Ano bang natatandaan nyo noong maliit pa kayo kung paano kayo patahanin ng tatay nyo mula sa pag-iyak? Marahil iba-ibang paraan ang ginagawa nila lalo't iba-iba naman tayo ng mga tatay. Hehehe. Pero iisa lang ang gusto nilang mangyari, ang tumahan tayo sa pag-iyak.
Sa kaso ko kasi, iba ang ginagawa ng tatay ko. Istrikto kasi sya, parang sundalo kung magdisiplina. Mas dinadaan nya ako sa pananakot kesa sa iyong aamuhin ka. Pag inutusan ka dapat sundin mo agad dahil kung hindi malalasin ka. Pag nasa hapag dapat hindi ka maingay habang kumakain, at hindi ka nagiinarte dahil siguradong paalisin ka nya sa harap ng mesa.
Kaya dati kapag umiiyak ako dahil nadapa ako, natumba, nasugat o kahit ano pang naging dahilan na ako lang din ang may kagagawan. Ang sinasabi nya sa akin " Tumahan kana, wag ka nang umiiyak kundi papaluin kita." Syempre mas gugustuhin mo nalang tumahan kesa mapalo kapa di ba? Masakit na nga ang sugat mo, mapapalo ka pa. Kaya habang lumalaki ako iyon ang nakatatak sa isip ko, pag pinapatahan ako ni tatay inuutusan nya akong tumahan kesa sa aluin ako.
Kaya minsan naiisip ko, kung mahal nga kaya ako ng tatay ko? At sa totoo lang naiinggit ako sa ibang mga bata noon, na inaalo ng mga tatay nila upang patahanin. Yong bibilhan ng kung ano-anu o ipapasyal iyong mga ganoong ginagawa ng mga tatay nila.
Kaya habang lumalaki ako, lumalaki akong para nagiging bato. Kasi naiimmune na ako sa palo ng tatay ko, hindi na ako nakakaramdam ng sakit sa bawat oras na papaluin nya ako. Dati mas naiiyak ako sa galit sa mga kalaro ko kapag niloloko ako, pero hindi na sa pagpalo sa akin ng tatay ko.
Hanggang sa maghighschool ako.. Nakaupo lang ako sa balustre ng terrace namin noon isang gabing kausapin ako ni tatay. First year highschool palang ako noon.
"Ibrielle, siguro iniisip mo na hindi ka namin mahal ng nanay mo." sabi ni tatay.
Hindi lang ako umimik, nanatili lang ako nakatanaw sa langit at kunwari nagbibilang ng stars.
"Lahat ng ginagawa kong pangdidisiplina sayo ay para lang din naman sa kapakanan mo." maya-maya sabi ng tatay ko.
Hindi pa rin ako umimik. Masama kasi ang loob ko noon dahil hindi ako pinapunta ng tatay sa school para manood ng programa. Intramurals kasi namin noon, at may usapan kami ng mga kaklase kong magkita-kita doon. Pero iyon nga napurnada.
"Ayaw lang kitang mapahamak." sabi ng tatay ko.
Kahit anong isip ko noon hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nyang iyon. Basta ang alam ko lang masama ang loob ko.
Hanggang sa dumating ang puntong nagrerebelde na ako, tumatakas ako sa amin para lang pumunta sa mga kaibigan ko. Habang lumalaki ako, lalo namang lumalala ang pagrerebelde ko. Nasasangkot ako sa iba't-ibang gulo, basagan ng mukha mga ganun. Pero ni minsan naman hindi ako gumamit ng mga bawal na gamot, hanggang yosi at inom lang ako.
Habang lumalaki naman ako naglelevel up ang pangdidisiplina ng tatay ko sa akin, mula sa stick na pamalo dati nagiging kamao na ito. At sa bawat oras na nalalaman nyang nasasangkot ako sa gulo, lagi kaming nagkakaroon ng fighting scene sa bahay paguwi ko galing sa mga kaibigan ko.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin sayo!" sigaw ng tatay ko sa akin noon, nagsawa na sya sa kakabato ng suntok sa akin dahil iniilagan at sinasalag ko lang ang mga iyon.
"Gusto ko lang naman matrato ng patas, hindi iyong parang lagi nalang akong nakakulong tapos ikaw ang warden ko. Hindi na ako bata na tulad noon, bigyan mo naman ako ng kalayaan para naman maranasan ko ang nararanasan ng ibang kaedad ko." sagot ko sa tatay ko, natuto na akong sumagot sa kanya sa paglipas ng panahon.
3rd year high school na ako noon, malapit na ang bakasyon.
"Gusto mo bang matulad sa iba na napapariwara?!" bulyaw sa akin ng tatay ko.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Tanga
Non-FictionMga kwentong puno ng katangahan. Mga kwentong para sa mga tanga and everyone. Mga kwentong kulitan at kalokohan, walang personalan.☻