Chapter Sixteen

425 19 0
                                    

Chapter Sixteen: Farewell

Keith's PoV

"Iyan na ba lahat?"

I can barely hear that sentence. Ang dilim ng paligid. Nahihilo ako.

*Dugdug!

I can hear my heart beating so loud. What happened? I don't know. I don't care.

I give up.

"Yes, Principal. Sila na po lahat."

"Hmm.. Interesting."

Rinig ko ang boses ng isang lalaki at babae na nag uusap.

*Dugdug!

I'm still not opening my eyes. Dahil kapag dinilat ko ang mga ito, sumasakit ang ulo ko at nanlalabo ang paningin.

"Let's start with this boy.." Sabi ng boses ng babae.

Maya maya ay narinig ko ang mga footstep niya papalapit sa akin.

Hindi ko man lang alam kung ano ang posisyon ko. Wala akong maramdaman.

Everything is numb.

Bahagya kong dinilat ang mata ko at nakitang nakaupo ako sa nakasandal sa wall. Sumalubong sa akin ang napakaliwanag na ilaw na nakatutok sa akin. Maya maya pa, may nakita akong anyo ng babae na nakaluhod sa akin at nakangiti ng sobra. So.. unhuman.

I stared at her lifelessly. Wala na akong pake. I'm ready to die.

Naramdaman kong nilagyan niya ako ng kung ano sa ilong ko at may naamoy ako dun na kakaibang amoy. Nakakahilo. Amoy matapang na kemikal.

Sa sobrang tapang ng amoy ay nararamdaman ko ang pagtulo ng dugo sa ilong ko. Sinubukan ko pang lumaban ngunit masyado na akong mahina.

"E-Enough.." Halos ako nalang ang makarinig ng salita na binigkas ko.

"S-Stop it..!" Pero tila ba wala pa din naririnig ang babae sa harap ko. Nang luminaw ang paningin ko, napagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya.

Kamukha niya si Zarina. Old version ni Zarina.

Well, it's obvious enough. Nanay niya 'tong nasa harap ko.

Naalala ko yung sinabi ni Zarina noon sa'min nina Kyline at Luna.

"Lahat ng ancestor ko ay ganoon.. Pero pagsapit ng 30 years old, magiging katulad na nila ako.."

Parang pumapasok na sa sistema ang kung anong lason ang pinapaamoy sa akin ng demonyong nasa harap ko.

Bakit kailangan kong maranasan 'to?

I only want justice for my little sister. Makikita ko na siya ngayon.

Umikot ang paningin ko at tumama ito kay Kyline at Luna na nagtutulungan ng makawala. Wala ng tali si Luna at inaalis niya na ang tali ni Kyline. Napalingon sa akin si Kyline at nagtama ang paningin namin.

Kyline..

Nakita ko ang sunod sunod na pagpatak ng luha niya.

Hindi ko man lang naamin ang nararamdaman ko sa'yo.

Pfft, Torpe.

Even at the last seconds of my life, the last person I see is you.

*Dugdug!

Bahagyang dumilat ang mata ko at tumama ang mata ko kay Mang Kevin na nakatayo sa sulok at nakangiti ng sobra mag isa.

Balit hindi ko naisip 'yun? Bakit kasi hindi ako pumasok sa loob kasama siya? Napakaduwag ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Gumawa ako ng patibong para sa sarili ko.

Transferee Where stories live. Discover now