Chapter Five

649 37 1
                                    


Chapter Five: The day part 2

"Anong... nangyayari?" Wala sa sariling tanong ko. Nakita kong nilingon ako ni Keith mula sa peripheral vision ko. Dahan-dahan, ay nilingon ko sya.

"Hindi ito ang tamang oras para ipaliwanag 'to sa'y-" Hindi nya natuloy ang sasabihin ng sumabat ako.

"Ipaliwanag mo! Ipaliwanag mo.. Iintindihin ko.." Naluluhang usal ko. "Bakit may ideya ka sa mga nangyayari at ako ay wala? Wala akong ideya maski isa! Bakit ganon' sila kung makangiti, parang hindi normal?! Bakit sa simula palang ay wirdo ka na kung umasta!?! Bakit! Bakit!!" Sigaw ko na pinaghahampas ang bookshelf. Nanatiling tahimik si Keith at mas lalong uminit ang ulo ko.

Nagulat ako ng biglang may nahulog na libro, hindi na 'ko magtataka dahil kanina ko pa hinahampas ang bookshelf na 'to. De-dedmahin ko na sana 'yun nang bigla ay may naalala ako..

Si Luna!

Anong klaseng kaibigan ako para makalimutan sya!

Agad akong tumayo at tumakbo papuntang pinto.

"Hoy!" Sigaw ni Keith pero hindi ko na sya pinansin pa. Kaya lang, bago ko marating ang pinto ay hunarang na 'dun ang,

Matandang, Creepy na librarian! Abot din sa tenga ang kanyang ngiti! Hindi na sya mukhang normal na tao dahil sa sobrang lawak na ngiti nya. Halos mapunit na ang labi nya sa pagkakangiti.

Hindi ko man ginusto, ay naluha ako dahil sa takot.

'Hindi pwede.. Hindi pwede.. Kailangan kong tapangan ang sarili ko..'

Agad ko syang inatake pero nasangga nya ako ag bahagyang tinulak. Inatake ko sya ng inatake at bumack-up naman sa'kin si Keith. Pinagtulungan namin ang natanda pero sadyang mabilis sya kung kumilos.

'Malakas ang loob ko kalabanin 'tong wirdong 'to dahil.. I once studied martial arts.'

Sinipa ko sya sa dibdib ng hindi nya inaasahan kaya naman ay napaatras sya ng bahagya. Humiga ako sa sahig at sinipa ang paa nya gamit ang paa ko dahilan ng pagkabagsak nya. Doon ko kinuha ang tsansang makalabas!

Nang mahawakan ko ang doorknob ay pumihit ako patalikod ng bigla ay maalala ko si Keith. But to my horror, nakita ko ang matandang babae na nasa harap ko na at akmang hahampasin ako sa mukha! "Aaaaah!" Sigaw nya na mas nakadagdag takot sa'kin. Huli na para makaiwas ako dahil naramdaman ko na ang matutulis nyang kuko na nakalmot ang mukha ko sa kaliwang parte, malapit sa mata! At napakasakit niyon!

Umakyat ang galit ko papuntang ulo at ang lahat ng galit na iyon ay buong pwersa kong ibinuhos sa kanya! Sa gigil ko ay hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at isinandal sa sulok ng magkakasunod na bookshelf.

Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo sa kaliwang mata ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Siniko ko ang ulo nya dahilan para mapayuko sya at mapahawak sa ulo. Tumakbo ako sa kabilang dulo ng library at buong pwersang tinulak ang bookshelf na 'yun. Natumba ang bookshelf na 'yun kasabay ng malakas na pagkalabog dahil sa nahulog na mga libro at sunod sunod na natumba ang mga magkakadikit na bookshelf na parang domino.

Sa dulo nun ay nasisiguro kong nabagsakan na ang matanda dahil narinig ko ang huling sigaw nya bago bumagsak ang huling bookshelf.

'Hindi ako makapaniwala na nagawa kong maitulak ang bookshelf na 'yun.. Adrenaline is real..'

Sunod sunod akong malakas na bumuntong hininga, hinihingal at kinakapos ng hangin.

Pagpabaling ko kay Keith ay nakahiga ito habang hawak ang ulo ng dalawang kamay at lumilinga linga sa kung saan, na tila ba nahihilo.

'Sa tingin ko nauluhan 'to.. tsk!'

Habang palapit ako sa kanya ng papalapit, ay unti-unti ko ng naramdaman ang sakit at hapdi ng kaliwang mata ko.

"Bilisan mo dyan!" Sigaw ko kay Keith habang hinihila ang likod ng kanyang polo patayo gamit ang kanang kamay, at ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa kaliwang mata ko.

Tumayo sya at parang lasing na nagpagewang gewang!

'Ano ba yan.. Weak!'

Inunahan ko na sya pababa nang maalalang si Luna pala ay nasa 2nd floor pa! Agad akong kinabahan kaya naman tumakbo agad ako pababa sa 2nd floor.

'Wait Luna, Hintayin mo 'ko!'

Nang makababa ako sa 2nd floor, natanaw ko ang room ni Luna na nasa pinakadulong hallway. Wala dito ang mga weird students. Lumingon ako sa kaliwa't kanan..

'Clear.'

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa room nila ngunit naalarma ako ng madinig ang tili ni Luna maya agad akong kumaripas ng takbo papunta sa room nila!

Nang akmang bubuksan ko ang pintuan nila, ay bigla itong bumukas at bumungad si Luna na naiyak at patakbo na palabas. Nang makita nya 'ko, nanlaki ang mata nya at nang akmang magsasalita pa sya ay kaagad ko syang hinila sa kamay at tumakbo papunta sa hagdanan pababa

'We have to leave this place!'

Nang pagbalik ko sa hagdan, ay naabutan ko si Keith!

"Tara! May alam akong pagtataguan!" Sigaw nya. Mabilis ko syang tinanguan at nang mauna syang tumakbo, ay tumakbo na din ako pasunod habang hila hila si Luna.

'I don't know who to trust anymore.. But there's no time to decide. In this very moment, it's either trust Keith or die..'

"Wait, Kyline!" Si Luna pero hindi ko na sya pinansin pa. Kailangan na naming makahanap ng pagtataguan dahil creepy students is everywhere!

Nasa gitna palang kami ng hagdan ng bigla ay pigilan ako ni Luna at buong pwersa nyang hinigit ang braso nya mula sa pagkakahawak ko..

Nilingon ko sya ng may nagtatakang tingin, at nanlaki ang mata ko nang makitang halos naghahabol na sya ng hinga! Sa bibig na sya humihinga para lang makahinga!

Peste! Peste! Bakit ko ba nakalimutan 'yon sa ganitong insidente!!

"K-Kyline.." Hingal na sabi nya, halatang hirap na hirap na magsalita.  "H-Hin-di ak-ko Makahi-hinga.. Y-Yung.. Inhaler k-ko.."

Inatake sya ng hika! Peste! Gusto kong sisihin ang sarili ko! Paano pa kami makakabalik sa room nya!!

---
Jyllaaan: Gigil ako eh!

Transferee Where stories live. Discover now