Epilogue

601 34 6
                                    

|Transferee|
Written by: Jyllaaan

Epilogue

Keisha's PoV

»»——>Buwan ng Agosto<——««

Ako si Keisha Crystal. Bagong lipat ako sa paaralan na 'Zaireen National High school'.

Hindi naman masyadong masama ang lugar na 'to, but i have this weird feeling. Also, ang mga inaasta ng mga kaklase ko ay wirdo din.

Nakatambay ako ngayon sa playground. Malapit lang naman ito sa school namin.

Nakaupo ako sa swing nang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Nathalie.

"Uy, alam mo na ba yung tungkol sa program bukas..?" Tanong niya at umupo sa swing na katabi ng swing na inuupuan ko. Uwian na namin kanina pa at natripan ko lang na tumambay dito. Mag fa-five na ng hapon at ramdam ko na din ang lamig ng paligid.

"Huh? Tungkol saan?" Tanong ko sa kaniya. Anong program? Bakit hindi ako updated?

"'Di mo ba napansin? Hindi ba't nilalagyan nila ng dekorasyon yung room natin?" Tanong niya pabalik. Oo nga ano?

Mabuti nalang talaga at kaklase ko itong nakababata kong kaibigan na si Nathalie. Parehas kaming nasa section 1 ng grade 10.

"Oh..? Oo nga 'no? Akala ko trip lang nila 'yun." Sabi ko. "Ano daw susuotin?" Tanong ko pa.

"P.E." Sagot niya at tumango naman ako. Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan namin at tahimik naming sinalubong ang preskong hangin na dumadampi sa balat namin.

"Oo nga pala, bakit may program?" Tanong ko.

"Anniversary daw ng school nila eh.. Ewan ko, 'di ko sure ha. Tanong mo nalang si Luna bukas." Sabi niya at tumango naman ako.

Si Luna ay kaklase namin at siya ang pinaka matalino sa room. Also, siya din ang class president namin. I admire her a lot.

Papalubog na ang araw kaya naman nagpaalam na ako kay Nathalie. Tinanong ko siya kung mag s-stay pa ba siya at sabi niya naman ay oo, sandali nalang daw.

Nauna na ako maglakad papunta sa sakayan ng bus.

---
»»————>August 15<————««

Pagpasok ko pa lang ng tanghali, nagmamadali na ako dahil nakatulog ako. Baka masaraduhan pa ako ng gate. May program pa naman ngayon.

Dahil sa pagmamadali, may nakabangga akong estudyante. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ang isang lalaki na kulay puti ang buhok. Ang mata nito ay itim.

"S-Sorry! Sorry! Nagmamadali kasi ako.." Sabi ko sa kaniya at yumuko pa.

Ngumiti naman ito at tumango. Dinampot niya ang mga librong nahulog na dala niya dahil sa pagkakabangga ko. Hindi ko man lang napansin na may dala pala siyamg libro. Nakakahiya.

Nakita ko ang pangalan niya na nakadikit sa cover ng libro.

'Keith Andrei Panganiban'

"K-Keith diba? Sorry talaga.." Sabi ko. Nilingon niya naman ako.

"Okay lang talaga.." Sabi niya na parang natatawa pa dahil todo sorry ako sa kaniya. Tumango ako at nauna na sa pagtakbo.

Thank God at hindi ako nasaraduhan ng gate.

Nakita ko ang mga estudyante na nakapila at papunta na sa auditorium. Doon ata gaganapin ang program.

Tumingin ako sa relo ko, 12:44 pm na. Tanghali lang kasi ang class ko ngayon.

Nilagay ko muna ang bag ko sa locker at dumiretso na din sa auditorium. Pagdating sa auditorium, mga nagbubulungan na ang mga estudyante doon. Hinanap agad ng mata ko si Nathalie, since siya lang naman ang ka close ko dito.

Habang naglalakad, nakasalubong ko si Luna na nagbabasa ng libro.

"Nakita mo ba kung saan nagpunta si Nathalie?" Tanong ko kay Luna. Nag angat siya sa akin ng tingin at bahagya pang nag isip.

"Uh, doon ata.." Sabi niya at may tinuro sa dulong part ng Auditorium.

Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Sinundan ko kung saan siya nagturo at nandoon nga si Nathalie. Kinawayan ko siya at kinawayan niya naman ako pabalik. Umupo ako sa tabi niya.

Pagtingin ko sa orasan ko, 12:57 pm na.

"Anong oras mag uumpisa ang program?" Tanong ko kay Nathalie.

Nagkibit balikat siya habang ang paningin ay nasa stage pa din.

Nilingon ko ang babae na nasa kaliwa ko. Nagulat ako nang makita ko ang malaking kalmot sa kaliwa niyang mata. Mayroon din siyang suot na puting scarf. Ang kulay ng balat niya ay morena at ang buhok niya ay hanggang balikat lang.

Nilingon niya ako ng may nagtatakang mukha. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kaniya.

Geez.

"Uh, A-Anong oras po ang start ng program..?" Tanong ko.

"1:00 pm" Aniya.

Oh, so mag s-start na pala.

Tinanguan ko siya at nagpasalamat.

"Ako nga pala si Kyline, transferee ka?" Tanong niya. Tumango naman ako at ngumiti.

"Ako si Keisha." Sabi ko at nag shake hands kami.

Na bother ako sa mata niya. Parang sinisigaw nito ang awa para sa akin. Sinisigaw nito ang kalungkutan habang ang bibig niya naman ay matamis na nakangiti.

'The eyes never lie.'

Bigla ay may kumalabit sa likod ni Kyline at si Luna iyon. Nilingon siya ni Kyline. Kasama ni Luna ang lalaking nabangga ko kanina na nag ngangalang Keith at si Zarina, ang anak ng principal.

Pinagmamasdan ko silang mag usap usap dahil parang ang dami na nilang memories magkakaibigan. Sana all.

Nagulat ako nang biglang tumahimik ang buong Auditorium at naka stay still lang sila na para bang hindi na nahinga. Sobrang tahimik na maski pag bagsak ng isang ballpen ay maririnig sa buong Auditorium.

Mas nagulat pa ako nang tumayo silang lahat. Nagkatinginan kami ni Nathalie, at dahil hindi namin alam kung ano ang nangyayari, ay tumayo na din kami.

Pagharap ko, namutla ang buo kong mukha nang makitang lahat sila ay nakatingin sa amin ni Nathalie,

Habang nakangiti..

..ng sobra sobra.

»»——⍟——««
END
»»——⍟——««

---
Jyllaaan: Thank you sa pagbabasa y'all! Mwah! Love lots! Don't forget to leave a vote or a comment! I'll read them from bottom to top and top to bottom! WAHAHA! Thank you!

Transferee Where stories live. Discover now