Chapter Fifteen

414 21 2
                                    

Chapter Fifteen: Out

Kyline's PoV

Sa paglalakad namin nina Zurielle, Zarina, At Luna, at nakasalubong namin si Keith at si Mang Kev sa mahabang hallway.

Madungis ang mukha nila at may bahid na dugo ang kamay. Ang kaliwang braso ni Mang Kevin at may nakaikot na puting tela at inaalalayan siya ni Keith.

"Keith! Mang Kevin!" Sigaw ko at tumakbo sa kanila. I miss them so much and i'm so glad they're safe!

Akmang yayakapin ko si Keith pero napigilan ko ang sarili ko. Bawal 'yun.

Nagitla ako nang hapitin ni Keith ang bewang ko saka ako niyakap. Hinila ko si Luna na hinila naman si Zarina at Zurielle at Mang Kevin at nag group hug kaming lahat.

I'm now seeing hope. We can do this. We're gonna get out of this hell.

"Tara na, dumeretso na tayo sa exit!" Maliwanag na sabi ni Zurielle at nanliwanag din naman ang mukha naming lahat -- except kay Keith at Mang Kevin na blanko ang tingin sa kaniya.

"Uh, Mang Kevin, Keith, Si Zurielle, kapatid ni Zarina. Zurielle, Si Mang Kevin at Keith." Sabi ni Luna nang mapansin niyang masama ang tingin nung dalawa kay Zurielle.

"So, where is the exit?" Tanong ni Keith na may nagdududang boses.

"That way." Turo ni Zurielle sa dulo ng madilim na hallway.

"How can we trust you?" Nanghuhuli pa din na tanong ni Keith. Ramdam ko ang namumuong tension sa pagitan nilang dalawa.

"Whoa, whoa," Pagbasag ni Zarina sa namumuong tahimik at samaan ng tingin ni Zurielle at Keith. "Wait a minute, Keith, he's just 12 years old. Thus, he's my brother." Paliwanag ni Zarina.

"Alright then, that way it is." Sabi ni Luna at tinuro ang dulo ng hallway kung saan tinuro ni Zurielle kanina.

"Hindi."

Nilingon namin si Mang Kevin nang bigkasin niya ang salitang iyon.

"Kasinungalingan lang ang sinasabi ng batang iyan!" Sigaw niya at tinuro pa si Zurielle dahilan para mavigla kaming lahat.

"Kami ay nakatakda sa library, hindi ba?" Singit naman ni Keith. "We saw a secret passage behind the bookshelf and as Mang Kevin enter the secret passage, it leads him to the exit. To be honest, Mang Kevin was already outside but we came back for all of you." Paliwanag ni Keith dahilan para manlaki ang mata namin.

"That means, Zurielle is lying.." Bulong naman ni Luna at tumango tango pa.

Nilingon naming lahat kung nasaan si Zurielle pero hindi namin siya makita.

"Zurielle?" Tawag ni Zarina pero wala talaga siya.

"Gusto niya lang tayong ipahamak! Huwag na natin siyang isama!" Sigaw naman ni Mang Kevin at mabilis naman akong sumang ayon sa kaniya.

Bata pa lang, traydor na.

"Let's go!" Sabi naman ni Keith at tumakbo na kami habang sinusundan si Keith. Nang mapansin kong wala pa si Zarina ay nilingon ko siya.

Nakalingon siya sa gawi kung saan itinuro ni Zurielle ang daan papalabas. Halatang nag aalala siya sa nakababata niyang kapatid at nagdadalawang isip kung sasama ba siya. Kita sa mukha ni Zarina ang matinding pag aalala at ang pamomroblema.

"Zarina, let's go. We still have a life to live!" Pagkumbinsi ko sa kaniya. Nilingon niya ako at tila parang ilog na patuloy na umaagos ang mga luha sa kaniyang mga mata. Niyakap ko siya at rinig ko ang paghikbi niya.

"Zarina, sometimes in our life, we have to sacrifice something we love the most in order to have a better life. Let go Zarina. Let the memories go and let's live our life." Sabi ko sa kaniya. Sandali pa siyang nag isip saka siya ngumiti at pinunasan ang mga luha. Tumango siya sa akin at nagsalita.

"Okay. Let's live our life."

---

Third person's PoV

"So, ano ulit ang plano nila?" Tanong ni Principal Zaren sa kaniyang anak na bunso habang pinagmamasdan ang CCTV monitor. Nakikita niya dito ang pagtakbo ng kaniyang anak na panganay na nag ngangalang Zarina kasama ang mga iba pang kaibigan palabas.

"That's their plan Mom. As soon as they found that boy, Keith, and our Janitor, they'll escape." Paliwanang ng bunso na anak ni Principal Zaren na si Zurielle.

"Really? Hmm.. Why didn't you convince them to go to the other way?" Tanong ni principal Zaren sabay ng pagsipa niya sa dibdib ni Zurielle.

Napaluhod si Zurielle sa sahig at hinawakan ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga.

"I-I tried to convince them but they already knew.. a-about--"

"About what?!" Pigil ni principal Zaren.

"A-About the secret passage in the library." Wika ni Zurielle.

"Secret passage? Which.. one?" Nakangising tanong ni Principal Zaren at pinagmasdan ang CCTV sa monitor kung saan sa library kung nasaan ang mga tao.

"Well, They made a mistake." Sabi ni Principal Zaren at nakangising ipinatong ang dalawang paa sa lamesita na nasa harapan niya.

---
Keith's PoV

"Tara!" Sigaw ko sa kanila nang ituro ko ang bakal na pintuan. Suwerte lang kami dahil hindi ito nakalock. Ito ang daan kung saan patungo na sa labas.

Binilang ko sila para masigurong kumpleto na kaming lahat.

Luna, Mang Kevin, wait--

Sila lang?!

"W-Where's Kyline?? and Zarina? Where's Miss Lucy?!" Natataranta kong tanong.

"Keith, Miss Lucy, She became one of them." Malungkot na saad ni Luna.

Nabigla kaming dalawa ni Mang Kevin dahil sa balita. Napayuko ako at nanlumo. Ikinuyom ko ang dalawa kong kamao.

"Then where's Kyline and Zarina?!" Tanong ko naman.

Pagkatanong ko 'nun ay eksakto namang dumating si Kyline habang akay akay niya si Zarina na namumugto ang mata. Gusto ko pa siyang tanungin pero kapag nakalabas na. Binuksan ko ang pinto at pinauna ang mga babae.

Hindi naipaliwanag na saya ang nararamdaman ko. Gusto kong umiyak sa saya.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang magsalita si Luna.

Sinilip niya ang relo niya.

"What's wrong?" Tanong ko sa kaniya.

"Why is it so dark outside when it's already.. 3:52 pm?" Tanong niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Sinilip ko ang labas at totoo ngang walang bakas ng ilaw maski isa.

'Bakit hindi ko iyon naisip?! Si Mang Kevin lang naman ang pumasok sa loob dahil natatakot ako pumasok at nang makalabas na siya ay sinabi niyang iyon na ang labas.'

Akmang hihilahin ko si Zarina at Kyline,

Ngunit nabigla ako nang magsalita si Mang Kevin sa likod namin.

"E 'di, ako ang nagsinungaling." Aniya sabay biglang tulak sa amin ni Luna papasok at isinara ang pintuan.

---
Jyllaaan: (๑°꒵°๑)・*♡

Transferee Where stories live. Discover now