"Nay matamis ba tong mangga na tinda mo?" tanong ko sa matandang tindera.
Kasama ko noong araw na iyon ang pamangkin ko sa palengke, at nakakita kami ng tindang mangga.
"Aba Oo matamis yan" agad nitong sagot.
Aba syempre sasabihin talaga ng tindera na matamis ang mga iyon kahit pa maging maalat ang lasa nun. Syempre paninda mo sasabihin mo ang kasiraan, eh hindi iyon nabenta.
Pero syempre humirit ako ng libreng tikim, para makasiguro. Hehehe.
"Nay, pwedeng magtry ng isa para matikman?" tanong ko sa tindera.
"Oh sige, ito.." abot sa akin ng tindera ng mangga na sya naman ang pumili.
"Ako nalang pipili nay, pano ko naman malalaman kung matamis iyan o hindi eh ikaw pa rin naman ang pumili. Paano kung iyang binibigay mo sa akin maasim pala?" sabi ko sa tindera.
"Naku, malulugi ako.." agad nitong sabi,na medyo sumimangot pa.
Sarap saguting nagtinda ka pa, sana natulog ka nalang!
Kaya hindi na ako nagkainteres bumili ng mangga. Dumiretso na kami sa loob sa wet market.
May nakikita akong mga sariwang isda doon, sigurado naman akong sariwa iyon. Kahit pa anong ilaw ang ilagay nila doon kung sariwa o hindi iyon malalaman ko rin iyon. Ganyan ako kagaling tumingin ng isda, kahit hindi ko pa hawakan yan. Sorry kung hindi ko nalang sasabihin kung paano ha, secret ko na yon. Hehehe.
"Manang magkano ang isang kilo nito." agad kung sabi sabay turo sa isdang nagustuhan ko.
"Ah 80 kalahati.." agad nitong sabi.
"Ha? 80 kalahati?" ulit kong tanong sa tindera.
"Oo, 80 kalahati." sagot uli nito.
Napatingin ako sa pamangkin ko, bakit ganun pag bumili ka dito ng isda kailangan mo pang pahirapan ang utak mo isipin kong magkano ang isang kilo. Hindi nalang sabihing 160 isang kilo para di na magisip ang bumibili. Paano pala pag naisip kong bumili ng 5 kilo, eh goodluck nalang sa utak ko? Sa lahat pa naman ng ayaw ko ang magkwenta ng numero. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Tanga
Non-FictionMga kwentong puno ng katangahan. Mga kwentong para sa mga tanga and everyone. Mga kwentong kulitan at kalokohan, walang personalan.☻