''Althea POV"
Loud noises
.
.
Wild crowd
.
.
Yan ang buhay ko ngayon trabaho sa gabi uuwi umaga na.
Pag dating sa bahay ipagluluto ko si Choco na grade 12 student na.
Nag simula na akong mag mix ng drinks and sa bawat galaw ko kalkulado at parang takot magkamali. Sa bawat pag bato pag halo ng inumin sa lasa ay talagang sinisigurado kong maayos.
Ayaw kong mapahiya kay Batchi sa pag bigay niya ng pangalawang pagkakataon sa akin.
One week since nag start akong mag work dito sa isa sa mga bar ni batchi.
So far naging maayos naman. Mas naging madali sa akin kasi ang ang daling pakisamahan ng mga katrabaho ko.
Buti nalang at may background ako sa pag babartending kaya di na ako nahirapan pa. Isa kasi sa naging partime ko ang pag babartending dati.
Sa ngayon mahigit dalawang linggo na din simula nakalaya ako.
Sa loob ng dalawang linggong yon nalaman kong naka kulong daw si Kuya Gabo at ang nanay nila patay na dahil sa atake sa puso.
Naging malapit sa akin ang ina nila kaya nakakalungkot ang nangyari.
Ang dami palang nag bago simula ng makulong ako. Akala ko antayin niya ako balak ko pa siyang pakasalan pag lalabas ko pero tang@na plano lang pala ang lahat at walang patutunguhan.
Pangarap na binuo ko kasama siya pero sa pangarap niya di pala ako kasama.
Kulang nalang hilain ko ang araw sa kulungan para makalaya na.
Pero nasayang lang pala lahat ng sakripisyo ko.
Yong pangarap ko na gumuho nalang sa wala. Na wala ng ulap dahil s apat ako ko sa kasalanan niya. Na labis kong pinag sisihin na ngayon.
Nagpalak pakan ang mga manood sa akin pagkatapos kong mag pakitang gilas.
Pero isang babae ang nasa gilid ng bar counter ang hindi man lang lumingon or nanood sa akin na naka araw ng atensyon ko.
Para bang wala itong pakialam sa paligid ang gusto lang niya ay uminom.
Maamong mukha nito at halatang walang make up na suot pero yong ganda niya kakaiba sa lahat ng nandito.
Para bang wala itong pakialam sa paligid ang gusto lang niya ay uminom.
Napatitig ako sa labi nito gumalaw yon at para akong nabingi na hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Napatulala ako sa harapan nito.
"Ang ganda niya. " sabi ko s isipan ko.
"Hey I said... Another glass....please," sabi nito na may inis sa tuno ng boses niya.
Para akong nagising sa pagkakatulog dahil sa boses nito. Hindi ko alam ang nangyari iwan bakit ganito ang pakiramdam ko.
Natataranta akong kumilos mabilis ako ulit nag mix ng drink para sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE INNOCENT
FanfictionMababawasan ba ng sakit ang paghihiganti Base ito sa korean drama na Innocent man. Sana magustuhan nito thank you