Chapter Twelve

528 23 1
                                    


Chapter Twelve: Gas

Luna's PoV

---
Time: 3:21 pm
---

Nagtitingin tingin na kami ngayon ni Miss Lucy sa laboratory at hindi ko maiwasang.. HUMANGA!

Omg! Omg! Ang ganda ng lugar na 'to!

Ang daming pwedeng makita.. Mayroong mga mini planets na nakasabit sa bubong.. May microscope, at iba pang science things!

"Luna, Focus." Sabi ni Miss Lucy sa'kin.

Laylay ang balikat na sumunod sa kanya at tumulong sa paghahanap ng clue or formula.

Halos binubuksa namin ang lahat ng drawer at hinahalungkat ang lahat ng mga folder dun.

"Uh.. Miss Lucy, A-Ano 'to..?" Nangangatog ang tuhod ko nang ituro ko ang nasa litrato sa isa sa mga folder na nakuha ko.

Lumapit sa'kin si Miss Lucy at nakisilip din. Nilingon ko sya at nakikita ko ang panlalaki ng mata nya.

Sa litrato, mayroong isang.. parang pabilog na gawa sa metal at sapat na ang isang tao doon. Transparent ang bungad nito na kung saan siguro papasok ang tao kaya makikita mo ang tao na nasa loob nun mula sa labas. Sa gilid ng transparent na pasukan ay.. buttons.. like, a hundred buttons.

Nag next page ako sa folder at nanlaki ang mata ko nang makita si Layzelle! Kasama nya ang isang mukhang may katandaan nang scientist.

Sumunod na litrato ay si Layzelle, nasa loob na sya nung circle metal thingy! Omg!

Sa pang apat na litrato, ay mukhang nakalabas na si Layzelle at nakangiti na ito ng malaking malaki! Katulad ng pag ngiti nya ngayon!

Namumutla din ito at tagumpay naman na nakangiti ang matandang scientists na kasama nya.

Wait, what?

Tagumpay?

"What is it, Miss Lucy?" Tanong ko kay Miss Lucy na nasa tabi ko.

"I don't know.." Naguguluhan ding tugon nya. Tiningala ko sya at panandalian nag isip.

Bumaba ang tingin ko at nag libot ito sa kabuuan ng laboratory at dumapo ang tingin ko sa isang something na natatakluban ng puting tela.

"What's that?" Tanong ko at turo ko dun sa may nakataklob na puting tela.

"Miss? What's that?" Muling tanong ko kay Miss. Nang hindi sya sumagot ay tiningala ko sya.

"Luna, PLEASE! I am a math teacher! Oh My God!" Ani nya. Gusto kong matawa dahil pikon na ang mukha nya kakatanong ko pero hindi ata tamang oras iyon para tumawa.

Naglapat ang labi ko at dahan dahan kaming naglakad papunta dun sa something na may nakataklob na puting tela.

'I'm guessing, ito yung nasa picture, huh?'

Inalis ko ang puting tela ng biglaan kung kaya't nagliparan ang alikabok.

Naubo ako.

Agad kong kinuha ang inhaler sa bulsa ko at ginamit 'yun.

"W-Wow.." Ani Miss Lucy.

'See? Hindi ako nagkamali! Ha! 'Yun na 'yun ang nasa picture!'

Akmang magpipindot pindot si Miss Lucy 'dun pero pinigilan ko sya.

"M-Miss, tawagin muna po natin sila? Wag po tayo basta basta mangealam nyan.." Sabi ko kay Miss.

Ngumiwi sya at tumango naman sa'kin.

Tinalikuran ko sya at sumilip sa labas ng pinto. Wala namang students na may creepy smile.

"Miss, pupuntahan ko lang po sila." Sabi ko kay Miss. Nilingon nya ako.

"Wag na, ako na ang pupunta." Aniya.

"Wag na po, Miss.. Ako nalang po." Sabi ko at bumuntong hininga naman sya sa pagpipilit at pagkulit ko.

"Oh sya, ingat.." Ani Miss Lucy.

Dahan dahan akong lumabas at limilingon lingon. Mahirap na, bigla bigla pa naman nasulpot ang mga creepy students.

Pagdating ko sa Auditorium, nakita ko si Zarina at si Kyline na nakatalikod at nakatayo sa stage.

"Psst.." Mahinang tawag ko sa kanilang dalawa. Agad naman nila akong nilingon at sabay ngumiti.

'No.. something's not right..'

Mula sa mabagal na paglalakad nila, ay pabilis ito ng pabilis!

Agad akong lumabas sa sliding door at sinara ito.

Bahagya akong nakaatras sa labas ng sliding door at natatakot na tinignan silang hinahampas ang sliding door at nakangiti na ng sobra sobra!

'No.. No!'

Tumakbo ako pabalik sa Laboratory kasabay ng mabilis na pag patak ng luha ko.

'Wala na si Kyline.. Wala nang Kyline.. Kyline is gone!'

Naguguluhan na 'ko sa nangyayari sa paligid. Nawawala na 'ko sa sarili ko!

Nadapa ako sa pagtakbo ko sa gitna ng hallway. Hinubad ko ang salamin ko at pinunasan ang mata ko habang patuloy pa din nag uunahan ang mga luha ko.

'Paano na 'ko makakatakas nito? Wala na si Kyline. She promised!'

Sinuot ko muli ang salamin ko. I need to survive.

Inilabas ko na ang lahat ng tapang sa katawan ko at bumangon mula sa pagkakadapa ko at patuloy na tumakbo muli papunta sa Laboratory.

Papalapit na ako ng papalapit sa laboratory nang makita kong nakabukas ang pintuan nito.


Nangnunot ang noo ko at nagmadaling pumunta sa pinto. May naririnig akong pagpunit ng kung ano.

Sumilip ako ng bahagya at ang bumungad sa akin ay ang sahig na may mga marka ng dugo. Literal na nanlaki ang mata ko sa nakita.

Dahan dahan kong inangat ang tingin at tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakikita ko.

May isang babaeng puno ng dugo ang bahagi ng bibig niya at si.. si Miss Lucy na walang buhay na nakahiga sa sahig. K-Kinakain nung babae ang l-laman loob ni M-Miss--

Napahawak ako sa bibig ko at agad na napasandal sa dingding. Para akong masusuka na ewan. May narinig akong mabibilis na yabag mula sa laboratory papunta dito kaya naman agad kong nilibot ang paningin ko kung saan ako pwedeng magtago. Dumapo ang paningin ko sa girl's comfort room.

Nagmamadali akong pumasok sa loob at bago pa man makalabas ang babaeng may dugo sa bibig ay nalock ko na ang pintuan ng banyo.

Pumasok ako sa isang cubicle ng luhaan. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawang kamay para hindi makagawa ng kahit na anong ingay.

Hindi ko mapigilan ang mapahikbi dahil da sunod sunod na nangyayari. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas dito at pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng pag-asa.

Natigilan ako nang marinig ang sunod sunod na pagkalabog mula sa labas at ang sunod kong narinig ay ang malakas na pagkatok sa pinto ng banyo.

---
Jyllaaan: ♡

Transferee Where stories live. Discover now