Security Guard. Alam na pag sinabing gwardiya diba? Ito iyong mga karaniwang bumabati sayo bago ka makapasok sa mga malls, supermarket, pawnshops at iba't-iba pang establisments. Kung titingnan parang napakadali lang ng trabaho nila, patayo-tayo, yong iba patext-text, at minsan natutulog. Hahaha. No offense mga guards ha, pero may iba talagang natutulog sa duty nila. Andami ko nang nakikitang ganyan.
Ang kwentong mababasa nyo dito ay tungkol sa isang gwardiya, bigyan ko nalang sya ng pangalang Guard.
" Good morning sir." bati ni Guard sa kanyang SO o SOI. (Security Officer o Security Officer Inspector) sabay saludo.
"Good morning." sagot naman ng SO at balik saludo nito.
Bago kasi si Guard sa post na iyon, kalilipat nya lang mula sa isang Drug Store. Ngayon ang bagong post ay sa Restaurant, pagaari iyon ng magasawang koreano.
"Oh anong balita Guard?" tanong ni SO.
"OK lang naman sir, wala pa masyadong maibabalita. Kakasimula ko palang dito eh." nakangiting sagot ni Guard.
Tumango-tango naman ang kanyang SO habang patingin-tingin sa loob ng establishment na bagong assignment ni Guard. Sarado pa kasi iyon, 8:00 am pa kasi ang bukas noon, samantalang nang mga oras na iyon ay 6:00 am palang.
"Sir, papaalala ko nga pala. Wala pa kayong ini-issue sa aking Service firearm." sabi ni Guard sa SO nya na kasalukuyang simisilip sa loob ng restaurant.
"Ah OO nga pala dala ko na." nakangiti nitong sabi ng maalala ang tungkol sa service firearm ni Guard.
Lumapit si SO sa motor nya na noon ay nakaparada sa harap lang din ng saradong restaurant at binuksan ang U-box ng motor nya. Mula doon ay may kinuha itong Armscore Caliber 38, at muling bumalik kay Guard at inabot dito.
"Eto oh.." sabi ni SO kay guard habang inaabot dito ang baril.
Syempre para sa gagamit ng service firearm na iyon, kailangan masiguro mo muna na nasa magandang condition ang baril na iniissue sa iyo. Tiningnang mabuti ni Guard ang baril Revolver type Caliber 38 iyon, kaya ininspeksyon ni Guard ang revolver nito at ang condition ng firing pin nito. Pag revolver kasi, wala naman maraming features ito. Kaya masasabing simpleng baril lang ito, pero tulad ng ibang baril mapanganib pa rin ito. Wala pang bala ang baril habang sinusuri ni Guard iyon.
"Sir, bakit ganito.. sigurado kayong ito ang gagamitin kong service firearm?" nagtatakang tanong ni Guard.
Napansin kasi nya, na depektibo ang firing pin ng baril na binigay sa kanya. Masyado itong maiksi, kumpara sa natural na firing pin ng mga revolver type na baril. Kung lalagyan man ng bala ito ay wala ring silbi iyon, hindi pa rin ito puputok dahil hindi naman aabot ang firing pin ng baril sa bala nito.
"Oo, iyan ang gagamitin mo." nakangiting sagot ng SO.
Tila naguguluhan naman si Guard sa sinabi ng SO nya. Seryoso ba to? Iyon ang naisip nya, kasi kong magbabantay ka ng isang establishment na katulad ng restaurant kakailanganin mong maging alerto dito. Hindi lang para sa establishment kundi mula sa mga empleyado dito hanggang sa mga customer nyo. Pero papaano mo sila mapoprotektahan kung ganitong palpak pala ang baril mo.
"Sir hindi naman yata tamang hindi gumagana ang baril na ibibigay mo sa akin? Hindi lang buhay ng mga empleyado at customer nito ang malalagay sa alanganin kung sakali kundi unang-una sa akin.." paliwanag ni Guard sa SO.
"Sa ngayon iyan nalang muna, bago ka palang naman eh. Tsaka wala naman masyadong babantayan dyan, mga kumakain lang naman eh. Tsaka hindi naman takaw sa holdup ang ganyan, marami naman kayong katabi dito eh." palusot ni SO.
"Ha?" tanong ni Guard. Lalo syang naguluhan sa SO nya, sigurado ba talagang nakapasa ito sa pagiging Security Officer sa ganoong mentalidad nito. Akala nya siguro madali lang ang magbantay, lalo pa't alam mong nasa alanganin pa ang buhay mo. Buti sana kung napakalaki ng sahod, ni wala ngang matinong benipisyo.
"Hindi mo naman talaga kailangan magdala ng baril na pumuputok eh, pang decoration lang yan. Para isipin ng mga magtatangkang magnakaw may baril ka." sabi uli ni SO.
Naisip ni Guard, sira ulo yata itong SO na ito eh. Anong akala nya sa magbabantay doon aattend lang ng costume party?
"Kung ganun sir maghanap nalang kayo ng iba, kahit pa sabihin nyong mga kumakain lang ang babantayan ko dito at hindi ito takaw sa nakaw. Mga buhay pa rin yan sir eh, pag nagkamali ako hindi lang sila ang mapapahamak kundi unang-una na ako. Tsaka kung ganyang mentalidad lang din naman meron ang SO sa agency nyo, siguro nagkamali nga akong magapply sa inyo." sabi ni Guard sa SO nyang parang napahiya.
"Akala ko ba kailangan mo ng trabaho?" tanong ng SO na halata sa mukha ang pagkapahiya.
"Kailangan ko nga, pero hindi ko papayagan na ang trabahong ito ang magpapahamak sa akin pati na sa mga babantayan ko. Hindi lang laru-laro ito, kung talagang nagtraining ka rin sa una palang alam mo na kung ano ang kahihinatnan pag nagkamali ka dito. Buhay ang nakasalalay dito, at mas importante yon kesa sinasabi mong trabahong binibigay nyo." sagot ni Guard na nagumpisa nang magligpit ng gamit upang umalis nalang.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ng SO.
"Saan pa, eh di aalis. Maghahanap ng agency na may matinong pananaw sa pagbabantay." agad na sagot ni Guard.
"Hindi kana pwedeng umalis pumirma kana ng designation, makakasuhan ka." pananakot ng SO.
"Eh di kasuhan nyo.. Para malaman naman ang mga violation nyo. At tuluyan na kayong mawalan ng kliyente. Sir dati akong nagtraining bilang sundalo, at hindi ako natatakot sa kasong sinasabi mo na wala naman talaga. Kaya kung mauuto mo ako, nagkakamali ka. Maghanap ka ng gwardiya na pwde mong utuing magbantay habang ang dala ay talong. Kung sakali ano ang magiging gamit sa akin ng baril na iyan kung magkataong nagkagulo? Ipamumukpok ko? Ibabato?" sarkastikong sabi ni Guard habang natatawa sa itsura ng SO.
Hindi naman nakasagot ang SO, hinayaan nalang na tuluyan nang aalis ang bagong gwardiya niya.
"Syanga pala, yong sinasabi mong dati kang sundalo bakit hindi mo matandaan ang serial number mo? Imposibleng nakakalimutan iyon ng isang sundalo, iyon ang magiging pagkakakilanlan nya. Baka naman hindi ka nga naging sundalo, pero kahit na diba sabi mo retired kana kaya wala kana dapat authority na magsuot pa ng BDA (Battle Dress Attire). Iyon ay kung alam mo kung ano ang BDA na sinasabi ko." pahabol na sabi ni Guard na limingon pa sa SO. At tuluyan nang naglakad palayo.
Naiwan naman nakanganga ang SO habang sinusundan nalang ng tingin ang papalayong si Guard.
Nakakainsulto ang ganyang kasamahan sa trabaho ano? Naturingang superior mo, pero mataba pa ang utak ng talaba kesa sa utak nya. Kakarampot na nga ang sweldo, walang maayos na benipisyo, hindi pa nirerespeto. Kaya maraming mga matitinong gwardya ang napapahamak eh. Pwera nalang sa mga hindi matitino dyan mga bago kayo!
Kaya sa iba na minamata ang mga gwardiya, magisip muna kayo. Ang mga gwardiyang iyan ang unang napapahamak at mapapahamak para lang ipagtanggol kayo. Kaya konting respeto man lang, para kahit konting karangalan magkaroon man lang ang mga gwardiya iyan.
At sa mga gwardiya namang petiks lang, ayusin nyo naman ang trabaho nyo. Dahil kung matutulog lang kayo, o magtetext-text lang o kaya makikipagdaldalan lang imbes na magbantay wag naman kayong ganyan. Nasisira nyo ang kredibilidad ng isang gwardiya eh, kaya hindi narerespe-respeto dahil sa inyo. Kawawa naman ang mga gwardiyang ginagawa ng maayos ang trabaho, nadadamay lang sa mga kabulastugan nyong mga BAGO KAYO!
Sa mga Guards na matitino, I salute you!
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Tanga
Non-FictionMga kwentong puno ng katangahan. Mga kwentong para sa mga tanga and everyone. Mga kwentong kulitan at kalokohan, walang personalan.☻