Chapter Six

594 34 0
                                    


Chapter Six: The Day part 3

Nataranta ako bigla dahil halos hindi na makahinga si Luna! Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!

Tinignan ko si Luna, Nakayuko sya at nakahawak sa magkabilang tuhod at humihinga ng sobrang lalim.

Naramdaman kong bumalik si Keith, siguro ay dahil hindi kami nakahabol sa kanya kaya binalikan nya kami para malaman kung ano ang nangyari. Nagulat sya ng makita ang sitwasyon ni Luna.

Nilingon nya ako na para bang tinatanong kung ano ang nangyayari kay Luna.

"Inatake sya ng hika.." Nanlalaki ang matang saad ko.

Lumapit naman sya kay Luna. "A-Alright, You're, Luna?" Tanong ni Keith pero hindi man lang sya sinagot ni Luna dahil naghahabol pa din ito ng hininga. "Right, Luna, Umupo ka dito.." Pinaupo sya ni Keith sa hagdan at sinabing mag straight body. Sinunod naman sya ni Luna, kahit nahihirapan.

"Now, take long deep breath.." Sabi ni Keith habang nakaharap kay Luna na ang isang tuhod ay nakaluhod sa lupa. Tinataas nya pa at binababa ang daliri nya, which represents inhale and exhale.

'Bakit may alam sya tungkol dito??'

Naubo ubo man, ay sinunod ni Luna ang paghinga ng mabagal at huminga ng malalim.

"Breathe in through your nose and breathe out through your mouth.." Sabi ni Keith at ginawa naman 'yon ni Luna.

"Next, Don't panic.." Si Keith sa malumanay na tono.

"How d-do you e-expect me n-not to pa-panic in this kind of situation?!" Inis na sabi ni Luna. "Na-Nakita mo y-yung mga na-nightmarish students n-n-na 'yon!?" Bagaman hirap na hirap, ay diretso nya 'yon nasabi.

"Luna, calm down. Intindihin mo muna 'yang asthma mo bago ang lahat.." Pilit na pinakakalma ang sarili kong saad.

Napapikit si Luna, bakas ang inis at paghihirap sa mukha nya.

"You have to avoid dirts, dust, or any trigger that you might encounter. May mask ka ba dyan?" Si Keith.

"A-Ah yes.." Usal ni Luna at may kinuhang nurse mask mula sa bulsa nya. Sinuot nya 'yon, at unti unti ay mapapansin ang pagiging normal ng paghinga nya.

'Oh, thank God..'

"Okay ka na ba? Tara na.." Sabr ko kay Luna at Keith. Nilingon nila ako at tumango si Luna. "Oo nga pala, dumaan muna tayo sa locker dahil meron akong extra inhaler 'dun.." Aniya.

--

Pagkarating namin sa first floor, ay pumunta kami sa isang malaking room na kung saan nandoon ang mga locker ng lahat ng babae sa building na ito. Ang paaralan na ito ay binubuo ng limang building, at kada building ay may isang room na nandun ang lahat ng locker.

Magkahiwalay ang locker ng lahat ng babae sa locker ng mga lalaki.

We opened the sliding door, and left it ajar. The sliding door is made of glass so you can easily see the people outside from the inside.

Lumapit si Luna sa kanyang locker at sumunod naman kami ni Keith sa kanya. Sa ganitong sitwasyon, ay binalewala na namin ang batas dito na bawal ang lalaki sa girl's locker room at bawal naman ang babae sa boy's locker room.

Dahil puno ng kung anu anong libro ang nasa locker ni Luna, ay natagalan syang hanapin ang inhaler nya. Nagpalinga linga ako sa paligid, nagbabakasakaling walang makitang weird students.

"Eto!" Masayang tugon ni Luna habang hawak ang inhaler nya sa kanang kamay.

"Let's go.." Sabi ni Keith.

Transferee Where stories live. Discover now