CHAPTER 7

2.3K 89 3
                                    

YUNHO'S POV---------------------------------------

"Bakit ba ganun si Kacy? Bakit ba ang manhid niya? Bakit ba di siya matamaan ng mga pakilig moves ko? Bakit ba di niya mapansin ang mga effort ko? Bakit ba di niya mahalata na gusto ko siya? Bakit ba di niya ako magustuhan?" malungkot na tanong ko sa sarili ko.

"Alam mo kung bakit?"

Bigla akong natigilan dahil biglang may sumagot ng tanong ko.
Kaya nilingon ko ito , para malaman ko kung sino yun.

Lalo akong nagulat nung nakita ko na kung sino yun.

Grabe, hindi ko alam na sinundan niya pala ako.

"Kacy? N-narinig mo?" kinakabahan kong tanong.

"Yup" nakangiti nitong sagot na mas lalo kong ikinakaba.

"As in lahat??"muli kong tanong at tumango naman siya as her response.

WTH!! Narinig niya lahat?? Pano na??

"Gusto mo bang sagutin  ko ang tanong mo?" tanong nito kaya tumango na lang ako as my response.

Habang iniintay ko ang sagot niya ay pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa lakas ng pag tibok nito.

"Yunho, hindi ako manhid. Hindi totoo na hindi ko napapansin ang mga efforts mo para lang mapansin kita, hindi rin totoo na hindi ako natatamaan sa mga patama mo."

KACY'S POV------------------------------------------

"Yunho, hindi ako manhid. Hindi totoo na hindi ko napapansin ang mga efforts mo para lang mapansin kita, hindi rin totoo na hindi ako natatamaan sa mga patama mo" sabi ko.

"May nakalimutan ka." sabi niya.

Alam ko na may isa akong tanong na hindi nasagot. Yun ay ang tanong na.

(Bakit ba di niya mahalata na gusto ko siya? Bakit ba di niya ako magustuhan?)

"Gusto mo bang malaman ang sagot ko dun?" tanong ko.

"Uhmm..pwede ba?" sabi niya.

"Yunho , hindi ko alam na gusto mo ako pero isa lang alam ko. Yun ay ang, hindi na kita kailangang magustuhan kasi simula lang nung una, gusto na kita Yunho."

"T-talaga??..ganun din ako Kacy...simula pa lang nung una...minahal na kita...", sabi niya na ikinangiti ko...

Niyakap niya ako..kaya I hugged him back...

"Uhmm..excuse me...", sabi ni Ma'am Anne...na ikinagulat namin kaya agad kaming kumalas sa pagkakayakap namin sa isa't -isa..

"Uhmm Ms.Kacy can you do me a favor?...", tanong ni Ma'am Anne..

"Ofcourse Ma'am..what is it?..", tanong ko...

"May partner ka na bang mag ikot mamaya sa Haunted Mansion?"

"Amm..meron na po..."

"Sino?"

"Si Yunho po..."

"Uhmm..pwede bang ikaw na lang ang magiging partner ni Nick?..",tanong ni Ma'am Anne na ikinagulat ko..

"Ma'am paano po si Yunho?..", malungkot kong tanong..

"Sad to say but...kailangan talaga na ikaw ang maging partner ni Nick..kasi  nagrequest siya sa akin kahapon..nakakahiya naman tumanggi..kaya please...."

Hindi ako makalag decide kaya tumingin ako kay Yunho...
Kita ko sa mga mata niya ang pag kalungkot...

YUNHO'S POV---------------------------------------

Sickness Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon