Kwentong barbero yun ang mga kwentong naririnig sa loob ng barberya. Dahil sa totoong lang ang barbero ang pinakamagaling magkwento sa lahat. Pili ka lang ng gusto mong genre: true stories, inspirational, action, comedy, drama, adventure o scifi, horror at ang pinakabinabalik-balikan ng marami iyong tinatawag na for adults only. Hehehe.
Dati kasi lagi akong sinasama ng Tatay ko sa barberya noong maliit pa ako. Tapos ako ang laging pinapaunang pagupitan ng Tatay ko, kaya ang laging genre sa akin ng barbero ay iyong inspirational na may konting drama. Kasi habang ginugupitan ako umiiyak ako, ang barbero naman todo pagbibigay ng motivation sa akin na para wag akong malikot habang ginugupitan nya. Paano naman kasi iyong laging gupit ko dati ay iyong legendary na gupit na pangbata, iyong parang pang Marines. Ngayon in na in na yan, pero noon sa akin kalbaryo ang dala ng hairstyle na yan. Stay at home ang tawag ng barberong gumupit sa akin noon sa hairstyle na yan eh.
Stay at home kasi hindi ka makalabas ng bahay, kaya hindi ka makapaglaro sa mga kabigan mo. Kasi pag nakita nilang bagong gupit ka pagtatawanan ka nila, maghihintay kana muna ng ilang araw o linggo bago ka makagala at makapaglaro.
Kaya nga nagtataka ako dati eh, kung bakit kaya hindi maubos-ubosan ng topic ang mga barbero. Kahit anong itanong mo sa kanila, may maisasagot sila sayo. Lalong na pag current events ang topic, hindi mo na kailangan pang magbasa ng diaryo. Pagsalang mo palang sa upoan nila matapos magtanong sayo kung anong gusto mong hairstyle, simula na agad ang pagkukwento. Minsan nga hindi mo nalang namamalayan tapos na pala sila maggupit sayo, pero nasa kalagitnaan palang ang kwento kaya mabibitin ka at hindi mo na matatapos. Kaya tuloy wala ka nang ibang magawa kundi tumayo na kasi marami pang susunod sayo.
Kaya kong gusto mong malaman kung anong nangyayari sa lugar nyo, magpunta ka sa barbero. Wala ka talagang makakaligtaan kahit munting detalye, minsan bibigyan ka pa nila ng blind item. Upang mas lalo kapang magkaroon ng interes sa kwento. Sila kasi yong mga taong usyusero at tsimoso, ibig sabihin mausisa at makwento o mabalita. Ngayon kasi iniiba na ang pakakaintindi ng mga salitang iyan eh, nabahiran na ng negatibong kahulugan. Paraan pala nila kasi yan para makakuha ng mga kliyente, kumbaga parang sales talk nila yan. Kaya kahit hindi masyadong magaling ang barbero basta magaling magkwento papatok sa masa yan.
Halimbawa nalang ngayong panahong ito, nauso na ang mga salon-salon na yan. Kabi-kabilaan na ang mga nagtatayo ng mga salon. Tapos sino ang mas patok sa kliyente, di ba iyong mga beki? Para na silang mga modernong mga barbero, kasi ang mga tradisyonal na barbero exclusive lang talaga ang ginugupitan ay mga lalaki. Samantalang ngayon pati mga babae ginugupitan na nila, saka hindi na barbero ang tawag sa kanila kundi Hairstylist na. Ngayon kumpleto na rin ang serbisyo mula ulo hanggang paa. Dati hanggang buhok lang sila, ngayon buong katawan na. Dati ang tanging buhok na ginugupitan nila ang iyong nasa ulo lang, ngayon kahit alin mang parte ng katawan na may tumutubong buhok ginugupitan na nila. Ang dating tinatawag na barberya ngayon salon na.
Pero ang pinakatumatak lang talaga sa isip ng lahat tungkol sa kwentong barbero ay iyong mga nakakatawa, kahit fiction lang o true to life stories basta nakakatawa patok talaga. Bukod nalang sa topic na for adults only, iyan sensational talaga iyan. Ibang tawa ang maririnig mo pag iyan ang pinaguusapan. Madali mo lang malalaman pag iyan ang topic nila eh, kasi pag pasok mo o kaya may pumasok na ibang kliyente sa barberya. Saglit muna silang natatahimik, parang MTRCB na pag nakita nilang above 18 years old kana. Saka palang nila ipagpapatuloy ang kwentohan.
Pero ang mas naaalala nalang ngayon pag sinabing kwentong barbero ay iyong mga hindi totoong nangyari o fiction lang. Iyong kwentong mga walang tunay na basihan at iyong mga kathang isip nalang. Kaya nga pag sinabing ngayong kwentong barbero lang iyan, ibig sabihin hindi totoo yan. Mga kwentong gawa nalang ng mga malilikot na isipan ng tao, pero pag napakinggan mo aakalain mo talagang totoo.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Tanga
Non-FictionMga kwentong puno ng katangahan. Mga kwentong para sa mga tanga and everyone. Mga kwentong kulitan at kalokohan, walang personalan.☻