Chapter Thirteen

489 20 0
                                    


Chapter Thirteen

Kyline's PoV

|Auditorium|

"Psst.."

Nagising ang diwa ko nang marinig ko 'yun. Luminga linga ako at nakita ko si.. si Luna! Nakaharap sya sa stage.

Tinry ko syang tawagin ngunit nakagapos ang dalawang kamay ko at may telang nakatali sa bibig ko kaya hindi ako makapagsalita.

Nilingon ko ang katabi ko na si Zarina at nakapikit pa din sya at walang kamalay malay.

Pagbalik ko ng tingin kay Luna ay nakaharap pa din sya sa stage na parang may tinatawag. Pag lingon ko sa stage, ay wala namang tao dun.

'Nag iimagine na din ba sya?'

Nanlaki ang mata ko sa isipin na 'yun. 'Wag naman sana!

Maya maya lang ay patakbong lumabas si Luna at mabilis na sinara ang sliding door ng auditorium. Lalo akong nagtaka.

Wala namang katao tao dito.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang maalala kung bakit kami nandito ngayon at nakagapos!

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng auditorium. Wala. Wala yung babaeng wirdo na umiiyak.

Tinabig tabig ko sa Zarina para magising sya at nakita ko namang dahan dahan nyang idinilat ang mga mata nya. Nanlaki pa ito at nagpupumiglas at gumawa ng kahit na anong ingay.

Umiling iling ako para tumigil sya sa ginagawa nya. Rinig na rinig ko ang malakas nyang paghinga at nanlalaki pa din ang mata nyang tumingin sa'kin.

Hirap na hirap man, ginawa ko ang lahat para maabot ang ballpen na nasa bulsa ko.

Nang mailabas ko ito, pinakita ko ito kay Zarina at tumango naman sya ng maraming beses.

Tinry kong lagariin ang tali na nakapalupot sa kamay ko gamit ang ballpen at ngiting tagumpay naman nang lumuluwag na ito!

Nangmatanggal ko ang tali sa kamay ko ay tinanggal ko din ang tela sa bibig ko at tinanggal na din ang tali sa kamay ni Zarina.

Nilibot ko pa din ang paningin ko sa kabuuan ng auditorium bago mag dahan dahan papunta sa sliding door.

Gusto kong magtatalon sa tuwa ng makalabas na kami!

Kada hakbang namin ay nililingon ko si Zarina at nagtataka naman sya kung bakit tingin ako ng tingin sa kanya. Baka kasi hindi na naman sya ang kasama ko!

Napatigil si Zarina sa paglalakad at nilingon ko naman siya.

Nanginginig ang kamay niya nang ituro ang isang babaeng nakaabang sa labas ng girl's comfort room.

Lumingon ako sa laboratory at natigilan lalo nang makita ang agos ng dugo mula sa loob.

N-No.. L-Luna.. Miss Lucy!

Andoon sa loob si Miss Lucy at si Luna!

Mabilis na lumingon sa amin ang babae at nakita kong may dugo sa bibig niya. Nakangiti din siya ng sobra sobra katulad ng iba.

Mabilis na nag init ang gilid ng mata ko at ang pagsunod ng luha ko at mabilis ko ding kinuha ang isang ply wood na nakita ko sa tabi lang ng laboratory. Sumugo siya sa akin at sumugod din ako sa kaniya.

Bago pa siya makalapit ay mabilis kong hinampas sa kaniya ang plywood na hawak hawak ko. Bumagsak siya sa sahig at muli ding bumangon pero hinampas ko uli ito ng paulit ulit. Bahagya akong natalsikan ng dugo niya pero wala na akong pakialam doon.

Transferee Where stories live. Discover now