Naniniwala ba kayo sa mga kababalaghan? Tulad ng White lady, Kapre, Nuno sa punso, Aswang, Diwata, Maligno, Multo at marami pang iba. Iyong mga kwentong pinapasa-pasa pa mula sa mga matatanda hanggang sa panahong ito. Ako hindi ako naniniwala kasi may kasabihan kasi akong "To see is to believe."
Pero may isang pangyayari sa buhay ko na kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung papano nangyari iyon at kung paano ko ipapaliwanag, baka dala lang ba iyon ng malikot kung isipan. Hindi ko maipaliwanag kasi ang feeling noon eh.
Matagal na nangyari ito, ilang taon na rin ang nakakaraan at bawat napapagusapan ang mga tungkol sa kababalaghan lagi kong sini-share sa mga kaibigan ko ito o maging sa kapamilya ko hanggang maging sa anak at asawa ko.
Tamang-tama talaga at naisipan kong ishare din ito sa inyo ngayon, malapit na ang halloween eh.. Hehehe. Hindi lang 1, 2 beses ko na naranasan ang mga ganitong hindi maipaliwanag na pangyayari, kaya nga ngayon habang sinusulat ko ito nakabukas ang ilaw namin dito sa sala kung nasaan ang computer ko. Mahirap na kasi kung madilim eh, mag 12:00 na kasi ng gabi baka may biglang humila sa akin dito.
SCHOOL GROUND
Nangyari ito noong year 2002 sa probinsya namin, highschool pa ako noon. Doon kasi ako nagaral ng highschool at doon din naman talaga kami nakatira. Kailan lang naman ako umalis doon para maghanap ng trabaho dito sa Manila eh.
Isang madaling araw nagising ako, dati kasi nakaugalian ko na ang magjogging araw-araw. Madaling araw ako gumigising para lumabas at magjogging. Pero sa araw na iyon, may naging usapan kami ng mga kaibigan ko at kateam sa Sepak Takraw na magkita muna kami sa school namin. Bale doon kami magkikita-kita bago kami tumuloy sa regular na tinatakbuhan namin.
Gaya ng nakaugalian ko, maghihilamos muna ako at magsisipilyo. Tapos nagbihis na ako ng pang larong damit ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto namin para hindi ko maistorbo ang tatay at nanay ko na noon ay naghihilik pa pareho.
"Brielle? San ka pupunta? " biglang tanong ni Tatay, nagising na rin pala sya dahil naiihi.
"Magjojogging tay.." sagot ko ng makabawi ako sa pagkabigla, di ko kasi naramdaman na nakalabas na pala ng kwarto nila ang tatay ko at nasa may likod ko na.
"Aga mo naman yata?" tanong ni Tatay na pupungas-pungas pa.
"Maaga kasi ang usapin namin ng mga kateam ko eh.." sagot ko sa tatay ko.
"Ah.. Oh sige, sarado mo nalang iyan dyan ha?" sabi ng tatay ko na tumalikod na at pumunta na sa banyo.
Kaya tulad ng bilin ng tatay ko, sinara ko nalang ang pinto ng bahay namin at nilock ko pagkalabas ko. Kasi alam ko babalik pa uli ng tulog ang tatay ko, at delikadong iwan kong hindi nakalock ang pinto. Uso kasi dati ang nakawan doon sa amin eh, karamihan nga ng nananakaw mga alagang manok. 2 panabong na manok na nga ang nananakaw sa kapit bahay namin noon.
Nagstretch muna ako ng ilang sandali sa may gate namin bago ako tuluyang lumabas, at ganun din sinarado ko uli at nilock ko paglabas ko. Nang masiguro ko nang sarado na tsaka pa ako nagsimulang magjog papunta sa school namin.Hindi naman masyadong malayo ang school mula sa amin, siguro mga 50 meters lang ang layo nito sa bahay namin. Naririnig ko nga sa amin kapag nagbebell na, para magflag ceremony eh.
Nang marating ko na ang gate ng school namin saglit pa akong tumambay doon, maghihintay nalang ako sa mga kateam ko na dumating doon para hindi na ako pumasok pa sa loob ng school.
"Tagal naman nila.." nasabi ko, habang nagstretching ako doon malapit sa gate ng school at patanaw-tanaw kung may mga paparating nang mga kasama ko.
Siguro may ilang minuto na rin akong naghihintay doon, may naririnig akong mga sigawan sa loob ng school namin. Parang nagmumula sa school ground. Ang school kasi namin puro building ang nasa harap at nasa bandang likod naman ang malaking ground nito, naroon ang basketball court, volley ball court. At bukod doon ay napapaligiran din ito ng malalaking puno ng Acasia sa bandang harap, sa parteng likod naman malalaking puno pa rin pero iba-ibang klase na. Bale ang pinakaground nito ay nasa pinakagitna sa building at mga malalaking puno.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Tanga
Non-FictionMga kwentong puno ng katangahan. Mga kwentong para sa mga tanga and everyone. Mga kwentong kulitan at kalokohan, walang personalan.☻