Chapter Eleven

507 30 2
                                    


Chapter Eleven: Hope?

Napagkasunduan naming anim na maghiwa-hiwalay.. I know, it's risky, pero mas mabilis kami makakahanap ng formula.

There are 3 possible places na kung saan pwedeng makita ang formula ng antidote.

Si Miss Lucy at si Luna ay nakatakda sa Laboratory. Gusto ko ngang kasama si Luna pero, Gosh! mahina ako sa science.

Ang kasama ko naman papuntang Auditorium ay si Zarina. Maaaring may makuha kami dun, ani Miss Lucy at sinunod nalang namin sya.

Si Keith naman at si Mang Kevin ay sa isa pang library. Ang library ng Senior high school. Tatlo ang library sa paaralang ito. Library pang Elementary, Junior High School, at sa Senior High School.

Bago kami maghiwa-hiwalay, ay naghawak kamay muna kaming lahat at taimtim na nagdasal para sa kaligtasan namin.

"Bakit hindi nalang tayo umalis sa paaralan na 'to?" Tanong ko kay Miss Lucy habang naghahanda na para sa pag labas namin ng faculty room.

"We can't. Halos 20% ng studyante sa buong paaralan na 'to ay nakabantay sa gate." Aniya.

'Geez.. Nakakakilabot.'

"Let's go.." Sabi ni Zarina sa'kin.

"Ingat kayo.." Sabi ko sa kanilang lahat. Tumango naman sila at sinabi din na mag ingat kami.

Hinarap ko si Luna.

"Ingat ka ha.." Utas ko sa kanya. Nilingon nya naman ako at kita agad ang pangingilid ng luha nya. Tumango sya sa'kin.

"Ikaw din ah?!" Utos nya sa'kin at nangilid din ang luha ko.

"Yes, of course!" Panggagaya ko sa paborito nyang sinasabi.

Bahagya syang natawa kasabay ng pagtulo ng luha nya.

"Pramss..?" Nakangiti ngunit ang buong mukha nya ay sumisigaw ng kalungkutan. Naglahad sya ng pinky finger sa'kin.

Doon bumuhos ang luha ko. "Pramss.." Nakangiti din na tugon ko at nag pinky promise kami.

Nag hiwa-hiwalay na kami ng direksyon.

---
Time: 3:14 pm
---

Luminga linga kami sa paligid  naglalakad sa isang mahaba, at madilim na hallway.

May mga ilaw na nagpapatay bukas, nay pundi, at mayroong patay na talaga.

'Ano 'to? Nananadya? May pa horror effect?'

Pumasok kami sa Auditorium, yung pintuan ay isina-slide din at glass.. Ganitong pintuan na naman.. May phobia na 'ko dito!

Dahan dahan kami kung kumilos, at pinong pino. Iniiwasan namin ni Zarina ang gumawa ng kahit na anong ingay.

Nilibot ko ang paningin ko. Sa harapan ay ang stage, at may mga kaunting ilaw na nakabukas at nakatutok sa stage. Walang katao tao dito sa auditorium. May kadiliman din kaya kailangan naming mag hawak kamay ni Zarina.

Umakyat kami sa stage dahil papunta kami ngayo ng back stage. Baka may makuha kaming clue or whatever dito.

"Kyline, Check this out.." Bulong ni Zarina sa'kin. Madilim na dito sa backstage at tanging flashlight lang ni Zarina sa cellphone ang nagsisilbing liwanag namin.

Tinignan ko kung saan nakatutok ang liwanag at nasa isang.. folder iyon.

Dahan dahan ko itong kinuha at lumabas kami ng backstage at nagstay muna sa stage mismo. Dito kasi ay nakatutok halos lahat ng ilaw dito sa auditorium.

Transferee Where stories live. Discover now