Chapter Three

900 41 0
                                    


Chapter Three

Maya-maya lang, pagkatapos ng subject na yun ay uwian na. Kasalukuyan na akong nakatayo sa gate ng school at hinihintay si Luna.

Habang naghihintay ako sa gate, ay may babaeng nakangiti ang lumapit sa akin, sagad na ngiti.

Habang papalapit sya ng papalapit, ay nawirduhan na ako sa itsura nya. Pinilit kong ngumiti para hindi mahalata ang pagkawirdo ko sa kanya, at nang makalapit sya..

Ay.. si Cindy lang pala.

"Heeey.. Kyline!" Bati nya.

"Hey.." Bati ko pabalik. Parang gusto kong matawa sa sarili ko dahil sa mga naiisip ko kanina..

Huminto sya sa harap ko at inilagay ang backpack sa harapan nya at binuksan ang bulsa nyon na para bang mag kinakalkal. Nang parang makuha nya na ang hinahanap nya sa bulsa ng backaback nya, ay dahan dahan nya itong inilabas at bago ko pa man makita kung ano 'yon..

..ay may naramdaman na akong humawak sa wrist ko na animong pinipigilan ako.

Napalingon ako sa likod ko para makita kung sino ang pumipigil sa'kin against sa ewan, at ganun nalang ang gulat ko ng makitang sya yung transferee na kaklase kong lalaki!

Agad kong hinila ang wrist ko mula sa pagkakahawak nya at bakas naman ang gulat sa mukha nya.

"A-Ano ba! Anong bang problema mo!" Sabi ko at umastang diring diri na tumingin sa kanya.

"E-Eh.." Nakamaang syang tumingin sa'kin na para bang walang mahanap na salita o dahilan. Tumingin sya kay Cindy kaya naman napatingin din ako kay Cindy, na nakaabot lang sa'kin ang ballpen ko na hiniram nya sa'kin kanina.

Pagbaling ko kay Keith, bakas ang pagkapahiya sa mukha nya pero makikita pa din ang pag aalab ng mata nya habang nakatingin kay Cindy sa hindi malamang dahilan.

"Pwede ba?!" Gigil na sigaw ko. "Can you please STOP being weird!?"

Kumunot ang noo nya at nag iwas ng tingin. Nagpalatik sya ng dila at titig panandalian sa kung saan, saka ako tinalikuran.

Bumaling ako kay Cindy at kitang kita ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Whew!" Sipol nya at inabot na sa'kin ang ballpen ko na hiniram nya kanina. "Anyway, Thanks!" Sinserong usal nya.

"Welcome.." Asik ko.

Maya-maya lang ay dumating ma si Luna at sabay na namin tinahak ang daan pauwi.

--
=Buwan ng Agosto=
--

Kasalukuyan akong
nakapangalumbaba habang pinapanood ang mga kaklase kong nagdedesign ng room.

"Yow Sean.." Tawag pansin ko sa lalaki kong kaklase. Two months ko na silang kaklase kaya naman kabisado ko na ang kanilang pangalan. And.. i guess most of them ay kaibigan ko na.

"Ye?" Sagot ni Sean sa'kin habang ang paningin ay nasa banderitas pa din na kasalukuyan nyang sinasabit.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Oh? May gaganapin na program sa August 15.." Sagot nya ng hindi pa din ako tinatapunan ng tingin.

"Anong program?"

Saka lang sya humarap sa'kin at pinamewangan ako.

"Hahaha! Aishh.. Wag madaming tanong.. Surprise muna.." Aniya sabay kindat. Kinuha nya ang mga colored paper na nasa desk ko at nagsimulang mag gugupit gupit 'dun habang naglalakad papunta ng upuan nya.

Transferee Where stories live. Discover now