

KATHERINE'S POV-------------------------------

"Oh....bakit parang lumungkot ka ?" tanong ko.

"Ako? Lumungkot ? Di noh!" sagot niya.

Sus!! Tanggi pa more. Alam ko namang nag seselos ka eh.
Tingnan natin kung hanggang kailan mo kayang mag sinungaling hahahahah.

Paglalaruan muna kita...

"Kacy may gusto ka kay Yunho noh?" tanong ko

"Ako? Wala noh! Friends lang kami." sagot niya na halatang nagsisinungaling.

KACY'S POV------------------------------------------

"Ako? Wala noh! friends lang kami."

Habang ako ay nagsisinungaling. Nararamdaman ko na kumikirot ang aking puso.
Hindi ko alam kung bakit.
Dahil ba to sa nalaman ko na naging sila?
O dahil ba ito sa pagsisinungaling ko na wala akong gusto kay Yunho?
Haysss....

"Oh! Kacy natulala kana diyan." sabi ni Katherine.

"Ayy..sorry, may inisip lang." natatawa kong sabi.

"Ahh.."

"Amm Katherine medyo sumama ang pakiramdam ko eh. Siguro dun na lang muna ako sa room." pagpapaalam ko.

"Ok"

Kaya agad na akong nag tungo sa room namin at naupo sa upuan ko at natulala.

Habang iniisip ko yung mga sinabi ni Katherine kanina ay bigla na lang akong naluha. Hindi ko alam kung bakit ba ako nasasaktan sa mga nalaman ko.

Nawala lahat ng iniisip ko ng bigla akong nilapitan ni Yunho.

"Hi Kacy."bbati nito.

"Hello" bati ko naman.

Gusto ko sanang linawin kung talaga bang naging sila ni Katherine pero naisip ko na siguro wag na muna ngayon.

"Okay ka lang ba?" Alalang tanong ni Yunho sa akin.

"Oo okay lang ako. Bakit mo naman natanong?"

"Mukha kasing umiyak ka."

"Hindi noh! at bakit naman ako iiyak?" I lied.

"Kasi di na tayo magkatabi."

"Tss...at bakit naman ako iiyak ng dahil dun?"

"Kasi di mo na katabi ang crush mo." sagot niya sabay wink.

Hay naku Yunho. You making me fell for you.

"Crush?"

"Oo"

"Ahh pero sa pagkaka-alam ko, wala akong crush eh." agbibiro ko.

"Huh? Eh sa pagkaka-alam ko, meron daw."

"Sino daw?"

"Ako daw eh." sagot niya na ikinatawa ko.

"Hahaha asa ka pa." Pagbibiro ko pero sa totoo lang, may pag-asa ka.

OOOPPXXXX

HAHAHAH

"Kacy, alam mo. Ang lungkot ko dun sa bago kong upuan." malungkot niyang sabi.

"Bakit naman?"

"Di ko alam basta ang lungkot lang."

"Naku! Kung katabi mo parin ako, never kang magiging malungkot. Palagi kitang papatawanin."

"Kaya nga eh. Bakit pa kasi tayo pinag-layo." malungkot niyang sabi.

"Yunho, wala namang mag babago eh. Kahit magkalayo tayo, ikaw parin ang boy best friend ko." Nakangiti kong sabi pero nanatili parin siyang malungkot.

"Kacy , alam ko naman  na kahit magkalayo tayo walang magbabago. Alam ko naman na ako parin ang BOY BEST FRIEND mo pero..."

"Pero ano?"

"Pero can we try to be more?"

"W-what do you mean?"

"Can we try to be more than just BEST FRIENDS?"

hindi ako makasagot sa tanong ni Yunho.
Gustong gusto kong sagutin siya na OO WE CAN BE MORE. Pero
Di ko kayang sabihin.

"Yunho.."

"Kacy, alam ko di ka pa ready. Kaya ready akong maghintay." nakangiti niyang sagot na naging dahilan ng pag ngiti ko.

Maya-maya pa lang ay dumating na ang Science teacher namin na si Ma'am Flerida.

"Good morning ma'am"

"Good morning class. Please be sitted. So class di muna ako mag kaklase today, kasi hiniram ng adviser niyo ang time natin, kasi may ipapakilala ata sa inyo." sabi ni Ma'am Flerida.

"Ma'am sino daw po?" curious na tanong ni Dyna.

"If I'm not mistaken, may bago ata kayong transferee."sagot ni Ma'am Flerida na ikina-excite ng mga kaklase ko.

Ilang sandali pa lang ay lumabas na ng room namin si Ma'am Flerida at pumasok naman si Ma'am Anne kasama ang isang matangkad, kayumanggi , at may hitsurang lalaki.

Siya siguro yung transferee..











HI GUYS💖
THANK YOU FOR READING MY STORY😍
I LOVE YOU ALL😘😘💞

-GOLDENARMY💜💜

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon