Mga kwento na minsan na naging pulutan sa inuman.

492 1 0
                                    

Kapag nagiinuman kayo ano ba ang gusto ninyong pulutan? Kornik, Crispy pata, Menudo, Balot, Fishball at kung ano-ano pa. Iilan lang ang mga iyan sa mga masasarap na pulutan diba? Mga pulutang pampasarap sa inuman. Bakit nga ba nagpupulutan ang mga nagiinuman? Sagot naman ng iba, para daw tumagal sa inuman at hindi malasing. At iyong iba naman para daw mabusog.

Kaya nga minsan pag may nagiinuman tapos iyong kainuman nila puro pulutan lang ang binabanatan, sinasabihan nilang pulutan yan hindi hapunan o agahan o pananghalian o kaya meryenda. Paano pala kung hindi pa nga kumakain iyong tao? Sa tingin ko kaya nauso ang pulutan para mabusog ang nagiinuman eh, kasi diba paguminom ka ng alcohol para nitong tinutunaw ang kinakain mo. Ang alcohol na tinutukoy ko iyong alcohol na hinahalo sa inumin, iyong mga inumin na nakakalasing. Baka kasi ang isipin ng iba porke't alcohol iyong pinanglilinis ng sugat agad. Nakakagutom daw kasi ang uminom ng nakakalasing na inumin kaya kailangan daw ng pulutan.

Pero sa probinsya may mga nakainuman akong mga matatanda na halos x4 na ang edad ko sa tanda nila. Kapag tinanong mo kung anong ang gusto nilang pulutan, ang sinasagot agad nila ay CHICKS daw. Hindi iyong chicks na anak ng manok, o kaya iyong teksas na sinasabi nila, pasensya na wala akong masyadong alam sa manok eh. Ang alam ko lang kasi sa manok lutuin, hindi ako pamilyar sa mga uri nito.

Sa madaling salita babae ang gusto nilang pulutan, kaya natatawa ako kasi nga sa sobrang tanda na nila pag dumura sila sa paa na nila tumatama. Hahahaha. Pero kita nyo naman matitibay pa, ang isip nalang kasi medyo hindi yata kaya ng katawan pag nagpulutan ng chicks. Pero kung makatagay naman sayo, para kang lulunurin sa alak. Alam nyo ba yung baso ng kape na 50 grams ang laman, isang ganyan kung makatagay ang mga katropa kong matatanda. Kaya ang isang litrong alak, 5 ikot lang yan. Klaruhin ko lang ha, hindi beer ang iniinom nila kundi hard liquors. At take note walang pulutan na mga pagkain yan, tawa lang ang ginagawa nilang pulutan. Pero magtataka ka kasi umabot sila sa mga edad na ganyan.

Mga magsasaka kasi sila, batak ang katawan sa trabaho sa bukid. Mula pagaararo hanggang magharvest ng kopra. Alam na alam ko yan, kasi halos doon din ako tumira minsan. Nasa lungsod naman talaga ang bahay namin sa probinsya pero mas gusto kong doon ako sa mga kaibigang kong magsasaka tumambay. Wala lang para maiba, saka masasaya sila kasama. Nakakainspire kasi sila, kasi kahit alam mong mahihirap ang trabaho nila dinadaan lang nila sa tawa. Pakanta-kanta pa habang nagaararo, pasipol-sipol habang umaakyat ng puno ng niyog para mangharvest ng kopra. Kaya nga siguro doon ako nahasa sa kanila, kasi pagumiinom ako ng alak hindi ako nagpupulutan ng pagkain.

Kaya para sa akin ang pinakamasarap na pulutan ay kwentohan, matipid pa. Hindi mo na kailangan magluto pa ng kung ano-ano eh, basta't magkwento ka lang. Ganun lang kasimple. Karaniwang naguumpisa muna sa seryosong kwentohan, tungkol sa buhay, sa pamilya, sa trabaho. Parang sa barbero lang may iba't-ibang genre din. Habang tumatagal ang inuman nagiiba din ang genre ng kwento. Mula sa current events, comedy, horror, adventure o sci-fi,  drama at action. Nahuhuli ang action sa iba kasi nauuwi sa away ang usapan, hanggang maghampasan na ng bote at magbasagan ng mukha.

Sa amin dati noong highschool pa ko, pag nagiinuman kami ng mga kaibigan ko. Kahit anong seryoso ng usapan sa umpisa nagtatapos talaga sa tae ang usapan. Ewan ko ba kung bakit ganun, ang lilikot kasi ng mga utak namin eh, kung makapagkwentohan kami dati madadaig ang Transformers o kaya Lord of the Rings pag ginawang pelikula ang mga pinagkukwentohan namin na mga fanstasy-adventures. Tapos kung drama naman, magbabox office din kami sa iyakan. Hahaha. Lalo na pag usapang syota na at hiwalayan. Hahaha.

Minsan naman, nagaala action star din kami. Sapakan, ala FPJ din. Pero hanggang doon lang naman, hindi naman kami umaabot sa puntong nagiging horror na kasi meron nang dugoan. Hanggang black eye at bukol lang kami. Tapos magiging comedy na yan, kasi nga matatawa na sa mga itsura namin. At magkakasundo na uli. Hanggang yun nga pag sci-fi na, magtatapos talaga sa tae ang usapan kasabay ng inuman.

Ganun lang kasimple ang pulutan namin noon, walang anumang rekado na kailangang bilhin. Minsan pa nga nagmumusical kami eh, kantahan hanggang mawala na ang mga boses. Napakasimple lang talaga, nakakamiss nga ang ganun eh. Mula kasi noong magcollege na, miminsan nalang kung magkita at magkainoman. Pero naglelevel up naman ang kwentung pulutan namin, kasi nagiging erotic at sensual na ang pulutan. Hahahaha.

Pag nasa college na, masyado nang seryoso ang usapan. Puro babae na lang at karanasan sa babae ang pinaguusapan, pag mga lalaki ang nagiinuman. Tapos pagbabae naman ang nagiinuman puro lalaki naman ang pinaguusapan at ang mga naging karanasan, maliban sa make-up at mga usong damit. Hahahaha. Girls, aminin.. Hahaha.

Mga Kwentong TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon