Ang pag ako

1.2K 65 0
                                    

"Althea POV"

Apat na araw na kaming di nag kikita ni Jesel.

Miss na miss ko na ang GF ko. Bakit ba kasi sobrang galit sa akin ni Gabo.

Wala naman akong naalala na ginawa ko sa kanya o baka sadyang may galit lang siya sa mga katulad ko.

"Labs i miss you. " text ko kay Labs.

Per kahit reply wala ito sa apat na araw na di kami nag kita.  Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila kaso ayaw ko namang mag kagulo.

Buti nalang wala si Aling Martha sa bahay nila that time Hayyssss nakakakiya sana. Ang bait pa naman nito sa akin at tanggap niya ako para sa anak.

Wag lang talagang makita ng sarili kong mata na sinasaktan niya si Jesel. Makikita ni Gabo ang hinahanap niya tsk.

Naalala ko tuloy kong paano naging kami ni Jesel. Actually bestfriend ko siya di ko naman namalayan na nahulog nalang ako sa kanya.

"Flashback"

Nasa school kami habang ako naka dapa sa damuhan habang nagbabasa.

Habang siya naka upo sa tabi ko at walang humpay ang kakasalita.

Yon ang pinagkaiba namin siya madaldal ako naman tahimik.

"Haysss... Ikaw na talaga best.  Matalino good looking magaling sa lahat ng bagay. Good catch ka talaga. " parang nag d-day dream na sabi nito.



"Gusto mo.... sayo nalang yong Good catch?" tanong ko sa kanya na hindi tumitingin sa kanya.

Halatang gulat ito sa sinabi ko. Napahampas pa ito sa braso. 

"Seryuso Althea? " di makapaniwalang tanong nito sa akin.

"Mmmm. " sagot ko na hindi parin tumitingin sa kanya.

"Aahhhhhhh.... Wala ng bawian yan ahhh." hiniga nito ang ulo sa likuran ko.

"Simula sa araw na to akin ka na Althea Guevarra." kinikilig pang sabi nito.

Napangiti nalang ako dahil sa pagiging isip bata nito.

"End of flashback"

Wala mang ligawan naganap alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya. 

Kasi diba hindi naman panliligaw ang basehan kundi kong gaano tatagal ang isang relasyon.

Pauwi ako ngayon sa  bahay galing sa pinag oojtihan kong hospital.

Napilitan akong mag resign at mag tinda nalng sa bangketa kapag walang ojt no choice ako kaysa di ako makapag aral at wala kaming makain ni choco.

Buti nalang scholar at may natatanggap pa akong allowance. Kahit papano may magagastos ako hanggang matapos ang ojt ko.

Wala narin kaming problema sa bahay kasi may napundar naman na bahay sa amin si papa na namana pa niya. Kaya kahit papano gamot ni choco at pagkain nalang ang problema namin.

Pag pasok ko palang sa gate agad kong tinawag si choco.



"Choco andito na si Ate asan ka? May pasalubong akong chocolate. Tawag ko sa 13 years old kong kapatid pero hindi ito sumagot.

"Choco! " tawag ko ulit bago nag hilamos sa gripo.



Hindi ko alam pero bigla akong sinalakay ng kaba kaya mabilis kong tinapos ang paglilinis ko ng mukha.



"Choco!" tawag ko sa kanya pagpasok ko sa bahay pero wala paring sumasagot.


"Ano ba Choco asan ka na ba?" nag aalalang tawag ko sa kanya.

THE INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon