Minsan sinamahan ko ang kaibigan kong manligaw. Nasa probinsya ako noon, alam nyo naman sa probinsya pag nanligaw ka kailangan talagang puntahan mo sa bahay nila iyong nililigawan mo. Kailangan pang magdala ka ng kung ano-ano para sa nililigawan mo. At lalong-lalo na para sa mga magulang ng nililigawan mo, para papasukin ka. Passes kumbaga.
Kaya isang gabi habang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga at nakatunganga sa harapan ng bahay namin..
"Pre, samahan mo naman ako.." sabi ng kaibigan ko, pumunta sa bahay namin ng bihis na bihis.
"Oh saan ka pupunta? Magpapaburol kana ba? Hahahaha." tanong ko sa kaibigan ko na sinabayan ko ng tawa.
"Anong burol hindi ah!" asik nito sa akin.
Paano naman kasi nakasuot ito ng longsleeves na kulay lightblue at nakaitim na pantalon. Ang sapatos din nito kala mo mabubulag ka sa sobrang kintab.
"Eh.. saan ka ba galing ha? Galing ka ba sa kasalan?" tanong ko uli.
"Hindi, galing pa ako sa bahay namin." sagot nito.
"Oh bakit ganyan ang suot mo, nakakahiya naman sayo. Pupunta ka lang dito sa amin nakaganyan ka pa.." sabi ko naman dito habang tumabi sa akin sa pagkakaupo ko.
"Magpapasama nga ako sayo eh.. Manliligaw tayo." nakangiting sabi nito.
"Ha? Saan? Kanino?" nakangiti at sunod-sunod kong tanong dito.
Itatago ko nalang ang pangalan ng liligawan nya sa pangalang Maria.
"Doon kila Maria.." nakangiting sabi nito.
"Ows? Sigurado ka?" tanong ko sa kanya na syempre hindi pa ako makapaniwala. Baka kasi ginugoodtime lang ako nito eh.
"Oo nga seryoso ako.. Magsusuot pa ako ng ganito kung hindi ako seryoso?" parang nagtatampong tanong sa akin.
"Oh sige na nga, teka lang ha magbibihis lang ako." sabi ko sa kanya at iniwan ko muna sya para magbihis.
Kumuha lang ako ng matinong damit at shorts tapos lumabas na agad ako.
"Ano tara na?" nakangiti kong tanong nang makabalas na ako.
"Ganyan lang isusuot mo?" tanong ng kaibigan ko habang tinitingnan ang ayos ko.
"Bakit, ano bang iniexpect mo magsusuot din ako ng katulad sayo? Wag na oy!" sabi ko sa kanya.
Bakit naman ako magsusuot ng ganun kung sasamahan ko lang naman sya. At kahit na siguro hindi ako patuluyin ng nililigawan hindi pa rin ako magsusuot ng ganun noh. Matutulog nalang ako ng maaga kung magkaganun man lang.
"Sige na nga.. " sabi ng kaibigan ko.
"Ikaw lang naman ang papasok eh, sasamahan lang kitang pumunta doon. Sa labas lang ako maghihintay sayo." sabi ko sa kaibigan ko, para wag na akong pilitin na magbihis.
"Ok sige.." sabi nito na tumayo na.
"Teka lang pala, magpapaalam lang ako kay Tatay baka hanapin ako eh." sabi ko sa kaibigan ko tapos nagmadali akong magpaalam sa Tatay ko.
Pinayagan naman ako ni Tatay kayo diretso na kami doon sa liligawan nya. Nang makarating kami doon ay agad na nagpaalam ako sa Tatay ng liligawan nya. Kaya naman kasi ako ang sinama nya kasi kilala ako ng Tatay ng liligawan nya.
Agad naman pinapasok ang kaibigan ko at tinawag ang anak na lilligawan nya. Habang ako naroon lang sa labas ng bahay hinihintay sya. May ilang oras din silang nagusap doon sa loob. Mukha namang OK kasi tumatawa naman sila, naririnig ko sa labas. Habang ako unti-unti nang pinapapak ng lamok doon, pero ayos lang kaibigan ko naman ang sinamahan ko doon eh. Para sa kaligayahan nya iyon, kaya maligaya na rin ako para sa kanya kung sakaling sagutin nga sya ng nililigawan nya.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Tanga
Non-FictionMga kwentong puno ng katangahan. Mga kwentong para sa mga tanga and everyone. Mga kwentong kulitan at kalokohan, walang personalan.☻