Dahil napagusapan na rin lang ang kwentong pinakagustong pulutan ng lahat. Ang kwento tungkol sa babae at lalaki, bakit hindi nalang natin lubusin. Aminin man ng marami o hindi iyan ang pinakahighlight na kwento sa inuman. Iyan ang pinaka main course kung ihahambing sa pagkaing pulutan. Kasi habang mas lalong nagtatagal ang inuman lalong lumalalim ang usapan tungkol dyan.Kung itutulad sa pag inom ng alak, habang tumatagal lalong sumasarap. Baka isipin ng makakabasa nito, nagiging marumi na pagiisip ko sa puntong ito. Nagkakamali kayo, sinasabi ko lang ang totoo. Na basi sa naging sarili kong mga karanasan.
Patunay lang ang mga iilang beses ko nang nasaksihan at naranasan tungkol dyan. Dahil sa muling pagkikita-kita namin ng mga kaibigan ko, hindi nalang puro kwentohan ang nangyayari. Hindi na kasi nagiging kuntento sa kwentohan. Hindi nalang puro dada, kundi nagsisimula na ang paggawa. Minsan kasi nang mabisita ako sa isang kong kaibigan, sinabi nya sa akin "Tol, labas tayo mamaya." Ang gusto nyang sabihin sa akin ay pupunta kami sa lugar kong saan mga babae ang nagiging pulutan. Alam nyo na ang ibig kong sabihin dyan, iyan ang lugar na karamihang dinarayo ng mga kalalakihang ibang pagkain ang gustong pulutan. Iyong pagkaing hindi kayang lutuin ng tao. At hindi lang para sa mga lalaki ang may lugar na ganyan. Meron din para sa mga kababaihan, mga kababaihang lalaki din ang gustong pulutan.
Iba nga naman ang nagagawa ng alak sa utak ng tao, tinutulak nito ang isang tao na gawin ang bagay na pinakagustong gawin nito. Kumbaga tinutulungan nitong gawing totoo ang pinakagustong gawin ng isang tao na dati ay hanggang sa isip lang nito. "It will help you to make your wildest dreams come true." iyan ang sabi ng minsang nakainuman ko. Bakit? Kasi patunay lang dyan ang dumaraming mga nabubuntis ng wala sa oras, at ang pinaka nagiging dahilan ay alak. Nalasing at nakalimot sa sarili kaya ayon naging dahilan ng pagdami, pagdami ng populasyon. Ang nakakalungkot nga lang, hindi lang sila ang nagbabayad sa pagkakamaling nagawa nila. Kundi pati ang isang inosenteng bata na walang kamuwang-muwang, ay nagiging kabayaran sa minsang pagkakasala ng mga magulang. Patunay nalang ang pagdami ng mga kaso ng abursyon sa bansa, ang nakakatakot pa dahil pabata nang pabata ang mga gumagawa nito.
Ang mga gumagawa ba ng alak ang dapat sisihin nito o iyong mga taong imiinom nito? Kung ako ang tatanungin mga tao ang masisisi. Kasi wala namang isip ang alak eh, ang tao meron. Nagiging malakas lang ang loob ng taong nakakainom kaya nakakagawa ng ganun. May mga tao din na sinasadya talagang uminom para sa ganoong dahilan. May isa akong nakatrabaho dati na sabi nya sa akin yayain daw nya ang kapitbahay nyang chicks ng inuman, at kwento nya pa sobrang sexy daw nito. Kaya alam na ang balak diba, ang babae naman walang kaalam-alam o siguro alam din ang ganoong balak at gusto din kaya nagpaimbeta naman. Kaya ayun, kwento sa akin ng katrabaho ko ang kwentohan nauwi sa mainit na kaganapan. Patunay lang na hindi na sila naging kuntento sa simpleng kwentong pulutan.
Masakit mang isipin at sabihin pero karamihan ng dahilan ng lalaki sa pakikipag inoman sa babae ay may intensyon itong gawin na higit pa sa kwentohan lang. Sabi nga pag may alak, may balak. Maliban siguro sa talagang magkaibigan na, iyong matagal nang magkakilala, pero ganun pa rin may nangyayari pa rin sa huli na pareho daw nilang hindi kagustohan at nadala lang ng alak. Pwera nalang talaga siguro sa mga okasyon na marami ang mga kainoman, iyan siguro purong kasiyahan lang talaga yan, na ang mga kainoman mo mga kapamilya lang.
Pero kapag nagyaya na kayong dalawa lang o kung marami man ay magkakapareha naman, pero wala namang okasyon, magisip-isip na kayong mga babae dyan. Nasa sa inyo na ang desisyon nyan, dahil may posibilidad na pag pareho na kayong lasing ang mga sarili nyo na ang ginagawa ninyong pulutan. Hindi ko sinasabing ganyan ang lahat ng lalaki ha, at ganyan ang intensyon ng lahat sa pakikipaginoman ng lalaki sa babae. Nagkakamali kayo kung iniisip nyong ganyan, dahil hindi naman lahat ganyan magisip. Meron lang sigurong iilan, pero hindi ibig sabihin na ang sinabi kong iyon ay para na sa kalahatan. At kung sasabihin nyong nagaakusa lang ako o kwentong barbero lang ito. Mga tsong naman, huwag na tayong magplastikan.
Kaya para maiwasan nalang siguro ang ganyang kahihinatnan, siguro wag nalang maginoman ng walang okasyon. At kung magiinom man wag nalang sigurong pasobrahan, para hindi mauwi sa bagay na sa huli ay pareho nyong pasisisihan. ☻
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Tanga
Non-FictionMga kwentong puno ng katangahan. Mga kwentong para sa mga tanga and everyone. Mga kwentong kulitan at kalokohan, walang personalan.☻