Anong dala mo?

63 1 0
                                    

Isang araw galing ako sa tindahan, bumili ako ng Alak. Wala lang ipapainom ko lang sa aso, joke lang. May bisita kasi ako eh, kaibigan kong galing pa sa malayo. Nakangiti ako habang naglalakad pauwi syempre masaya ako, matagal din kaming hindi nagkita ng kaibigan kong iyon eh.

"Uy briel ano yang dala mo?" tanong ng kakilala kong nakasalubong ko.

Ganun talaga tayo ka lousy mag-isip ng paunang usapan na mga tao noh? Nakita nang alak ang dala tatanungin kapa kung ano ang dala mo.

"Ah toyo, magluluto ako ng pansit eh." sagot ko, na mukhang seryoso din habang napahinto bahagya.

"Toyo, alak yan eh!" agad na sabi ng nakasalubong ko.

"Oo nga alak  kala ko kasi maloloko kita eh." nakangiti kong sabi.

"Magiinoman kayo?" tanong nito.

"Ah hindi, ipapanghilot ko masakit kasi ang katawan ko eh." sagot ko naman na parang kaswal na kaswal lang.

Take note ha, sinabi ko talaga sa kanya yon. Wala lang, sinumpong ako ng kabaliwan ng mga oras na iyon eh.

"Sira ulo ka talaga briel, alak ipapanghilot mo?" sabi nito sa akin na naiiling pa at bahagyang natawa.

"Oo bakit, hindi mo ba alam na mas epektibo ito para sa sakit ng katawan? Alcohol ito eh.." seryoso ko na uling sabi.

May ilang sandali pa sya tumingin sa akin, pero pinanindigan ko talagang hindi ako tatawa. At nagawa ko naman.

"Wee, hindi nga?" tanong nito sa akin. Na parang maniniwala naman ang loko.

Ngayon sino sa amin ang sira ulong sinasabi nya? Pero naisip ko naman na baka nagpapaaya lang ito, kaya inimbeta ko na rin na sumali sa amin.

"Tayo lang ba ang magiinom?" maya-maya tanong nito na sumunod na rin sa akin pauwi.

"Hindi, 3 tayo. May bisita kasi ako eh, yong kaibigan kong galing sa malayo." sagot ko na nakangiti.

"Doon tayo sa inyo?" tanong nito maya-maya.

Imbes na mainis ako sa mga tanong nito, pinatulan ko nalang ng kabaliwan.

"Hindi doon tayo magiinom sa bahay ng kaibigan kong taga malayo. Pumunta lang sya dito sa akin para bumili ng Alak, tapos sabay na tayong uuwi doon kasama nya." sagot ko habang tuloy-tuloy pa rin akong naglalakad.

"Sira ulo!" nakatawang sabi nito sa akin.

"Oo, tapos ikaw yong pinakauna kong disipolo.." sagot ko naman, na pumasok na sa bahay.

Naiiling naman syang sumunod sa akin sa loob.

Mga Kwentong TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon