Chapter Four

734 41 0
                                    


Chapter Four : The day part 1

Maaga akong pumasok sa school dahil ngayon yung anniversary. Pagpasok ko sa room, lahat sila ay nagdadaldalan at may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan.

Kaya naman umupo nalang ako sa seat ko. Since wala pa namang teacher, nilabas ko muna yung cellphone ko at nag text kay Luna.

To: Lunanana♫♪
Yow excited ka na?

Naghintay ako at maya maya lang ay nagtext din sya sa'kin.

Message from: Lunanana♫♪
Yikes.. Creepy..

Napairap ako dahil hanggang ngayon ay pinaniniwalaan nya pa din 'yon. Isinilid ko nalang sa bulsa ang phone ko dahil may teacher nang pumasok.

Maya maya lang ay lunch break na at 'yun ang oras na magsisimula na daw yung program.

11:30 palang ngayon at mag uumpisa ang program ng 12:30. Kaya naman kumain na kami ng sabay ni Luna ng maaga.

"Bukas na pala yung test, ah? Nag review ka na ba?" Tanong ni Luna habang nanguya nguya pa din.

'Teeesst? 'Bat hindi ako infoormmeedd!!!'

Pero syempre, dapat hindi ko ipahalata kay Luna na hindi ko alam dahil baka pagtawanan pa 'ko nito..

"Ah oo naman.. Nagreview na 'ko kagabi pa.." Pagsisinungaling ko.. "Ikaw?"

"Mmm.. Nakapagreview na 'ko last week pa." Aniya.

"Anyways, Excited ka na ba sa program mamaya?" Tanong ko, pag iiba ng usapan.

"Well," Usal nya at ngumiwi, nag iisip. "I can't say yes but i can't also say no.. Hindi ko naman alam na baka masaya yun or boring.. lalo na sa nalaman ko.. eesh!" Sabi nya at tatango tango naman akong nakangiwi.

"Anyway," Panimula niya. Nag angat ako ng tingin sa kaniya. "May something ba sa inyo ni Keith? Parang iba ang tingin niya sayo 'e!" Pag aasar niya sa akin at binigyan ako ng nanunuksong tingin.

"Oh please.." Pikon kong sabi. "That boy is pretty weird. Baka nga abnormal ba 'yun eh.." Sabi ko.

"Sus! Pero infairness ah, bagay kayo." Pang aasar na naman niya kaya tinignan ko na siya ng masama.

"Shut up." Iritado kong sinabi.

Lalo akong nairita dahil tinawanan niya ako ng tinawanan. Bakit ba siya ang topic namin? Seryoso ba siya? Geez.

Bigla ay sumeryoso ang mukha niya. "Be honest, do you like him?" Seryoso niyang tanong. Natigilan ako.

'Do I like him?'

Mabilis akong umiling sa sariling naisip. Hell no!

Bigla ay tumawa siya kaya inirapan ko siya.

Maya maya ay nagpaalamanan na kami dahil magkaiba ng room. Para sa'kin, mas okay na para kay Luna na sa second floor sya, dahil kung sa third floor sya, baka atakihin sya ng hika.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto, natigilan ako. Sa hindi malamang dahilan. Maski ako ay hindi naiintindihan ang sarili dahil sa inaasta ng katawan ko. Binalewala ko 'yon at binuksan ang pinto. Praning na naman ako.

Pagpasok ko ay dumeretso na ako sa upuan ko at nagsalpak ng headset sa tenga. Nakapangalumbaba akong nakatingin sa bintana. Mataas ang floor na ito kaya naman kitang kita ko ang mga nagtataasang puno. Sa baba ay kita naman ang mga studyante na naglalakas, nagtatawanan at nagbibiruan. Napangiti naman ako sa ganda ng view.

Napasulyap ako sa relo ko..

12:43pm

Bumaling ako kay Layzelle na kasalukuyang nag lilipstick.

"Layzelle, anong oras daw mag s-start ang program?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti syang lumingon sa'kin.

"1:00pm.." Sagot nya. Tinanguan ko nalang sya.

Napabuntong hininga ako sa pagkaburyo at nilabas ang phone ko at nagcellphone.

..Time skip..

Isinilid ko ang phone ko dahil 12:58 na. Nag ayos ako ng sarili dahil baka sa gymnasium or sa court gawin ang program na sinasabi nila. Basta ang alam ko ay hindi dito sa room iyon gagawin.

Habang nagsusuklay ako, Tumunog ang kampana.

'Malamang ay umpisa na ng program..'

Napalingon ako sa bintana, at ganun nalang ang pagtataka ko nang makitang lahat sila sa baba ay nakatigil sa paglalakad, at nakatayo lang na parang statwa. Nangunot ang noo ko ng pagbaling ko sa mga kaklase ko ay nakatayo na din sila at nakatigil.. yung tipong, parang hindi na nahinga. Ito ba ang program nila? Gusto kong matawa.

Wala akong alam sa mga nangyayari, kaya naman ay tumayo na din ako at humarap sa bintana, pero ganon nalang ang gulat ko ng nakatingin na ang lahat ng mga tao sa baba sa gawi ko. Hindi ko man nakikita ang mata nila dahil masyado silang malayo sa'kin, nasisiguro ko naman na nakatingala silang lahat sa gawi ko at sobrang laki ng ngiti sa'kin.

..At ang masasabi ko lang, ay.. Creepy.

Natinag lang ako ng bigla ay may humila sa pulso ko. Pagtingin ko kung sino 'yon ay.. si Keith. Natakbo na sya palabas ng room habang hila hila ako.

"We need to go!" Natatarantang sigaw nya. At dahil 'dun, ay biglang nabuhay ang kaba ko.

Habang hila hila ako ni Keith, ay lumingon ako sa likod ko, at doon ay ang mga kaklase kong humahabol sa'kin habang abot tenga ang ngiti, literally.

Nangilabot ang buong katawan ko sa hindi malamang dahilan. Anong nangyayari? Punong puno ng tanong ang utak ko sa sandaling ito. Sa isang iglap ay parang wala akong iba narinig kundi ang boses sa isip ko, at tila ba nag slow motion ang lahat.

Bumalik ako sa reyalidad ng biglang sumigaw si Keith. "Dito!" Sigaw nya at hinila ako paupo sa sulok ng bookshelf.

Hindi ko man lang napansin na napunta kami sa library.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa kaba. Nararamdaman ko ang pag nginig ng kamay ko at ng mga hita ko. Wala sa sarili kong niyakap ang dalawang tuhod.

"Anong.. Nangyayari?" Garalgal ang boses ko nang itanong ko ito.

---
Jyllaaan: Maski ako nanggigigil habang sinusulat to! haha! anyways, enjoy reading!

Transferee Where stories live. Discover now