Chapter One

2.3K 64 0
                                    


Plagiarism is the "wrongful appropriation" and "stealing and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions" and the representation of them as one's own original work. Plagiarism is considered academic dishonesty and a breach of journalistic ethics.

Plagiarism is a CRIME!!

Just don't copy my work..

!!DISCLAIMER!!
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental..

Completed!
August 23, 2019 - November 17, 2019
---

Chapter One: First Day

*BEEP! BEEP!

Agad kong naiangat ang ulo ko na galing sa pagkakahiga nang mag ring ng malakas ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bedside table at in-off.

Bumangon ako at dumeretso sa banyo para maligo. Mabilis lang ako maligo kaya maya-maya lang ay nakalabas na ako ng banyo. Sinuot ko ang bago kong uniform at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin na kita ang buong katawan.

Naninibago ako sa bago kong suot na uniform. Medyo Gray na blouse, Dark red na palda na ang haba ay hanggang taas lang ng tuhod, at white long socks, at may dark red din na malaking ribbon.

Kinuha ko ang scarf kong kulay puti mula sa cabinet sa isinabit sa leeg ko. This scarf is very special to me. It was given by my grandmother who passed away 2 years ago.

Hinawakan ko ang scarf at pumikit.

'Sana maganda ang first day ko.'

Bumaba ako sa kusina at kumuha ng cereal at ng gatas at mabilis ko iyon kinain.

Wala dito si Mom and Dad. Nagtrabaho sila out of the country. And, only child lang ako kaya wala talaga akong kasama sa bahay. Wala din kaming maids dahil kaya ko naman ang sarili ko.

Lumabas na ako ng bahay at nag abang ng bus. Medyo may kalayuan yun kaya kailangan kong mag take ng bus.

--

Umupo ako ng ayos sa bus at nilagay ang bag ko sa gilid ko na bakanteng upuan. May lumapit sa akin na konduktor.

"Saan po kayo, Ma'am?" Tanong nya sakin. Nilabas ko ang wallet mula sa backpack ko. "Magkano po ba papunta sa Zaireen National High School?" Tanong ko sa konduktor habang kunukuha ng pera sa wallet ko. Nang hindi sya sumagot ay nag angat ako ng tingin sa kanya. Nangunot ang noo ko ng makitang may pagtataka ang tingin nya.

'Wag mo sabihing 'di nya alam kung saan yun.. tsk, nag konduktor pa..'

"Saan nga po ulit yun Ma'am? May paaralan ho bang ganon?" Tanong nya at lalong nangunot ang noo ko. Bumuntong hininga ako at pinakalma ang sarili.

'Relax Kyline.. First day mo ngayon..' Pagkumbinsi ko sa sarili.

Since hindi alam ng konduktor ang lugar na 'yon, inisip ko nalang ang mga lugar kung saan 'yon malapit.... Ah! yung playground..

"Kuya dun nalang po sa malaking playground.." Sabi ko dun kay kuyang konduktor at tumango naman sya. Inabot ko ang pambayad at binigyan nya naman ako ng ticket. Inihilig ko ang ulo ko sa sandalan at panandaliang pumikit. Dumilat ako at saka kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko at idinial ang number ni Luna.

"Hello?" Bati nya sa kabilang linya.

"Hey.. san ka na?" Tanong ko sa kaniya.

Transferee Where stories live. Discover now