Ball 16 (Let it go)

59 2 0
                                    

Ball 16 (Let it go)

 

Drozz POV

                    Kitang kita ng mga mata ko kung paano dumaloy ang Dark chocolate na iniinom lang kanina ni Eyah sa mismong harapan ko at  narinig kong tumawa ang babaeng may gaw nun sakanya.

“HAHAHAHAHA, Oops sorry, akala ko kasi Trashbin, TRASHTALKER nga pala. Hahahaha”

                  Napatingin sakin yung babae at tumingin din ako sakanya. Napaka pamilyar sakin ang mukhang yan na sa pagkakaalam ko isang beses ko palang nakita. Inirapan niya ako tsaka naman siya binigyan ng matinding..

*PAK*

                     Isang malutong na sampal ang nakuha niya kay My Lady Eyah. Nababagay lang sakanya yun. Wala siyang karapatan.

“Damn”

                   Sabing mura ng babaeng naka suot ng Skelanimals Kit the Cat Girls. Lahat ba talaga ng babaeng cosplayer ganyan? Oo cosplayer ako. Pero sa tuwing may mga events lang.

“Fvckshi+ ka Mirzi”-Eyah

                        So Mirzi nga ang pangalan niya. Parang nakita ko rin siya sa school ni Eyah kahapon. Well kaya siguro magkakilala sila. Ah siya rin pala yung sinabunutan ni Nikkidoo. Teka Napatingin ako sa lalakeng palapit samin. Hindi ko na inintindi ang mga pinaggagawa ng dalawang babaeng parang pusa kung magbangayan.

“Babae, tara na”-Killua

                      Tawag ni Killua kay Mirzi. Mukhang magkasama silang dalawa. Parang kanina lang sinusundan ko siya aa. Ang bilis niya naman.

“Mabuti pa ngang umalis ka na, bago pa kita makalbo kang hinayupak kang malanding babae ka”-Eyah

 

                     Inirapan siya ni Mirzi tsaka pumulupot sa mga braso ni Killua. Samantalang si Killua nakatingin lang sa kung saan, napaka torpe niyang talaga. Walang kupas.

“Tss, walang kwenta”-killua

 

                      Ano’t na… never mind may kakaibang kakayahan nga pala si Killua. Na out of this world. Damn bakit wala ako nun? Takte.

“Buti nalang talaga at nandito ka Lalake ko. Tara na nga may Pangit dito”-Mirzi

“S+upid”-Eyah

                        Inirapan niya kami ni Eyah tsaka pa siyang lumakad palabas kasama parin si Killua. Ang tanga talagang tao ni Killua, kung alam mo lang na ang babaeng nagpupunas ngayon na nabuhos na Dark chocolate sa harap ko ay hinahanap ka ee. Bakit ko ba pinoproblema yun. Siguro alam niya naman yun. May kakayahan nga siya diba. Bakit hindi niya gamitin. Nakakabobo lang siya.

Jersey 18 (Eighteen Butler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon