Ball 8 (May kaugali siya)

100 4 0
                                    

Ball 8 (May kaugali siya)

 

Lee POV

                      Yun oh!Napapayag ko rin si Killua na lumabas tutal tinatamad narin akong pumunta ng Intrams dahil nga natalo kami First Game palang.Magaling naman ako magbasketball ee, pero sadyang pilay lang ang team pag wala si Eighteen, diba ganun naman lahat ng Team merong tinatawag na PAMBATO =)Kaso hindi naman ako yun, atleast yung Brad ko naman kaya ayos na rin kaso injured siya sayang dikit na dikit pa naman ang laban.Hindi pa nga ako nadalaw dun ee. Maya nalang siguro papasama ako kay Killua >,<

“Tara”-Killua

                         Diretso lang sa paglakad si Killua sa labas ng bahay nila. Ano ba yan balak niya ba akong paglakarin?

“Dala ko kotse ko, dun nalang tayo”-Ako

 

“May kotse din ako, gusto kong maglakad”-Killua

                       Tuloy parin siya maglakad habang nakasuksok ang kamay niya sa magkabilaang bolsa niya. Angas talaga ng pinsan ko.Alam ko namang Broken hearted parin yan hanggang ngayon. Hina niya ee. Di niya malapitan si Eyah. Ah oo nga pala alam ko ang kwentong yun.Madalas kasing lasing si Killua nun. At sa katangahan niya na kwento niya tuloy sakin ang lahat ng hinanakit niya. Mantakin mong cosplayer pala dati ang Pinsan ko. Ashteeeeeeeeeeeg! Kaso nga lang natapos ang lahat ng mainlove siya. Ano ba yan alam niyo naman na yung nangyare ayoko ng ulitin pa. parang Buang (Baliw) na ako.

“Ang init ee, tirik na tirik ang araw”-Ako

                           Syempre magrereklamo ako kaya nga sa Gym lang ako nagppractise ng basketball ee. Masakit sa Balat ang init ng araw.

“Ok, babalik na ako sa bahay”-Killua

 

“’to naman di na mabiro, ayan na nga oh”-Ako

                        Binilisan ko ang lakad ko para unahan siya.

“Bilisan mo, bagal naman oh”-Ako

                         Pampalubag loob yan, hirap kasing utuin ng isang ito ee. Pero lagot ako pag nalaman niyang meron si Eyah dun.Ayos lang yan ni hindi nga alam ni Eyah na siya yung Daddy K ee, bangis nga sa kakornihan ng codename nila ee.Nangiti ako bigla.

“Ngiti mo jan? Para kang aso”-Killua

                           Napansin niya pala. Kasi naman nakakloko lang yung codename nila ee. Sagad sa kakornihan hindi ko nga alam na may ganung side si Killua ee.

“Pero bakit Daddy K”-Ako

                             Huminto sa paglakad si Killua, tumingin ako sa kanya at nakatingin lang naman siya sakin na parang kakainin niya ako ng buo mga Brad.

Jersey 18 (Eighteen Butler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon