CHAPTER 21

1.7K 49 0
                                    

YUNHO'S POV---------------------------------------

Ang tagal naman niya. Nag-aalala ako sa kaniya. Mula nung makita ko siyang umiiyak kanina, hindi na ako mapakali. Ano kayang nangyari?

Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin siya dumadating pero umaasa pa rin ako. Kasi nung hindi pa sila ni Nick ay lagi ko siyang sinasamahan papunta dito sa locker niya bago pumunta sa Third Period namin.

Napatayo ako sa aking pagkaka lupagi sa sahig ng makarinig ako ng mga yapak at umaasa akong si Kacy yun.

Siya nga. Agad ko siyang nilapitan na alam kong ikinagulat niya.

"Kacy!" Sigaw ko ng may sabik na tono ng bigla syang tumalikod sa akin at sinubukang umalis pero biglang hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Kacy please kausapin mo ako."

"Bitawan mo ako." Seryosong sabi niya habang sinusubukang ibitaw ang aking kamay sa kaniya pero pinigilan ko iyon.

"Kacy, please. Gusto ko lang malaman kung bakit ka umiiyak kanina."

"Hindi mo na kailangang malaman pa Yunho."

"Please Kacy, tell me. Nag-aalala ako sayo." Pag mamakaawa ko pero di niya ako pinakinggan. Bagkus ay muli niya akong tinalikuran at pilit na ibinitaw ang mga kamay ko sa kaniya. Humakbang palayo sa akin at hindi ko na siya muling pinigilan.

"Kacy bakit? Bakit bigla ka na lang nagka ganyan? Bakit bigla kang nagbago? Bakit mo ako iniiwasaan?Hindi ka naman ganyan nung umalis tayo galing Korea ah." Sabi ko na nakapag pahinto sa kaniya sa paglalakad. "May nagawa ba ako?"

Bigla niya akong nilingon ng hindi ko inaasahan.

"Gusto mong malaman kung bakit?" Tanong niya sa akin sabay tulo ng luha.

"Bakit ka umiiyak--"

"Kung gusto mong malaman?!"

"Tek--"

"Oo o hindi lang Yunho!"

"Oo Kacy! Oo, gusto kong malaman!"

"Sige, sasabihin ko. Sinaktan ako n--"

"Nino?! Ni Nick ba?!"

"Yunho, makinig ka muna please."

"Sagutin mo ako Kacy! Si Nick ba ang nanakit sayo?!"

"Kumalma ka mun--"

"Paano ako kakalma Kacy?! Sige nga, sabihin mo sa akin. Paano ako kakalma gayong nalaman ko na sinaktan ka ng Nick na yun?!"

"Yunh--"

"Bakit ba kasi minahal mo pa ang lalaking yun eh?! Dapat ako na lang. Dapat ako na lang Kacy! Kung ako na lang sana ang minahal mo, hindi ka nasaktan!"

"Talaga ba Yunho? Talaga ba? Eh ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nasaktan! Dahil sayo naging impyerno ang buhay ko! Dapat hindi na lang kita nakilala! Bakit ba kasi minahal kita?! Anong bang meron sayo kung kaya't hindi kita malimutan?! Sawang-sawa na akong magpanggap na hindi na kita mahal! Dapat hindi na lang ako pumayag dun sa gusto mo nung nasa Korea tayo para di ako nasaktan. Para di ako pinagtulungan! Ang t*nga ko naman kasi, bakit ako pumayag?!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pinagtulungan ako Yunho. Alam mo ba yun? Pinagtulungan ako dahil sayo!"

"Ano?! Sabihin mo sakin kung sino gumawa nun sayo! Hindi ko sila mapapatawad!"

"Yunho wag na."

"Anong wag na?! Ganun-ganun na lang ba yun Kacy?! Hindi ako papayag! Hay*p na Nick yan! Imbis na alagaan ka, sinasaktan ka!"

"Hindi naman si Nick eh!"

"Eh sino?!"

"Si Katherine at--"

"At sino??"

"A-alliana..."

What?!

"Ano?! Si Alliana?? Humanda siya sakin!" Galit na sabi ko habang nakayukom ang aking mga kamao.

"Yunho anong gagawin mo?" Takot na tanong ni Kacy na nangingilid pa ang luha. "Kung ano mang binabalak mo, please wag mo ng ituloy. Lalo lang magkakagulo."

"Kacy magtiwala ka sakin. Pagkatapos nito, hinding-hindi ka na nila muling sasaktan."

"Yunho bakit ba ako ang kinakampihan mo?"

"Sinong gusto mong kampihan ko?! Si Alliana??"

"Oo kasi siya ang girlfriend mo!"

"Kacy wala akong pakialam kung girlfriend ko siya! Wala siyang karapatang saktan ka, tsaka isa pa siya ang mali Kacy! Siya! Ang lakas ng loob niya na gawin yun sayo? Oras na para malaman niya ang totoo." Galit na galit na sabi ko sabay hawak sa kamay ni Kacy at nagtungo sa Classroom nina Alliana.

"Teka Yunho, san mo ako dadalhin?"

"Basta sumama ka sakin."

"Bitawan mo ako. Baka makita pa ako ng Girlfriend mo!"

"Yun nga ang gusto kong mangyari."

"Ano?? Nahihibang kana ba Yunho? Ayoko na ng gulo. Kaya please, bitawan mo ang kamay ko." Pag mamaka-awa ni Kacy na hindi ko pinakinggan.

"Yunho ano ba?! Bitawan mo ako. Pag nakita ako ng girlfriend mo, papatayin ako nun!"

"At hindi ko yun hahayaan."

"Bitawan mo na lang ako, please."

Pero hindi ko parin siya binitawan hanggang makarating kami dito sa classroom nina Alliana.

"Yana! Lumabas ka diyan! May pag-uusapan tayo!"

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon