CHAPTER 19

1.7K 42 0
                                    

KATHERINE'S POV-------------------------------

Ngayon ay nandito ako sa campus namin. Naka-uwi na kasi kami kahapon galing South Korea.

Kakainis  yang Kacy na yan! Dahil sa kaniya natalo ako! Ako dapat yung 1st place eh! Para ako dapat yung niyakap ni Yunho. Napaka-mang-aagaw niya! Lahat na lang!!

Kung akala niya talunan ako, pwes nagkakamali siya! Natalo man ako sa Quiz Bee na yan at nalamangan mo man ako kay Yunho, mag hintay ka at ako naman ang aarangkada. At sinisigurado ko na masisindak ka!

Maya-maya pa lamang ay pinuntahan ko si Alliana sa room nito. Pagkadating ko doon ay laking tuwa ko kasi saktong walang guro.

"May I excuse Ms. Alliana Zantora?" I ask the president of their room.

"Sure. Alliana excuse daw."

Gaya ng inaasahan, nilapitan niya ako.

"Ano yun?" Tanong nito.

"Hi Alliana." Masayang bati ko.

"Hello?"

"Boyfriend mo si Yunho, right?"

"Yeah."

"Alam mo ba na nasa Korea siya kahapon?"

"Yup."

"For??"

"For the math quiz bee. Why??"

"May na-kwento ba siya sayo?"

"Wala..."

"Kahit ano??"

"Ay meron pala."

"Ano?"

"Nanalo daw siya ng Silver medal kasi siya daw yung nanalo ng 2nd Place."

"Yun lang??"

"Oo bakit??"

"Hindi niya ba ikinuwento sayo na may yakapang naganap??" Sabi ko na mukhang hindi niya pinaniniwalaan.

"Yakapan?? Yakap lang naman eh, ano naman?"

"Sabi mo? Yakap lang. Pano kung sabihin ko sayo na, may something sa kanila before?"

"Ikaw babae ka, pwede bang tumigil kana! Nababaliw kana! Kung ano-ano na sinasabi mo!"

"Totoo ang sinasabi ko Alliana."

"Hindi magagawa sakin ni Yunho yan. Kaya pwede ba?! Umalis kana. Bago pa mag-init ang ulo ko sa'yo!"

"Ayaw mo talagang maniwala sakin. Heto, tingnan mo 'to." Seryosong sabi ko sabay aro sa kaniya ng pic sa cellphone ko.

Pagkakita niya sa pinakita ko ay bumakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

ALLIANA'S POV------------------------------------

Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Noong una ayaw 'ko itong paniwalaan pero wala, nakita ko na ang katotohanan. Lalo pa't may ebidensyang ipinakita itong babaeng ito.

Malinaw na malinaw na si Yunho bga ang lalaking may kayakap sa litrato. Pero ang ipinagtataka ko, sino ang babaeng kayakap niya?

Pinagmamasdan kong maigi ang babaeng nasa litrato. Nang biglang sumagi sa isipan ko na parang pamilyar siya sa akin. Na para bang nakita ko na siya before. Ang tanong, saan at kailan??

"Kilala mo ba ang babaeng yan?" Tanong ng babaeng kausap ko kanina.

"Hindi."

"Pwes ako, kilala ko at pwede 'ko siyang ipakilala sa'yo."

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon