Chapter Seven

546 32 0
                                    


Chapter Seven

I gulped.

Basag na ang glass door! Nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Layzelle, ang buhok nya ay magulo gulo na at ang iba pa ay nakaharang na sa mukha nya, pero kitang kita pa din na malawak ang pagkakangiti nya!

Tumatagaktak ang dugo mula sa ulo nya dahil sa pag untog nya sa sarili nya.

Pigil ang hiningang pinanood namin sya habang naglalakad papalapit sa'min at tumigil sa harap namin, hindi sya kalayuan..

Sandali syang tumitig samin habang nakangiti.. nang biglang..

"HAHAHAHAHAHAHA!!" Tumawa sya ng sobrang lakas!

Agad kong binalingan ang lock ng bintana at buong pwersang binuksan 'yon!

'We have to go.. We have to go..'

"HAHAHAHAHA--" Natigil sya sa pagtawa nya ng marinig nya ang lock, na naunlock!

Agad itong binuksan ni Keith at pinauna naman namin si Luna na agad din namang sumunod.

Narinig ko ang malalakas at mabibilis na yabag mula sa likod ko kaya agad akong napabaling 'dun. Si Layzelle! Tumatakbo na sya samin ng may ngiti pa din sa mukha!

Tinulak ko na si Keith papalabas sa bintana at nang akmang tatalon na ako palabas, naramdaman kong hinawakan ako ni Layzelle sa paanan!

Nangilabot ang buong katawan ko at wala sa sariling sinipa sya dahilan para mabitawan nya ang paa ko. Doon ko na kinuha ang tsansang makatlon papalabas ng bintana at tagumpay ko namang nagawa 'yun!

Mabuti na lamang at nasalo ako ni Keith.

"Tara na!" Sigaw ni Keith at ibinaba niya na ako. Tumakbo naman agad ako at hinila si Luna.

Tumigil kami sa isang lumang room, at nagpahinga. Naupo kami ni Luna sa sahig samantalang si Keith ay nakatayo pa din.

"A-Ah.." Daing ko ng maramdaman ang sakit sa kaliwang mata ko. Nakakatawa dahil ngayon ko lang naramdaman ang sakit nito.

Napalingon naman sa akin si Keith at si Luna.

"A-Anong n-nangyari jan, Kyline??" Sabi ni Luna habang nakaturo pa sa kaliwang mata ko. "Kanina ko p-pa napansin yan pero hindi ko n-natanong.." Dagdag pa nya.

"Naalala mo yung creepy librarian??" Umpisa ko, at tumango naman sya. "Siya ang may gawa nito.." Usal ko habang nakaturo pa sa kalmot sa kaliwang mata ko.

Nanlaki ang mata nya, hindi makapaniwala. " 'Pano??" Tanong nya ulit.

"Mahabang kwento.." Sabi ko at bumuntong hininga. Isinandal ko ang likod ko sa wall habang ang kanang tuhod ay nakaangat at doon nakapatong ang kanang braso ko. Napatingala ako at napapikit.

'Napapagod na 'ko..' Usal ko sa isip at napabuntong hininga.

"B-Bakit ba natin kailangan pagdaanan 'to..?" Sabi ni Luna. Dumilat naman ako at nakita syang nakaupo habang yakap yakap ang dalawang tuhod. Umiiyak sya ng tahimik.

"Mabait naman ako, ah?" Sabi nya habang patuloy pa din ang pag iyak. "I don't deserve this.. why is this happening..?!" Naiiyak na tugon nya at napayuko sya at doon humikbi.

Nangilid ang luha ko dahil maski ako ay hindi malaman kung ano ang nangyayari.

"Oh come on! Enough with the drama, guys.." Nakakunot na noo na sabi ni Keith kaya napatingin ako sa kanya. Nasa harapan ko sya at nakatayo. "Here.." Aniya at may iniabot sa aking bulak at betadine.

Inabot ko naman 'yon.

"Thanks.." Sabi ko at tinanguan nya lang ako.

Nagsimula akong magpahid ng betadine sa kalmot sa kaliwang mata ko.

"Saan mo nakuha 'to?" Tanong ko kay Keith na ngayon ay abala sa pagtingin tingin ng mga lumang gamit 'dun.

"First Aid Kit.." Sabi nya at tinuro pa ang isang box na nakadikit sa wall at may nakasulat na First Aid Kit. Tumango nalang ako.

"Keith." Tawag ko sa kaniya at nilingon niya naman ako.

"Yes?" Tanong niya.

"Nung inatake ng hika si Luna, paano mo nalaman ang gagawin para matigil ang pag atake ng hika niya?" Tanong ko sa kaniya.

"My Mom and Dad are doctors. Kaya may idea ako kahit papaano." Sabi niya at tinanguan ko nalang siya.

---
Time Skip..
---

Nang matapos ko ang pagpapahid ay ramdam ko na ang antok. I checked my phone, and it's already 9:00 pm.


'It's been a long day..' usal ko sa isip at pumwesto na para matulog. Tinignan ko si Luna at nakita syang mahimbing nang natutulog. I smiled..

'Antukin talaga ang isang 'to..'

Kanina pang 7:30 pm ay nakatulog na sya.

Pagtingin ko kay Keith ay natutulog na din sya sa isang silya at ang dalawang paa nya naman ay nakapatong sa isa pang silya habang nakapandekwatrong pambabae.

Pumwesto nalang ako at natulog na rin.

---
Time: 7:18 am
---

Nagising ako sa isang malakas na kalabog na nanggaling sa pintuan na nilock namin kagabi. Agad na nabuhay ang diwa ko at ginala ang paningin ko. Napabalikwas na din ng gising si Keith at muntik pa syang mahulog sa hinihigaan nya.

Dahan dahan kong hinawi ang kurtina na nasa bintana para makita kung ano ang nangyayari pero halos atakihin ako sa puso ng makita si Layzelle na diretso na ang tingin sa'kin mula sa bintana at sobrang lapit na ng mukha nya. Nakangiti pa din sya hanggang ngayon.

Naramdaman ko ang presensya ni Luna sa likod ko at nilingon ko naman sya.

Pinanood namin ang ginagawa ni Layzelle at yumuko sya at parang may kinukuha na kung ano. Nang umangat sya ay nakita namin sa kanyang kamay ang pakalaking bato at bumwelo..

'Dun ko napagtanto ang binabalak nya!

"Tabi!!!" Sigaw ko at tinulak si Luna at Keith kasabay ng pagbasag ng bintana at ang pagbagsak ng malaking bato sa loob.

Nakahiga kami ngayong tatlo sa sahig at agad naman kaming tumayo.

"What is wrong with you!" Sigaw ni Luna kay Layzelle na dinuduro nya pa.

"May.." Nakangiting usal ni Layzelle at bahagya pang tinagilid ang ulo at may malaking ngiti sa mukha. "May.. May Pop.. Pop quiz.. si.. Sir Theo.." Usal nya habang nakangiti pa din ng todo.

Si Sir Theo! Ang pinaka terror teacher namin, yung nagtanong kay Keith nung first day palang!

Nagkatinginan kami ni Luna. at ni Keith.

'Ano kamo? Pop quiz?'

---
Jyllaaan: ♡

Transferee Where stories live. Discover now