Chapter Nine

563 31 0
                                    


Chapter Nine

"But.. Sir that's unfair!" Sigaw ni Luna.

Kinabahan ako ng matindi para sa kanya! Akala ko ba Pop quiz lang 'to?! Mukha pa bang quiz 'to!?

"Everything's unfair, Luna.." Nakangising sabi pa ni Sir Weirdo. "Debate on who's better? The sun? Or the moon? Let's start with.. The moon." Dagdag pa nya at nilingon si Luna.

Kitang kita ang paglunok ni Luna. Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.

"T-The moon.. is b-better because.." Aniya at humugot ng hininga. "The moon is better.. because it pulls the water from the ocean which causes tides and stirs up the ocean.." Gumagaralgal na ang tinig nya.

"This is impossible.. Obviously sun ang better!" Mariing bulong ni Keith sa tabi ko.

Napailing ako.. "Paano sya.. mananalo nyan..?" Nawawalang pag asang tugon ko.

'Pero hindi dapat ako mawalan ng pag asa! Kaya 'yan Luna! I trust you..'

"The Sun.." Si Sir at itinuro pa si Zarina.

"Nothing is more important to us on Earth than Sun. Without the sun's heat and light, Earth would be a lifeless ball of ice-coated rock." Dire-Diretsong saad ni Zarina. Lumingon sya kay Luna at hindi maipaliwanag ang pag aalala sa mukha nya.

'What's wrong?!'

"T-The moon.. is--" Hindi na natuloy ni Luna ang sasabihin nya ng bigla ay hilahin sya ni Zarina at sabay naman kaming napatayo ni Keith!

"Follow me!" Sigaw ni Zarina. Napatingin naman kami ni Keith sa isa't isa at kita ang pagtataka sa mukha namin.

Agad akong tumakbo papunta sa kanila at hinila si Luna!

"What do you think you're doing, Zarina! Bitawan mo sya!" Sigaw ko at patuloy na hinihila si Luna.

"ANONG NANGYAYARE DITO?!"

Natigilan kaming apat ng marinig ang malakas na sigaw ni.. Sir Terror!

"Hindi pa tapos ang quiz, hindi ba?!" Galit na sigaw nya.

Ngunit paglingon ko sa gawi ni Luna ay patakbo na si Zarina at hila hila sya. Bago pa ako makapag react ay nahila na din ako ni Keith patungo sa gawi nina Zarina.

"Layzelle! Pigilan mo sila!" Sigaw ni Sir Theo!

Hinarangan ni Layzelle ang pinto dahilan para hindi kami makalabas!

"Open the door, Layzelle.." Mahinahong tugon ni Zarina.

Nakangiti pa din ng sagad si Layzelle at bahagya pang tumagilid ang ulo.

"Open the door!" Medyo galit na sigaw ni Zarina sa kanya.

Nataranta ako ng marinig ang mabibilis na yabag mula sa likuran namin papalapit ng papalapit at nasisiguro kong si Sir Theo yun!

"OPEN THE DOOR, LAYZELLE!!" Sigaw na talaga ni Zarina at dali dali namang binuksan ni Layzelle ang pintuan kaya nagtaka ako.

Hindi na kami nag aksaya ng oras at tumakbo agad pababa.

Nang marating namin ang 4th floor, biglang nagsalita si Zarina.

"Dito!" Sigaw nya at ginabayan kami papunta sa isang.. Janitor's.. room..?

Pumasok kaming apat doon at medyo may kasikipan ito kaya naman nagsiksikan kaming tatlo. Tinakpan ko ang bibig ko dahil masyadong malakas ang paghinga ko.

Transferee Where stories live. Discover now