Misan may nagtanong sa akin, nakatambay lang ako noon sa may Gil Puyat sa Taft avenue. Nagyoyosi, habang hinihintay ang susunod na bus na sasakyan ko pauwi. Hindi naman ako nagmamadali kaya, naisip kong makapagyosi nga muna habang naghihintay.
May lumapit sa akin na isang dalagita..
"Kuya pwede bang magtanong?" sabi ng dalagita.
Saglit akong natigilan, pano pag sinabing kong hindi may magagawa pa ba ako? Kasi sa sinabi palang ng dalagita sa akin tanong na yon eh.
"Sige, ano yon?" tanong ko din. Umiral na ang pagiging matulungin ko eh.
"San po yong sakayan dito ng bus?" tanong ng dalagita.
"Ha? Saan ba papunta?" tanong ko.
"Papunta pong batangas." sagot naman nito.
"Ah, iyong terminal sa kabila. May byaheng batangas doon." sabi ko sabay turo sa terminal ng bus.
"Ah dyan po sa terminal?" tanong uli ng dalagita sabay turo ng tinuro kong terminal.
Naisip ko sarap mo naman batukan neng, sa terminal nga ng bus eh. Alangan naman sa istasyon ka ng LRT pumunta. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang ganun, sa isip ko lang. Matulungin ako eh.
"Oo dyan nga sa terminal na iyan." nakangiti kong sabi habang nakaturo pa rin sa terminal na iyon ang kamay ko.
"Ah OK, salamat po kuya ha?" sabi ng dalagita na naglakad na papunta sa terminal.
Maya-maya naman..
"Kuya dito po ba ang pila?" tanong ng isang estudyante sa akin.
"Ha? Pila saan?" nagtatakang tanong ko sa estudyante.
"Para po sa bus na papuntang __________?" tanong ng estudyante.
"Ah hindi.." agad kong sabi.
Wala naman kasi talagang pila doon eh, nakatayo lang ako doon at nakatunga-nga. Inisip nya pa rin sigurong may pila doon kaya tumayo din ito doon malapit sa tabi ko. Naisip ko, hindi ko naman pagaari ang lugar na iyon kaya ok lang. O kahit pa pagaari ko, OK pa rin hindi naman ako ganun kadamot.
Kaya lang ang hindi ko na talaga maiwasang matawa. Makalipas ang ilang sandali pa, may mga sumunod na rin sa likod ng estudyanteng nasa tabi ko. Natawa akong napatingin sa mga taong naroon, ang iniisip siguro nila porke't nakatayo lang ako doon pila na iyon.
Hindi ko naman sinasadya nang may pumaradang bus sa harap at ko hindi ako sumakay, kasi hindi naman iyon papunta sa pupuntahan ko.
"Ano ba yan sabi dito ang pila ng___________!" nagrereklamong sabi ng nasa pang 8 mula sa akin.
"Hindi ako nakapila dito ate.. May hinihintay lang ako." sabi ko sa kanila.
At saka pa sila sumakay sa bus, nang naguunahan. Naisip ko tuloy, kasalanan ko bang hindi ko sila sinabihan na hindi ako ang nagpasimuno ng pila doon? O kasalanan nila dahil hindi sila nagtanong sa akin bago sila sumunod sa akin na akala nila ako ang leader ng pila?
Pwede naman sana magtanong eh, tsaka sinabihan ko naman yong estudyante na wala naman talagang pila doon. Nakakainis lang, nasisisi ka sa kasalanan na hindi mo naman kasalanan. Pero syempre dahil mabait ako natawa nalang ako sa mga paninisi nila sa akin, dahil nakakaabala daw ako sa kanila.
Mga simpleng senaryo na natatawa ka nalang pag naaalala mo.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Tanga
Non-FictionMga kwentong puno ng katangahan. Mga kwentong para sa mga tanga and everyone. Mga kwentong kulitan at kalokohan, walang personalan.☻