Chapter Two

1.1K 46 0
                                    

Chapter Two

"Right, Whatever." Sabi nung mataray na teacher. Napasimangot ako sa kaartehan ng pananalita nya. "Sino pa transferee dito? Raise you hand." Aniya at tinaas ko naman ang kamay ko. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng classroom, hoping na hindi lang ako ang transferee dito.

To my surprise, isa lang ang nagtaas ng kamay at lalaki sya.

"Introduce yourself.." Sabi ni Miss at nilingon ko naman yung magsasalita.

"My name is--" Hindi natuloy ang sasabihin ng lalaki ng biglang magsalita si Miss.

"Face your classmates.." Taas ang kilay na utos nya dun sa lalaking nakayuko. Nag angat ito ng tingin ng may naiiritang mukha.

"My name is Keith." Aniya at umupo agad.

"Tsk, tsk, tsk! Whatever!" Sabi ng malditang teacher at sumiring. "Kebago bago, uma-atittude na agad.." bulong nya pero sapat na para marinig ng buong klase.

Nag introduce sila isa-isa at maya-maya ay break time na.

--

"Kyline! Here!" Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na 'yun. At ayun na naman si Luna na kumakaway at nakangiti.

Naglakad ako papunta ng direksyon nya at umupo sya sa isang table na meron ng pagkain na nakahain.

"Oh? Libre mo?" Nakangiting tanong ko. Ngumisi naman sya ng payabang at nagtaas ng kilay. Natawa ako.

"Yes, of course!" Pagyayabang nya at lalo naman akong natawa. Ang family kasi ni Luna ay talagang mayaman na. Nakakatawa lang na maski sa maliit na bagay, ikinatutuwa at ipinagmamalaki nya.

Umupo kami at nagkwentuhan habang kumakain.

"Ilan kayong transferee?" Tanong ko.

"Actually, Ako lang eh! Nakaka OP tuloy!" Si Luna.

"Talaga? Sa'min dalawa lang kaming tranferee.."

"Including you?"

"Including me!"

"Oh.."

Maya-maya lang ay natapos na ang 15 minutes break namin at bumalik na kami sa kanya-kanyang room.

---

Kanina ko pa napapansin sa gilid ng mata ko ang pasulyap-sulyap sa akin ng katabi ko na parang hindi mapakali, kaya naman nilingon ko sya. Bahagya pa syang nagulat kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Hi!" Ngumiti ako sa kanya ng matamis.

Kaya naman dahan dahan ding gumuhit ang ngiti sa labi nya. Naagaw agad ng pansin ko ang labi nyang pulang pula.

'Grabe maglipstick, galit na galit??'

"Hi.." Bati nya.

"Ano name mo ulit?" Lakas loob kong tanong dahil hindi ako nakinig sa mga nag introduce kanina.

"Layzelle.. Hehehe!" Pakilala nya.

Ngumiti ako. "Kyline.." Pakilala ko din.

Hindi sya masyadong maingay, pati na din ang mga kaklase ko.

'Psh.. First day kasi..'

Maya-maya lang ay may dumating na namang bagong teacher, at gaya ng inaasahan, puro na naman pakilala ang nangyare.

'Nakakaantok.. Nakakagutom.. Nakakapagod.. Gusto ko ng umuwi.. Hays.. :'<'

"Okay, that's all for today, you may now take your lunch."Sabi ni Sir-na-nagpakilala-pero-'di-'ko-nakinig.

Tinatamad na ako bumaba dahil nakakapagod umakyat, kaya naman tinawagan ko si Luna.

"Oh? Asan ka na?" Sagot nya sa kabilang linya.

"Andito pa din sa room.. tinatamad ako bumaba." Sabi ko at bumuntong hininga. Natawa sya.

"Hahahahaha!"

"Tsk.. Pwede ba? Wag mo 'ko tawanan.." Natatawa ding sambit ko.

"Buti nalang Second floor ako! behlat!"

"Ikaw nalang umakyat dito!"

"Tse! Baka atakihin ako ng hika!"

"Hindi ka naman tatakbo eh!"

"Bakit ka nasigaw?"

Natigilan ako ng marinig ang boses ni Layzelle at nang marealize kong nasa classroom pa 'ko at nasigaw mag-isa.

'Pahiya nga dyan..'

Inangat ko ang tingin ko at umakyat ang kahihiyan ko mula paa hanggang ulo nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Layzelle. "Huy, Ok ka lang?" Natatawang aniya.

"Hahahahaha! Sige lang! Tumawa ka lang mag-isa dyan!" Pang-aasar ni Luna na nasa linya pa din. Napasinghal ako.

"Hindi ako natawa!" Bulong ko sa telepono.

"Edi sumigaw mag-isa!" Natatawa pa ding aniya.

"Tsk! Bye na nga!" Sabi ko at in-end ang call.

"Haha! Tara na nga, sabay tayong kumain.." Anyaya sa'kin ni Layzelle. Nginitian ko naman sya at sabay kaming kumain. Nagkwentuhan din kami at nagtawanan. Nakakatawa lang dahil kada subo nya ay nag lilipstick agad sya.

"Uy.. Kyline 'diba?"

Napabaling ako sa harap ko ng magsalita ang kaklase kong si.. Uh.. Cindy! Yeah, I remember.

Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Um.. Ano.. Pahiram ako ng ballpen?" Parang nahihiyang tanong nya. Nakapagtataka lang kung bakit hindi nya hiramin ang ballpen ng katabi nya.

Hindi ko pinahalata ang pagtataka ko at binigay sa kanya ang extra kong ballpen.

"Thanks!" Aniya at tinanguan ko naman sya.

Hindi naman ako friendly na tao dahil ayokong mapahiya, pero kung may lalapit sa'kin para makipagkaibigan, ay kinakaibigan ko naman. Hindi ako suplada.. ;)

Pagkatapos mag lunch ay hinihintay namin sa susunod na subject.

'Malamang ay puro pakilala na nama--'

Natigil ako sa pagmumuni muni ko ng pabagsak na bumukas ang pintuan at ang lahat ay napalingon 'don. Isang lalaki na teacher ang pumasok sa loob.

"Terror teacher namin 'yan.." Bulong ni Layzelle at nakamaang naman akong tumango.

"What is a unit of length, defined as the distance that light travels in a vacuum in one Julian year?" Biglang sabi ni Sir Terror at halata ang pagkabigla ng lahat. "You.." Sabi nung Sir Terror habang nakaturo dun sa tranferee na lalaki.

"Sir, Excuse me?" Takang tanong nung boy transferee.

"Answer the question." Seryosong sabi ni Sir Terror.

"..." Natahimik si boy transferee at nangunot ang noo na animong nag iisip. " Light-year, sir." Sabi ni boy transferee na para bang normal na normal iyon.

'Woah'

Hindi ko naiwasang humanga dahil maski ako ay walang ideya sa tinanong ni Sir.. Terror.

"Good. Now introduce."

Kitang kita ang pagbuntong hininga ni boy transferee na animong sawang sawa na sa pagpapakilala.

'Hindi ko nga matandaan ang pangalan nito..'

"I'm Keith Andrei Panganiban."

Napataas ang kilay ko dahil sa mga nagdaan na subject, ngayon lang sya nagpakilala ng buong pangalan.. i guess? or baka hindi lang ako nakikinig.. lol!

---

Jyllaaan: Enjoy! ♡

Transferee Where stories live. Discover now